Chapter 17

1.4K 110 20
                                    

Chapter 17

Hate
   
   
Umuwang ang labi ko. Ibinagsak ko ang bagpack na dala sa L-shaped na sofa at namamanghang ginala ang aking mga mata sa titirhang condo ngayong pasukan.

The place is spacious and neat. There's a three piece sofa set at the sala and a wide flatscreen TV. Just a few steps behind it is a four seater table, then the kitchen. A small corridor between those leads you to the balcony where you can see the view it offers from up here. You'll come across two rooms at the corridor, the bedroom and the other one is the bathroom.

Nilingon ko si Liam na kakapasok pa lang, hatak-hatak ang luggage ko. Lumapit ako sa kaniya.

"Ang laki naman nito, Liam. Sigurado ba si Tito na ipapahiram niya sa akin 'to?" I asked before letting my eyes roam around the place once more.

Ngumisi si Liam habang pinagmamasdan ako. "Of course, Zay. You know, Papa. He likes to pamper you a lot. Hindi rin naman niya ito nagagamit,"

Tumango ako habang patuloy na pinagmamasdan ang tutuluyan. Today is Saturday. Sa darating na Monday na ang pagsisimula ng pasukan. Hindi pa rin ako makapaniwalang college na ako. And on top of that, I'll be studying at my dream school, UST! Ang dating pangarap ko lang, ngayon totoo na!

"Tawagan mo ako kapag may problema dito," bilin ni Liam.

Tinulungan niya akong ayusin ang mga gamit ko bago nagpasiyang umalis na. Tumango ako sa kaniya. Pinasadahan niya ng tingin ang loob ng condo bago ngumiti sa akin at tuluyan nang tumulak paalis.

I slowly closed the door after sending him off. I sat down on the sofa and grab my cellphone from my pocket. Bumagsak ang balikat ko nang makitang wala pa ring text galing kay Eliron.

He texted me earlier when they landed back here, matapos no'n ay wala na akong natanggap mula sa kaniya. I tried to call him but he wasn't answering.

Hinilig ko ang likod ko sa sofa. Pinagmasdan ko ang loob ng condo saka bumuntong hininga. Ganito pala ang pakiramdam na tumira sa isang lugar na malayo sa pamilya, ang tahimik. It excites me, knowing that I'll be living alone starting today. Though, it also makes me feel lonely. I'm used to living with my family kaya ngayon palang ay ramdam ko na ang puwang, now that I am alone.

I tried to convince Cranleigh to live with me here since he's studying here too. Laking gulat ko nang marinig ang pasiya niyang doon na lamang sa Bulacan magpatuloy sa pag-aaral. Weird cuz on our first week there, gustong-gusto niyang bumalik dito. Nguni't ngayon, ayaw na niyang umalis pa doon. Madalas na din siyang gumala, siguro'y nakakilala na ng mga bagong kaibigan sa lugar.

I went to my room and took a quick shower before I go on shopping. Inikot ko sa aking katawan ang tuwalya at lumabas ng bathroom. Inabot ko ang aking cellphone sa table nang marinig itong mag-ring. Napangiti kaagad ako nang makita kung sino ang tumatawag. I quickly answered the call.

"Hello!" I said.

"Hi, baby..." he said in a lazy tone.

Ngumuso ako. "Tinawagan kita kanina hindi mo sinagot." sabi ko na may halong pagtatampo.

"Sorry, I fell asleep on our way home. Where are you? Nasa condo kana ba? How's the place?"

"Uh-hmm, maganda,"

"That's good. Anong ginagawa mo ngayon?"

"Aalis ako, magsa-shopping. Magpahinga kana, you sound tired," I said after noticing his weary voice.

"I'll come with you,"

"H-Huh? Huwag na, ayos lang ako. Paalis na rin kasi ako. Magpahinga ka—"

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now