Chapter 40

2.2K 108 208
                                    

This is the last chapter. Thank you for reading my first story here in Wattpad. I am very grateful for all your support. I hope you enjoyed reading the story of my baby Eliron and Zaylee. There will be an Epilogue after this. :)

Chapter 40

Ethereal

Kalmado ako buong biyahe, nguni't ngayong natatanaw na ang mataas na building ng FALCO mula sa bintana ng sinasakyan ko, unti-unti nang umuusbong ang kaba sa aking sistema.

Bumagsak ang mga mata ko sa magkahawak naming kamay ni Eliron nang maramdaman ang pagpisil niya doon upang makuha ang atensyon ko. My eyes drifted to his face. Kunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako.

"Are you alright? We can still back out." marahan niyang sinabi.

Mabilis niyang sinenyasan ang driver nguni't agad ko siyang pinigilan.

"I'm fine, Ron. I'm just... nervous." I said.

Tumango siya at nilapat na ulit ang likuran sa kinauupuan. On the other hand, I stared back at the building through the window.

Ever since Kuja Falcutila heard that I'm back in Manila, she kept on inviting me to go with them to various events. Eliron kept on turning down her invitations. He was too worried about me especially when he first witnessed my struggles with my morning sickness or, I like to call more as 'all day sickness' since it keeps on attacking me the whole day. Kahapon, tinawagan siya ng Mama niya upang imbitahan ulit pero dahil kahapon din ang schedule ng checkup ko, hindi ulit kami nakapunta.

Today, she was too eager to make us come. Maaga siyang bumisita upang personal kaming imbitahan sa gaganaping event ngayon sa kompanya nila.

Pinayuhan ako ni Ron na huwag nang bumaba at siya nalang ang kakausap sa Mama niya. Kakatapos ko lang kasing atakihin ng pagsusuka ng ianunsyo ng isang guard na narito ang Mama niya. I agreed to him but when I started to feel better, nagpasiya akong lumabas ng kwarto upang tignan ang nangyayari sa mag-ina.

"I know, Ron. I understand but, can't the two of you show up later even for just a bit?" I heard Kuja's usual soft yet authoritative voice heightened as she said those words.

"Zaylee needs to rest, Mama." sagot ng kaniyang anak.

"Your Lolo will be there. He's expecting all of us. Our family dinner will also be held there."

Nakahawak ang dalawang kamay sa barandilya ng ikalawang palapag, dahan-dahan akong bumaba habang patuloy na pinakikinggan ang pag-uusap nila.

"It's an important event for the company, we all need to be there. Also, it's the perfect venue to introduce her as a part of our family."

"The media will flock the whole venue, Mama. It's not safe for her."

Tuluyan nang nakababa, nakita ko ang pagbugtong hininga ng Mama niya kasabay ang pag-iling. Akmang magsasalita, she stopped when she spotted me. She shifted her weight to face me.

"Good morning, hija." in a formal tone, she said.

Lumingon si Eliron at bumugtong hininga nang makita ako. Mabagal akong lumapit sa kanila, kinakabahan sa prisensya ng Mama niya.

"M-Magandang umaga po..."

Ron's hand quickly found its way to hold my elbow and pulled me near him in a protective stance. Kunot noong sinipat ni Kuja ang kamay niya sa akin. Tumikhim siya at nag-angat ng tingin sa akin.

"How are you feeling, hija?"

"Uh, m-mabuti naman po."

She gave me a reserved smile. "That's good. Then you can come later?"

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now