Chapter 18

1.3K 105 28
                                    

Chapter 18

Leave
 
  
Mabilis na dumaan ang mga araw at kasabay no'n ay ang pag-usbong pa lalo ng galit na nararamdaman ko para kay Camilla.

I'm trying my best not to hate her but whenever I see her obviously trying to push my buttons by being overly close to Eliron and how she would always roll her eyes on me, I can't help but to feel hate towards her.

I almost exploded when I overheard her conversation with him one time.

"Girlfriend mo ba talaga 'yong si Zaylee?"

Akmang dudungaw na ako sa loob ng classroom nila nang marinig ang tanong na iyon ni Camilla. Some of their classmates saw me and smiled as they step out of the classroom. May isa pang sana'y tatawagin si Eliron nguni't napigilan ko ito.

"Uy! Ano? Girlfriend mo ba? Fling lang din yan, 'no? Gaya nang kay Paula dati," natatawang aniya.

Sumimangot ako doon. Who's Paula?

"Zaylee is my girlfriend, Camilla." dinig kong sagot ni Eliron.

"Seryoso ka ba doon, Ron? Ilang taon na ba 'yon? She looks too sensitive and immature! Sakit lang sa ulo ang makukuha mo diyan, sige ka!"

"Tss... she's not like that, Cam. Let's just finish this already so I can go to her room. Kanina pa siguro naghihintay si Zaylee,"

"See?! This is what I'm talking about!" gulantang niyang sinabi. "Look how demanding she is! Puwede namang sa parking area na lang kayo magkita kung ihahatid mo siya pauwi pero, talagang nagpapasundo pa sa room nila? Goodness, college na tayo hindi high school!"

Bigla akong naasiwa sa kinatatayuan ko. Bahagyang nakayuko, tumingin ako sa paligid at nakita ang nagtatakang tingin na ginagawad sa akin ng mga estudyanteng napapadaan na para bang katakataka ang presensiya ko rito.

"It was my idea, okay?" giit ni Eliron.

"Hayaan mo na si Eliron, Camilla." singit ng isa nilang kaklase, na sa tingin ko'y si Samuel.

"Basta! Kung ako sa'yo, 'wag mo masyadong seryosohin ang mga ganyan. Maramdamin ang mga ganyan. Masyadong demanding at sensitive pero madali lang din namang bumibitaw!"

"Whatever, Cam. I'm leaving."

"I'm just worried, Ron. Girls that age, pang madalian lang hanap niyan. They're not up to serious relationships yet."

Hindi ko na narinig ang mga sumunod niya pang sinabi. Umalis na ako at tumungo pabalik sa classroom namin upang hindi maabutan ni Eliron sa harap ng kanilang room. Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng aking bag at mas binilisan pa ang paglakad. Tears pooled my eyes as I almost run back to our classroom.

"May gusto nga kasi siya kay Eliron kaya sinisiraan ka! Akala naman niya ikinaganda niya ang paninira sa kapuwa niya babae!"

Nakayuko lang ako sa aking pagkain habang pinapakinggan ang reaksyon ni Danica sa mga narinig ko. Nasa isang food stall kami ngayon. Ayaw ko na sanang sabihin pa ito sa kaniya kaya lang, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. I need to hear other people's perspective of what I should do.

"Hayaan mo lang siya, magsasawa din 'yan."

Malungkot akong tumango. Tama si Danica. Dapat ay hindi ko na lang pansinin ang mga pagtataray at paninira niya sa 'kin. I guess, I'm just not used to this, kaya bothered na bothered ako ngayon.

Pilit ko na lamang iyon isinantabi at mas nag focus sa pag-aaral. Parati akong mag-isa sa mga subjects na hindi ko kaklase si Danica. Sinubukan kong kaibiganin ang iba ko pang kaklase pero tumigil din kalaunan nang maramdaman ang malamig nilang pakikitungo sa akin.

Ethereal LoveWhere stories live. Discover now