Chapter 25

1.6K 109 23
                                    

Chapter 25
 
Mistake
 
 
Panay ang sulyap ko sa kaniya mula sa rear view mirror. Mag-isa siyang nakaupo sa backseat habang ako nama'y nasa front seat katabi ni Mang Ben, ang driver niya.

Bumaba ang tingin ko sa aking kandungan. Tanging ang mga ibabalik sanang mga folder ang dala-dala ko. Mahina akong bumuntong hininga.

Tinignan ko ulit siya. Magkakrus ang kaniyang braso at nakasandal ang kaniyang ulo sa backrest. Nakapikit ang kaniyang mga mata. He still looks serious though. Is he sleeping?

Bumagsak ang balikat ko. There must be really something between him and Glaiza. Kaya kahit pagod siya ay pinili pa rin niyang makipagkita ngayon.

Kung ganon, bakit niya ako sinama? Anong gagawin ko doon habang nagdi-date sila? Baka naman isinasama niya talaga ang sekretarya niya sa mga date niya. Should I ask Ms. Ella?

I face palmed. I almost forgot, hindi ko nga pala dala ang bag ko. How can I text her?

Bumaling na lamang ako sa bintana sa aking tabi. Lalayo nalang ako sa table nila. Sigurado naman akong 'yon din ang gugustuhin ni Glaiza na gawin ko. Who would want to have lunch date together with your lover's secretary, right? I don't.

"Hija, ilagay mo nalang muna 'yang folder na dala mo dito," sabi ni Manong Ben.

Binuksan niya ang maliit na compartment sa harapan ng kinauupuan ko. I nodded and placed the document inside.

"Thank you po," I smiled.

Manong Ben somehow reminds me of the street food vendor sa tabi ng university. Kamusta na kaya siya? Nakalimutan ko siyang daanan noong bumalik ako doon para sa graduation ni Danica. I should visit him sometime.

Medyo traffic kaya tumatagal ang biyahe. I don't have anything to ease my boredom so I decided to just have a conversation with Manong Ben at mukhang bored din naman siya. Hindi rin naman puwedeng magpatugtog dahil natutulog si Sir.

"Matagal ka na pong driver ni Sir, Manong?" tanong ko.

Sandali niya ako nilingon bago ibalik ang tingin sa kalsada. "Oo, hija, simula ng palitan niya ang ama niya."

"Hmm..." tumango-tango ako.

"Ako din ang driver ng ama ni Sir. Eliron noong siya pa ang nasa puwesto,"

My eyebrows shot up. "Oh? Ang tagal niyo na po pala sa trabaho niyong ito,"

"Oo, e, mabait at maganda ang pasweldo nila kaya hindi na ako naghanap ng ibang pagkakakitaan." natatawang sagot niya.

Tumango ako at bumaling sa kalsada sa aming harap. Gusto ko sanang magtanong tungkol sa Papa ni Sir, pero ayoko namang isipin ni Manong na masyado akong nanghihimasok sa pamilya ng boss namin. Isa pa, narito si Sir, baka bigla siyang magising at marinig pa na nagtatanong ako. That will be embarrassing!

"Maiba ako, ikaw ba'y may nobyo na?"

Napakurap-kurap ako. "Po?"

Tumawa siya. "Napansin ko kasi masyado kang subsob sa pagta-trabaho mo, baka masyado mo nang napapabayaan ang sarili mo. Kung may nobyo ka, may mag aalaga sa 'yo,"

Uminit ang pisngi ko sa pinag-uusapan. I glanced at Sir. His eyes were still closed. I sighed in relief before turning to Manong Ben and smiled.

"Kaya ko naman po ang sarili ko,"

"Nako, ganiyan din ang sinabi sa akin ng anak ko pero ayon, napabayaan niya ang sarili niya, nagkasakit. Natanggal pa siya sa trabaho niya kalaunan,"

Naipit kami sa traffic kaya nakuha ni Manong Ben na ipakita sa akin ang litrato ng kaniyang anak. He's son looks like a younger version of him, he looks shy and quiet.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now