Chapter 11

1.4K 134 74
                                    

Chapter 11

Quit
 
  
Is it worth it?

Ang paulit-ulit na masaktan para sa sandaling kaligayahan at sundin ang puso ko. Is it all worth it?

To hear it from my friends is painful, to see it on photos and videos, is heartbreaking. But to witness it with my own eyes… is making me numb.

I’m in love with him. I love him even with the knowledge about his real identity, I still choose to continue what my heart is saying, and pursued him. I told myself that I’ll just accept everything and when my heart can’t handle all the pain anymore, I’ll stop. Pero ang hirap palang gawin.

Ang hirap lalo na sa tuwing ipinararamdam niya sa akin na para bang pareho kami ng nararamdaman para sa isa’t isa. I keep on reminding myself not to assume, never hope for anything but, I just can’t stop myself. Kusang umaasa ang puso ko, sa bawat salita niya, sa bawat galaw, na para bang gusto niya din ako.

But I think I am at my limit. I can’t do this anymore. Yes, he did changed me. He opened my eyes to a new and broader world. He made me experience a lot of new things, he made me feel what it's like to fall and be in love. Pero, ayoko na. Hindi ko na kaya.

Gusto ko siya, pero tama na. This dream is starting to be a nightmare, I need to wake up now.

Lumilipad ang isip, at mabagal ang bawat pag-apak ng aking mga paa habang pabalik ako sa kuwarto namin. Weird, after what I’ve witnessed, not a single tear dropped from my eyes.

Binuksan ko ang maliit na pouch na hawak, kukunin ko sana doon ang card key nguni’t bahagya akong natigilan ng makitang bukas ang pinto ng kuwarto. Marahan ko iyong binuksan at pumasok sa loob.

Madilim sa loob pero dahil tanaw mula rito ang nakabukas na lampara sa tabi ng kama, nakita ko na kaagad si Nic na nakaupo sa kama. Lumapit ako sa kaniya, at dahil nakaharap siya sa balkonahe ng kwarto ay hindi niya nakita ang paglapit ko.

Umupo ako sa kabilang side ng kama dahilan ng pag-uga nito. Mabilis siyang lumingon, namimilog ang mga namumula niyang mata. Bumugtong hininga siya ng makita ako at ngumiti, taliwas sa pinapakitang lungkot ng mga mata niya ngayon.

"Naiwan mong bukas ang pinto," panimula ko.

Tumango siya at ibinalik ang tingin sa balkonahe kung saan makikita ang paglubog ng araw, at ang dahan-dahang pagdilim ng kalangitan.

"Nakita kitang umalis kanina kasama si Tita, kaya hinanap kita,"

Narinig ko siyang nagpakawala ng malalim na bugtong hininga na tila pagod na pagod.

"I got scolded, again," aniya.

"Bakit? Nag-away ba kayo ni Tita?"

Tumawa siya, nguni't bakas dito ang pait. "Palagi naman siyang nagagalit sa 'kin, Zay. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko, e. Kapag ginawa ko ang gusto ko, nagagalit siya. Kapag ginawa ko naman ang sinasabi niya, nagagalit pa din siya,"

Nilingon niya ako at ngumisi. "Maybe she just hates me." sabi niya at nagkibit balikat.

"That's not true," agap ko.

“You’re so lucky to have a loving parents, Zay.” mapait niyang sinabi. “I have a Mother who hates everything that I do. Tapos si Daddy, na parang walang pakialam sa akin. All he cares about is business… Fuck his business! They’re so unfair…” her voice cracked.

Agad akong tumayo upang lumipat sa tabi niya, at dinaluyan siya. This is the first time that I saw her cry. Hindi niya pinapalis ang mga luhang bumabagsak sa mga mata niya, at halata sa kaniya na pinipilit niyang pigilin ang pagbuhos nito at ang pag hikbi.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now