Chapter 37

1.7K 85 82
                                    

Chapter 37

Talk
  
 
 
Mommy kept on ranting even after Eliron told them my plan to talk to his mother tonight and asked them to come with us.

Paulit-ulit niya akong pinagsasabihan habang pababa kami patungo ng parking area. Kesyo dapat daw ay pinaalam ko sa kanila ni Daddy ang pakikipag relasyon ko, kung saan ako nagtatrabaho at ang mga desisyon na ginagawa ko para sa aking buhay.

"Ikaw talagang bata ka!" impit na singhal ni Mommy sabay batok sa akin.

"Aw..." I uttered and massaged the side of my head.

Anger is evident in her face. I quickly regret telling her that I'm living with Eliron.

I saw Eliron's worried look on me from the back. His face darkened when his eyes drifted towards Mommy. Umamba siyang lalapit nguni't agad siyang pinigilan ni Daddy at may kung anong sinabi. Nilingon ko siya at ngumiti nang mapansin ang pagtitig niya sa akin.

"Palagi ko pa naman kayong pinagmamalaki ng kapatid mo! Ang sabi ko'y mababait kayo at 'di tulad ng ibang kabataan ngayon!" bumuga siya ng hangin. "Pareho lang pala kayong magaling magtago ng kalokohan!"

I turned back to Mommy and saw her suspicious look on me. Napakurap-kurap ako dahil doon.

"W-What?"

Hinagod niya ng tingin ang katawan ko bago lumapit pa lalo sa akin.

"May nangyari na sa inyo?" pabulong niyang tanong.

Namilog ang mga mata, ramdam ko ang mabilis na pag-iinit ng aking pisngi.

"Mommy!" nahihiya kong saway.

"Ano?! Nagtatanong lang ako kung may nangyari na ba?! Nakatira kayo sa iisang bubong, Zaylee! Malandi 'yang nobyo mo, baliw ka sa kaniya, hindi imposibleng may nangyari na sa inyo!"

"I-I'm not crazy over him, Mom..." mahinang tanggi ko.

Mommy rolled her eyes. "Talaga? Kaya pala hinabol habol mo. Ang sabi mo magtatrabaho ka sa hotel ni Nicole. May iba ka palang pinaplano! Kababae mong tao, ikaw naghahabol!"

Ngumuso ako at yumuko.

"Ano? May nangyari na ba sa inyo ng lalaki mo?"

Nag-iwas ako ng tingin at tinikom ang aking bibig, hindi makasagot.

Mommy's eyes widened. I quickly run back when she tried to hit me again.

Eliron watched me with amusement in his eyes as I run towards him. I hold on to his arm and hide behind his back.

Huminto si Mom sa paglalakad at hinarap kami habang nakapamaywang. Ang matalim niyang titig ay dumirekta kay Eliron.

"Ikaw! Siguruhin mong pakakasalan mo 'yang anak ko, ha! Wala akong pakialam kahit Falcutila ka pa! Sinasabi ko sa'yo!" sigaw niya at tinuro pa ito.

Bumugtong hininga si Daddy at agad lumapit kay Mommy upang ibaba ang nakaturo nitong kamay.

"That's really what I'm planning to do, Ma'am." kasyuwal na sagot ni Eliron.

Nilakihan ako ng mata ni Mommy bago sumunod kay Daddy na niyayaya na siya patungo sa kanilang sasakyan.

Naghiwalay kami ng marating ang parking area. Mommy and Daddy will ride our car, while I go with Eliron in his car.

Magkasalubong ang kilay, hinintay ko siyang makapasok ng driver's seat bago nagsalita. "Bakit mo sinabi 'yon?!"

"What?" he asked innocently.

"Dapat sinabi mo nalang kay Mommy na nagkabalikan tayo, hindi yung sinabi mo pa sa kaniya ang lahat." I frowned a bit. "Now, Mommy thinks I'm crazy over you."

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now