Chapter 48

41 2 0
                                    

"Oh My goodness!"

Singhap ni Alavi sa tabi ko, pawis na pawis ang leeg niya at halata sa mukha ang pagkairita. Nilingon ko siya, natahimik naman ito, tinikom ang bibig at inirapan ang katabing lalaki na may katabaan dito sa bus.

"Seriously?" reklamo niya. Gumalaw-galaw siya at inusog palayo sa kaniya ang katabi.

Papunta na kami ngayong Isla. Medyo malayo layo pa ang byahe namin. Okay naman siya kanina pero ng tumaas na ang araw ay nagsimula na siyang mairita. Nagmamadali ako kanina kaya ang napili kong bus ay walang aircon.

She wants this, so she can't blame me. Siya may gusto nito.Sinabing huwag ng sumama pero ang tigas parin ng ulo. Yan tuloy!

"I think I'm going to die." Eksaherada niyang sabi sabay paypay sa sarili.

Pinigilan ko ang kamay niya ng makitang inaangat niya ang damit malapit sa dibdib para mahanginan ang pawisan niyang leeg. What the hell! makikita ng mga nagtatayuang pasahero ang loob ng damit niya kapag ginawa niya iyon. Di ba siya nag-iisip. Lalo akong nairita ng makitang titig na titig sa kaniya ang katabi niyang lalaki.

Shit! The assholes are feasting on her big chest!

Bakit ba kasi ganito ang damit niya? Ngayon ko lang napansin ang suot niya. She was wearing a deep v neck maroon terno top and short. Naka maroon rin siyang boots. Meron siyang jacket na suot kanina pero inalis niya rin dahil sa init.

"How long I'm gonna endure this"bu-bulong bulong na sabi niya. Sa itsura niya ay parang any minute pahihintuin na niya ang bus para bumaba.

Napangisi ako.

"I think mga isang oras pa." Sagot ko sa bulong niya.

Umawang ang bibig niya. Pumikit ng mariin . By her looks, I expect her to rant and curse me but it didn't come. She cringe her nose and sniff.

"What the heck is that smell?"

"What" tanong ko rin.

She continued to sniff until her nose stop near her seatmate, whose currently busy with his phone. "Is that bad odor?"

Sobrang inosente ng pagkakatanong niya noon. Sa sobrang inosente ay napalakas nga lang. Nagtinginan ang ibang pasahero sa amin, its not like hindi kami pansinin kasi kanina pa lang ay may ilan ng napapatingin sa gawi namin. Masyadong malikot at reklamador si Alavi. Buti na lang at hindi nakuha noong katabi niya ang sinabi nito. Ayokong mapa-away kami dito.

Pero Alavi will always be Alavi.

"Hey!" kalabit niya doon sa katabi niya.

"Po" alanganing sabi ng lalaki.

"Could you please sit somewhere"

"Alavi!" Saway ko sa kaniya.

Kumurap-kurap ang lalaki, naguluhan sa narinig.

"Sorry but I can't take it! Your so..." tumigil siya sandali "uhmm how can I say it." Umasim ang mukha ng lalaki, parang ngayon lang nag sink in sa kaniya ang salita ni Alavi kanina. "Ah basta... Kuya huwag ka lang maoofend ha. But I think you should take care of your hy-"

Mabilis na tinakpan ko ang bibig niya. Tumingin ako sa lalaki ng may paumanhin. Nakakunot na ngayon ang noo nito sa amin.

I fake a laugh. "Switch tayo ng upuan. Ako na dyan."

Pinatayo ko siya at umusog ako para pumalit sa dati niyang pwesto. Nang okay na ay saka lang siya umupo sa kaninang kinauupuan ko, nasa tabi ng bintana.

"Damn! Hanggang dito ba naman aabot parin ang amoy. What the heck!"

Mariin ko siyang tinitigan. "Shut up Alavi! I told you to stay at home but you still insist. Now, stop complaining! Nasa public transpo tayo. Ginusto mo to!"

Lost and Fallen (Memories #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon