Chapter 9

1.4K 137 34
                                    

Chapter 9
  
Hug
   
  
Isinabit ko sa aking balikat ang aking backpack. I checked my things for the last time, making sure I didn't forget anything, before finally stepping out of my room and went downstairs.

Naabutan 'ko si Nic at Cranleigh na magkatabi sa sofa habang nanonood ng cartoons about a human and a yellow dog. Nilingon ako ni Nic.

"Okay ka na?" tanong niya.

Tumango ako. At nginitian ang kapatid kong napalingon na din sa akin. Itinuro ko ang daan patungo sa kusina.

"Magpapaalam lang ako kay Mommy," I said then went to the kitchen.

Niyakap ko mula sa gilid si Mommy na kasalukuyang nagluluto. I kissed her in the cheeks making her chuckle. Pinatay niya ang stove at pinatakan din ako ng halik sa pisngi.

"Aalis na po kami, 'My." paalam ko.

"Sige, mag-iingat kayo doon, anak. Ilang araw ba kayo mamamalagi doon?"

"Hi, Mommy!" bati ni Nic na biglang sumulpot sa aking likuran. Kumapit siya sa aking braso. "Mga tatlong araw po kami magsa-stay doon, doon din po gaganapin ang graduation ball namin," pag sagot niya sa tanong ni Mommy.

Tumango si Mommy. "Sige, ikaw nang bahala sa anak ko, ha?"

"Huwag po kayong mag-alala, I'll take care of Zay,"

Hinatid kami ni Mommy sa gate kung saan naka-park ang SUV nila Nic na sasakyan namin patungo sa kanilang hotel kung saan gaganapin ang birthday ni Liam at ang graduation ball. Agad kaming sinundan ni Cranleigh ng makita ang paglabas namin.

"Ingat kayo..." nakasimangot niyang usal.

Ginulo ko ang buhok niya bago siya yakapin. Mabilis niya iyong kinalas, tinulak niya ako palayo. I laughed when I saw his blushing face. Mas bumusangot ang kaniyang mukha dahil sa ginawa ko.

"Bye, baby bro," malambing kong sabi.

Ngiting-ngiti si Mommy at Nic habang pinagmamasdan si Cranleigh. Sumulyap si Nic sa akin bago lumapit sa aking kapatid at yakapin ito ng mahigpit.

"Ako din!" natatawang sigaw ni Nic habang nakayakap kay Cranleigh.

Humalagpak kami ni Mommy ng tawa ng makita ang pulang-pula na mukha ni Cranleigh. Para siyang maiiyak sa sobrang frustration niya, at 'di malaman kung papaano hahawakan si Nic upang maitulak ito palayo.

Sa sobrang hiya niya, agad siyang tumakbo papasok ng bahay nang bitawan siya ni Nic na ngiting-ngiti din na nakatingin sa kaniya.

Matapos ang ilan pang paalala at bilin ni Mommy sa amin ay sumakay na kami sa sasakyan at tumulak na patungo sa Hotel.

Namamangha kong tiningala ang hotel ng makarating na kami. Hindi ko rin naiwasang mapatitig sa mga valet na ginagawa ang kanilang mga trabaho. Naputol lang ang pag gala ng aking mga mata nang maramdaman ang pagkapit ni Nic sa aking braso at igiya ako papasok ng hotel.

Hindi pa man kami nakakalapit sa counter ay may lumapit na kaagad sa aming dalawang bellboy. Kinuha ng mga ito ang aming mga gamit upang ipanhik na sa itaas, at ang isang babae na mukhang nasa kaniyang mid-thirties ay lumapit din sa amin mula sa counter, yumuko ito bago iabot ang card key kay Nic.

Nilingon ko ang malaking glass wall sa lobby kung saan makikita ang malaking pool sa gitna ng building. I saw some foreigners on the sun lounger, may grupo ng koreano na nasa pool at nagkakatuwaan.

Nagpatiunod ako ng hinila ako ni Nic patungo sa elevator, naalis lamang ang pagtitig ko sa banda ng pool ng mapansin ang mga nadadaanang empleyado ng hotel na yumuyuko pag mapapadaan kami sa kanila. Bumaling ako kay Nic, nguni't parang balewala lamang iyon sa kaniya.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now