Chapter 25

42 1 0
                                    

Halos hindi ako pinatulog ng pangyayaring iyon kagabi, hindi ko maiwasang isipin ang mga salita niya, and the way he deliver those words with matching deep gaze from his blue eyes, hindi ko maintindihan kung bakit parang may nagbago sa nararamdaman ko, dati hindi naman ganito.

I don't know when this unwanted feelings start.

The next day, when I woke up they are already gone, wala na rin sina Ling at Yan kaya siguro sabay na silang umuwi. Sobrang aga nilang umalis na wala na akong naabutan paggising ko maski tent or kalat nila ay wala, hindi mo nga aakalaing may overnight na oonaganap kagabi dahil sa sobrang linis ng bakuran namin. Kung ano ang ayos nito bago sila dumating ay ganoon pa rin ang ayos nito pagkatapos nilang umalis.

Those boys are not just handsome but they are also responsible one.

I wonder if they fall asleep. Nakatulog kasi kami pasado alas dose na nang umaga dahil sa nagkwentuhan pa muna. Nakatulugan na namin ang pakikipag video-call nila kay Asyo.

Anong oras kaya sila natapos?

"Barbie" mahinang bulong ko.

Hindi inaalis ang tingin sa unahan kung saan nagsasalita ang President namin, kasalukuyan silang nagmeeting ng mga foods para sa nalalapit na students day, isinabay na rin ang acquintance party.

"Hmmm?" she hummed while slightly tilting her head to my side, ingat na ingat rin na hindi masita ni Pres.

"Ano bang motif natin sa students day?"

Sa ikalawang pagkakataon ay sinulyapan niya uli si President bago ako maingat ni nilingon, she gave me this weird look again. Ito yong tingin niya everytime magpapaalam ako sa kaniya na may bibilhin kami ni Phase sa canteen.

"Kakasabi lang ni president. Hay naku! Kung sino-sino kasi ang iniisip mo"

Umismid ako. "Sino-sino? Hindi ba pwedeng ano-ano?"

"Sabi ko naman kasi sayo matagal pa bago siya uuwi ulit dito. Mas madalas pa ang stay niya doon sa Manila kesa dito."

Pasimpleng nilapit ko ang katawan ko sa kaniya, hindi kasi masyadong malinaw ang pagkakarinig ko dahil sa mas humina ang boses niya.

"Sino ba ang tinutukoy mo?" Nalilitong tanong ko.

"Huwag ka ng umasa sa kaniya kasi ang usap-usapan may girlfriend daw sa Manila" she said, ignoring my question "kung ano man ang sinabi ni Phase sayo, Sus! Huwag kang maniwala, sige ka baka magaya ka sa mga babae niya dito."

"Si Phase? Bakit naman nasali si Phas-" I paused for a minute and fake a cough, I even straightened my back at mabilis na iniwasan ang mapanuring mata ni President ng mapasulyap siya sa pwesto namin. Kunot-noong tumitig ako sa harap at nagkunwaring nakikinig sa mga sinasabi niya.

Ano bang klaseng presence meron si President? Daig niya pa iyong mga nasa Naruto sa lupit ng awra nito.

"As I've said, we will be needing a muse and escort that can represent the whole class and will be choosen to fight against other department." She continued with her words in a stern voice.

Tinitigan ko ang likuran ni Barbie, parang may idea na ko kung ano na naman ang iniisip niya.

Why does she always think that there is something going on between me and Phase? Wala nga ako nakikitang maski spark man lang at kung magiging love team siguro kami ay paniguradong hindi sisikat dahil walang chemistry.

I don't remember doing something that could give them this false idea.

Sa pagkakatanda ko hindi naman kami sobrang nagkakalapit ni Phase, wala ring holding hands na nangyayari at mas lalong may distansiya kapag naglalakad kaming dalawa. Wala ngang ka sense sense mga topic namin kaya hindi ko maisip kung bakit palagi kaming nae-issueng dalawa.

Lost and Fallen (Memories #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon