Chapter 30

39 3 0
                                    

"Ano ka ba! Nahihilo ako sa ginagawa mo, mamaya niyan makalimutan mo pa ang steps natin."

Mula sa pabalik-balik na paglalakad ay huminto ako at binalingan si Phase na prenteng nakaupo, parang hindi siya nababahala na kami na ang susunod. He was wearing a white shirt, that made to be fit with his body built, naka itim na slacks lang siya. Im wearing a white lacy dress that slightly touch its edge on the floor, my hair is falling freely at my back. Nakapaa lang ako tulad niya.

Napangat-ngat ako sa kuko ko na malapit ng maubos sa kakagat ko at ilang beses na bumuga ng hangin. Parang naiihi ako sa kaba at gusto na lang iwan si Phase dito mag-isa.

"Anong magagawa ko, e sa kinakabahan ako."

"Ngayon ka pa talaga kinabahan when you always dance-"

"Ano? This is the first time kaya na sasayaw ako, ano bang pinagsasabi mo?"

He fake a coughed and looked away. "Wala. Ang sabi ko kumalma ka kasi hindi ka naman nila kakainin ng buhay."

Kinunutan ko siya ng noo at nagpasyang sumilip sa gilid kung saan makikita ko ang stage at crowd.

Today is our student day together with our acquintance party. Nagkalat ang booths sa labas at may kaniya kaniyang pakulo ang mga year level kaninang umaga. Ngayong hapon ay ang Students day couple program which is kami ang contestant. 

Tapos na kaming mag introduction at magpakilala ng sarili.

"Hala ang dami talagang tao." I whispered to myself.

Halos malula ako sa dami ng mga estudyante, may iilang senior high akong nakita at junior high na nanunuod. Kahit na nakita ko na sila kanina ay parang umaatras ang loob ko ngayon. 

Dancing is different from walking and introducing yourself.

Napaawang ang bibig ko habang pinapanuod ang talent nila Amira, pagkatapos nila ay kami na. Just like ours, interpretative din ang sa kanila. Pumaloob sa loob ng Amphi ang music na apologize, magaling rin pala siyang sumayaw at ganun rin si Uno na partner niya. Their bodies move with the beat of music. Tutok na tutok ang mga estudyante at minsang humihiyaw kapag nagustuhan ang stepping ng dalawa.

 Nakita ko pang napapangiti ang judges.

Dali-daling binalikan ko si Phase ng humiyaw ang mga estudyante sa finale nila Amira. 

"Anong gagawin natin. Tapos na sila, tayo na ang susunod!" kinakabahan na sabi ko.

Mahina siyang natawa at uminom ng tubig bago pumwesto sa bukana papasok sa stage, sumunod ako sa kaniya at tumabi. The area filled with screaming and cheering, they like what they have watched with Amira and Uno.

"Ano pa ba edi we'll gonna show them what we've practice."

Pumasok sila Amira at Uno. Nakipagbiruan pa si Uno kay Phase bago ako binigyan ng magaang ngiti. Ngumiti rin ako sa kaniya pabalik at tahimik na sinundan ng tingin si Amira, pawisan siya pero hindi pa rin nabawasan ang ganda niya.

Shes still not talking to me.

"Halika na"

Hindi ko namalayang tapos na palang tawagin ng MC kami. Hinigit ako sa pulso ni Phase at nagpatianod na lang na sumunod sa kaniya. He hold my hand nang tumapak na kami sa stage. I put a smile on my face and walk confidently, when the truth is my heart beats wildly, nanginginig rin ang tuhod ko sa kaba pero hindi ko pinahalata na lang at ngumiti tulad ng mga sumasabak sa miss universe.

"Go! Mass Com. department! Whoah!"

"LuFe! LuFe! LuFe!"

LuFe? Where did they get that? Combination ba iyon ng Lucky at Phase? Parang katunog ng isang character sa 'One Piece'.

Lost and Fallen (Memories #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora