Chapter 23

1.5K 100 48
                                    

Chapter 23
   
Process 
   
   
Back then, I always wonder why many hindrances suddenly comes right in front of the protagonist just when he's about to reach his goal, in movies. I thought to myself, maybe to spice up the whole story or to make the viewers feel just how much he wanted it that he’ll go against all of those just to reach his goal.

But now I realize, it happens because they wanted to tell the viewers that, in life, you cannot always get what you want easily. Worse, you might not even achieve anything and in the end you’ll just be bruised all over after fighting for something you will never have.

Not everything will go the way you want them to. Your life won’t turn out like how you planned it to be.

Ang buong akala ko noon kapag nag-aaral na ako sa UST, magiging masaya na ako sa loob ng apat na taon na pag-aaral ko doon kasama ang mga bagong kaibigan. Na kahit na may kahalong hirap, magiging memorable pa rin ang experience ko sa unibersidad gaya ng mga masasayang alaala ko noong high school. But, whenever I think or see a photo of the university that I used to love, all I feel is bitterness and grief from all the memories I have when I studied there for one semester.

Walang emosyon kong pinagmasdan ang mga dumadaang mga estudyante na nagtatawanan. Ginala ko ang mata ko sa paligid upang tignan ang iba pang estudyante sa kalapit na lamesa, na kumakain habang masayang nagke-kwentuhan. Hindi gaya sa unibersidad na maraming kainan na pwedeng pagpilian, nag-iisa lang ang canteen sa paaralan na pinapasukan ko ngayon kaya naman sa mga ganitong oras ay puno ng estudyante ang lugar.

“Hoy, Zaylee, ano na? Nakatulala ka na diyan!”

“Hmm?” usal ko at bumaling kay Bea na nakaupo sa aking tabi.

Umirap siya sa kawalan. “Ano? Tara na, baka malate pa tayo sa susunod nating klase!” aniya at tumayo.

“Ah, oo, sige.”

Tumayo na ako at sinukbit ang bag sa balikat. Sinauli muna namin ang aming pinagkainan bago tumungo sa classroom para sa susunod naming klase.

“Anong gagawin mo pagka graduate natin?” nakangiti akong nilingon ni Bea habang naglalakad. “Ayoko munang maghanap ng trabaho. I want to go on a vacation first. Para mapahinga naman 'yung utak ko ng kaunti,”

I smiled at her. “Balak naming puntahan sila Lolo’t Lola sa Davao pagkatapos ng pasukan,”

She giggled. “Grabe, ang bilis ng panahon. Noong nakaraan lang mga grade seven pa lang tayo tapos ngayon… ga-graduate na sa college!” palaro niya akong tinabig at nakangising nagtaas ng kilay. “With latin honors pa!”

Natatawa akong umiling.

Yeah, time really goes too fast. It’s been three years since I left him.

I called Kuja Falcutila after breaking up with Eliron and shooed him away when he followed me to my condo unit. Gaya ng napag-usapan, pinalaya niya si Daddy at nag-iwan ng pagbabanta na mas malala pa doon ang sasapitin ng pamilya ko kapag nalaman niya na nagkikita ulit kami ni Eliron.

Hindi na ako bumalik pa ng Manila, at pinili na lamang abalahin si Liam para sa mga papeles na kailangan kunin mula sa unibersidad upang makalipat ng paaralan. Nagpalit din ako ng numero sa takot na baka tawagan o itext pa ako ni Eliron at malaman ng kaniyang Mama.

Nakalaya man ng kulungan, nadungisan na ang pangalan ni Daddy at dahil sa nangyari, nahirapan na siyang makahanap muli ng trabaho. May paunti-unti mang nagtitiwala pa din na customer, hindi naging sapat iyon lalo na’t malaki ang kinakailangang pera para sa patuloy na pag gagamot kay Cranleigh. Kaya napilitan na din si Mommy na magtrabaho kahit na masama sa kalagayan niya ang magpagod.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now