Chapter 7

1.4K 146 60
                                    

Chapter 7

Kalamares
  
  
I stopped my tracks and fixed the books on my arms, when I felt like it's about to fall from my hold. Huminto si Nicole at hinintay ako.

Nang maayos na ang mga ito ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. While Nicole continued what she was saying.

"Anak siya ni Tito Emmanuel. Halos lahat ng branch ng hotel namin ay sila ang nag disenyo. Close ang parents ko sa pamilya niya kaya madalas kaming nagkikita sa mga events at meetings,"

Ang malakas na tawanan ng mga estudyante mula sa labas ang nakaagaw ng aking atensyon. I looked at my left. Through the windows, I saw some junior high students playing in the soccer field. It made me remember some fragments of the days back when I was still in JHS. Time goes really fast, without noticing I'll be graduating in Senior High and soon start my college life.

"I wished you saw how he punched Jeffrey in front of all their business partners, Zay. Wala atang event na pinuntahan iyon nang hindi nakikipag-away, e. I feel sorry for his parents."

Lumiko kami at naagaw ang atensyon ng ilang kapuwa grade twelve students sa ibang section. Nakatayo sila sa corridor at nagke-kwentuhan, nguni't nang makita kaming papadaan ni Nicole ay napalingon sila sa amin.

"Need help?" tanong ng isa sa kanila kay Nic.

"No." Nicole said with conviction before walking pass them.

Tipid akong ngumiti sa kanila. They all smiled back and gave way for me. Yumuko ako at mas binilisan ang pag lalakad.

Nang makalayo, umirap si Nicole at sumulyap sa akin.

"Nabasa mo ba yung sinend ko sa 'yo kagabi?"

Marahan akong tumango. She groaned.

"See?! Kita mo kung gaano kakati ang lalaking 'yun? At wala talaga siyang pakialam kung may makakita sa mga kalokohan niya! Sinisira niya ang image ng pamilya niya sa mga tao!" galit na galit siya.

"Hm," I uttered weakly.

Tulad ng hinala ko, galing nga sa mayamang pamilya si Eliron. Nag-iisa siyang anak ng isa sa pinaka sikat at kilalang na architect sa loob at labas ng bansa, who's also the owner of a well-known architect firm, FAAD, si Emmanuel Falcutila.

I can't believe how ignorant I was! I was going out with a millionaire for the past few weeks! Everything was written in the internet yet, I didn't knew a thing! Even his past issues and rumors are there. From how he always end up picking fights in events, to some photos and videos of him together with different girls, making out and going to hotels.

Matapos malaman ang mga 'yon, nakaramdam ako ng takot para sa sarili. Lalo na tuwing naaalala ko ang mga pinaggagawa ko no'n. I was even the one who made a way for us to meet again!

Simula ng gabing iyon sa club, hindi na ako bumalik sa unibersidad. I would always make excuses whenever he asks me on the days when we normally see and hangout with each other. Hindi na rin ako nagte-text sa kaniya. At kapag siya naman ang nagte-text, I would always end  our conversation, minsan hindi na ako nagre-reply pa. Kapag naman tumatawag siya ay magsisinungaling na lamang ako na busy o, naiwan ang phone kaya hindi siya nasagot.

Itinaas ni Nic ang kaniyang mga kamay sa ere upang mag-unat. Pabalik na kami ng classroom matapos masunod ang inutos sa 'kin ng aming guro. Nicole actually just tagged along and helped me with it. Sa susunod na linggo na ang graduation ball kaya wala kaming masyadong ginagawa. Binibigyan kami ng oras ng mga professors namin upang makapaghanda para rito. Kaya laking pasalamat ko na rin na paminsan minsa'y nauutusan kami, rather than to be bored to death inside our room.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now