Chapter 27

32 2 0
                                    

Hindi ko matandaan kung nakasakit na ba ako ng ibang tao pero sa tingin ko ngayon oo, habang tinitignan ko ang mukha ni Sam ay parang nagdidilim ang paningin ko..

How can she act so calm and compose.

Hindi naman ako mababaw na tao. I can forgive someone kung sino man ang gumawa noon basta ba aksidente lang. But by watching her, I don't think it was an accident, she doesn't even look apologetic.

"Ano bang problema mo?" pilit pinapakalma ko na tanong sa kaniya pero nahimigan ko parin ang inis sa tono ko.

She scoffed. "Wala. Baka ikaw meron. Can't you be sport. Its a game kaya its natural na masaktan ka".

Nakuyom ko ang kamay sa inis. This bitch!

"Samaritania!" Si President.

"What? Totoo naman ang sinasabi ko."

Nagsilapitan na rin ang mga classmates namin sa amin. Pati si Ma'am ay mukhang naramdaman na magkakatensiyon na.

"Asyo saan ka pupunta? Parating na si Sir."

"Luck, you okay?" Asyo asked totally ignoring Dextrin. He throw daggers of looks to Sam.

She pouted her lips and rolled her eyes again on me.

Naglakad si Asyo palapit sa akin. Kung hindi siya pinigilan ni Lyze ay baka nagtuloy-tuloy na. Namataan ko ang teacher nila na naglalakad bitbit ang lapel.

"Hoy Skiel bawal ka dyan."

"Mr. Sevilla you are not allowed here. You have your own class there. Go!" Si Ma'am Choco na tinulungan akong makatayo. She checked my shoulder and insist to let me check in our clinic but I refuse.

"Are you sure Lucky? Okay ka lang ba?"

""Yes ma'am. Hindi naman po ako masyadong nasaktan,  kaya ko pa namang maglaro.

"Samaritania , don't do it again. Be aware of your action." si ma'am.

Nag-umpisang lumapit ang mga ka team ko sa akin at chineck rin ako tulad ng ginawa ni ma'am. Nagtagal ang titig ko kay Sam na ngayon ay nagme-meeting sa mga ka team niya but I catch her stealing glances on my way.

She nodded shortly. "Sorry ma'am. Hindi ko agad narinig ang pito mo."

Ma'am nodded, she looks convinced with her words. Nawala na ko sa mood maglaro but we have to finish this round. Maybe I should take a break or at least rest for awhile.

Pinayagan naman ako ni Gwen at pinalitan muna sa isa pa naming classmate. Umupo ako sa bench at pinanuod ang laro nila. I tried to move my shoulder, napangiwi ako ng tumunog ang buto ko sa balikat pero mukhang okay lang naman ako. Wala namang bali at hindi na siya ganoon ka sakit.

I think I can play again.

"Mr. Sevilla wala sa kabilang section ang lesson ko. Kung gusto mo lumipat ka na lang doon!"

Tinapik siya ni Hancer. "Skiel, hindi yan mawawala dyan."

"I know. I just can't help myself. Badtrip kasi to si Tanda e" he scratch his back head and puckered his lips.

"Mr Sevilla!"

Naagaw ang pansin ko nang marinig ang galit na boses ng matandang teacher nila. He was old and he's gay-the white hair and wringles on his forehead is very visible. Mas lalong nadagdagan lang ito ng mga pasaway niyang estudyante. I know him dahil sa kilala siya bilang terror teacher na mahilig magbagsak but I heard that he was good and efficient when it comes to teaching.

"Asyo" bumagsak ang tingin ko sa balinkinitang babae sa tabi niya. She was his partner siguro.

Asyo turned to her with a knotted forehead.

Lost and Fallen (Memories #1)Where stories live. Discover now