Simula

257 8 0
                                    

Simula


I was wondering how people found theirself. If they did. How?. Kasi ako hindi ko aakalaing darating ako sa punto na ako mismo hindi ko makikilala ang sarili ko.

My face are full tears and my body is sweating. Mula sa pagkakahiga ay bumangon ako. I wipe my tears away and slightly bow my head, trying to remember my  dreams. Mahinang paghikbi nalang ang nagawa ko ng wala akong maalala. Wala na naman akong maalala!

I don't know how long I stayed in that position. Nahimasmasan lamang ako ng marinig ko na ang tilaok ng mga manok. Umaga na pala, tumayo ako at sinimulan ng ligpitin ang higaan ko.

"kamusta ang tulog mo iha, nanaginip ka nanaman ba?" Bungad ni nay Luming saakin.

"Ayos lang po ako nay" I choose not to tell her that I have a hard time in sleeping again because I don't want them to be worried, sila ni tay Berto. Si nay Luming ay matanda na at ang kasama niya sa buhay si tay Berto at isa nilang anak na babae na mas bata sa akin.

"Pupunta pala kami ni tay Berto mo mamaya sa bayan, gusto mo bang sumama?"


"Wag na po nay, baka po kasi daanan ako rito nila Ling at Yan mamamaya para samahan silang maglibot sa bayan" sagot ko sa kaniya habang inuumpisahan kong buksan ang mga bintana.

Tumango lang si nay Luming saakin at bahagyang ngumiti bago lumabas. Kahit di sabihin ni nanay alam kong masaya siyang nakikita akong lumalabas na ng bahay.

3 months of being here, knowing nothing and keeping myself In the four corners of their small house and from others is tiring. Mabuti na lang at nakikilala ko sina Ling at Yan ng minsang sinama ako ni nay sa bayan.

"Luck sumama kana kasi samin, promise pagkatapos ng game uuwi na tayo." Sabi ni Yan habang nakakapit sa braso ko at inaalog pa ito.

"Aysus, huwag nating isama yan si Luck! Ang lakas makahatak ng atensiyon. Hindi napapansin ang beauty natin sis pag kasama siya." Natatawang saad ni Ling

"Ling, kahit wala si Luck hindi naman talaga pansinin iyang beauting sinasabi mo. May pa beauty beauty ka pang nalalaman eh wala ka naman nun." Pang-aasar ni Yan.

Napasimangot naman si Ling. Natatawa na lang ako sa kanila. Actually, Ling is beautiful, mahaba ang itim na itim niyang buhok na aabot hanggang bewang, she is taller than us and she is petite, hindi naman sobrang itim ang balat niya but compare to our skin mas kayumanggi siyang tignan sa amin. Ako kasi ang mas maputi sa amin. It was like I don't belong here.

One look at them and you already know that they are probinsyana. Just like Yan na masasabi mong probinsiyana talaga, kayumanggi, katamtaman lang ang haba ng waving buhok and she got all the curves. Mahinhin rin silang kumilos at masiyahin. While me, I look like a lost girl here. I look different and foreign.

Hindi ko namalayang nahila na ako ni Yan para umupo sa upuang kahoy. I slowly blink my eyes as the sun rays hit my face. Mabuti na lang at hindi masyadong mainit sa inuupuan namin dahil sa puno ng narra.

"Mag uumpisa na ata" sabi ni Ling habang tutok na tutok sa kung ano man ang tinitignan niya.

Tumuwid sa pagkakaupo si Yan at tinuon na rin ang atensiyon sa gitna. My eyes roamed around, I frown after I realize where we are. We are in the middle of rice field. Summer na kaya siguro walang nakatanim na palay at ginawa na lang ng mga taga rito ito bilang palaruan. I wonder what kind of game will they play? maybe basketball kasi usually ganyang laro ang nilalaro ng boys? but I don't see any ring here. It must be a volleyball because theres a net.

Lost and Fallen (Memories #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon