Chapter 6

1.4K 164 50
                                    

Chapter 6

Loser
 
 
Paano mo ba malalaman kung mahal mo na ang isang tao?

Kapag ba napapa-saya kaniya? 'pag palagi mo siyang naiisip? Nag-aalala ka sa kaniya? Lagi mo siyang hinahanap? O kapag sa tuwing nandiyan siya ay nagwawala ang puso mo sa pag tibok?

Almost all of the romance films that I have watched showcased those feelings when a character is falling for another.

I like watching those kind of films. I like to watch how love can change a person. It makes them stronger, it makes them braver. It's like, when you fall in love, you become a totally different person.

It made me believe that if I start to feel those with someone, I am in love.

But... that night, I realized, it's not with how much the person is making you happy, or how often he comes into your mind. It cannot be measured just by your concern to that person, nor because you kept on looking for him.

Especially, you can't be in love just because they make your heart beat fast. No. Dahil madaya ang puso natin. Our heart is so unfair. My heart is so unfair, that it only made me realize my feelings for him by breaking into pieces.

Kung gaano kabilis nahulog ang loob ko sa kaniya, ay ganoon din kabilis dinurog ang puso ko.

"Should we really do this, Nic?" kinakabahan 'kong tanong kay Nic habang nakatutok sa dinadaanan ng SUV na sinasakyan namin.

"Of course! I told you, ipapakita ko sa'yo kung anong klaseng tao ang lalaking 'yun." she gritted her teeth. "Kung hindi lang kita kasama ngayon, baka masapak ko na iyon mamaya, e! How dare he use his tricks on you?! Putangina niya!"

Napalunok ako nang maaninag ang club kung saan pumasok ang sasakyan. I don't really like places like this. Pakiramdam ko, anomang oras may mangyayaring gulo dito. I feel like everyone that goes to this place are bad people that you should never even make eye contact with.

Ito ang napag-usapan namin ni Nic kanina bago kami maghiwalay. She told me that we're going to this club, where she said na palaging tinatambayan nila Eliron. Hindi ko na nagawang itanong sa kaniya kung paano niya nalaman ito, ang mahalaga sa akin ngayon ay mapatunayan na mali ang mga sinasabi ng aking kaibigan tungkol sa kaniya.

She made me wear a black spaghetti stringed short dress and a stiletto. A dark gray coat is hanging on my shoulders to cover some of my skin. Napansin niya siguro ang pagiging asiwa ko sa damit na pinasoot niya. Aniya, baka hindi daw kasi ako papasukin kapag ang mga klase ng damit ko ang susuotin ko. She also made me wear some makeup and let my hair down.

Meanwhile, Nic is wearing a spaghetti strapped white silky crop top, black skinny jeans, and a black boots. Naka half pony ang hanggang dibdib niyang buhok. She's also wearing make-up, but hers is different, it made her have a dark vibe.

Pagkababa ng sasakyan ay sinalubong ako ng malamig na ihip ng hangin. I quickly hugged myself as I looked at the expensive cars at the parking lot. Mukhang puro mayayaman na tao ang dumadayo sa club na ito.

Natigilan ako ng makita ang pamilyar na sasakyan. Hindi ako pwedeng magkamali, sa ilang beses ko nang nakakasakay doon ay sigurado akong sasakyan ni Eliron ang puting BMW na naka park na nakita ko.

"Come on, Zay. Let's go." Nic said as soon as she stepped out of the SUV.

Hinawakan ako sa palapulsuhan ni Nic bago hilahin patungo sa club. Habang papalapit kami ng papalapit doon ay mas lalong nagwawala ang puso ko sa kaba at nerbiyos.

Yumuko ako at kumapit sa braso ni Nic nang makalapit na kami sa entrance ng club. Maraming tao sa harapan, at 'di ko maiwasang matakot sa dami ng 'di pamilyar na mukha sa aking paligid, and by the way they looked at me, it was as if I was a criminal on loose that they didn't expect to bumped into in a place like this.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now