Chapter 28

44 2 0
                                    

Nanatiling nakasubsob ako sa braso ko na kasalukuyang nakapatong sa tuhod ko habang nakaupo dito sa lapag. Parang nagmamarathon ako sa bilis ng paghabol ko sa hininga  ko. Tinitigan ko ang pawis na tumatagaktak mula sa noo ko pababa sa pisngi hanggang sa panga kung saan bumagsak sa sahig. Humugot ako ng hangin bago ibinuga ito sa bandang noo para mahanginan naman ang humahaba ko ng bangs. Napapikit ako sa ginhawang naramdaman at kung hindi ko lang naramdaman ang malamig na bagay na dumapi sa braso ko ay baka tangayin na ko ng antok.

Nakakapagod naman kasi ng ginagawa namin. Nakakaubos pa ng energy.

Mabagal at tamad kong inangat ang tingin. My eyes is still half close abd I could feel its heavy lids. Nagpalipat-lipat ang titig ko kay Phase at sa mineral water na hawak niya. Bumuka ang bibig ko para magsalita nang walang pasintabi niyang ihagis ito sa dibdib ko. Napapitlag ako, buti na lang at mabilis ang reflexes ko at agad na nasambot ang mineral water bago pa mabasa ako nito. Masama ang tingin ko sa kaniya nang umupo siya sa tabi ko at sinimulang buksan na rin ang tubig niya.

"Ano? Kaya pa?" tanong niya matapos mapangalahatian ang mineral water. Tinakpan niya ito at basta na lang inihagis sa kung saan.

Ang salbahe talaga ng lalaking to.

Napahalukipkip ako at muling sumubsob sa braso ko. Pinikit ko ulit ang mata kahit na hindi naman ako makaidlip dahil sa medyo maingay ang pag-uusap ni President at choreographer namin ni Phase.

"Suko na agad? Wala to, ang weak naman." he said using his ussual playful tone.

Gaya ng inaasahan pagkasama ko siya ay umikot ang mata ko sa inis. Inangat ko uli ang ulo ko para lingunin siya at binigyan ng matalim na tingin. Iyong tipong nagsasabing 'Makuha ka sa tingin' pero imbes na matakot siya ay kinindatan lang ako ng loko.

Hindi ko napigilan ang sarili at nakurot siya ng pinong-pino sa tagiliran.

Kumorte ng pabilog ang labi niya. "Ow, Aray! Parang nagtatanong lang."

"Hindi ka nagtatanong, nang-iinsulto ka"

"Ang sadista mo! Buti nga pinagtatiyagaan kita kahit na ang sakit ng paa ko kanina pa, palibhasa parehong kaliwa iyang mga paa mo." Malakas na napasinghap ako at halos ihampas sa kaniya ang bote ng mineral water. Ang kapal ng face ha! Para namang ang galing niyang sumayaw e madalas pa nga siyang pagalitan ng instructor namin kesa sa akin.

"Tapos ang tigas pa ng katawan mo. Parang hindi ka babae!" dagdag niya.

I put my hand in my chest and gasp for an air as if what he said is a breath taker. Para akong aatakihin sa puso sa mga pinagsasabi niya. Did he really just insulg my dancing skills?

I scoffed. "Wow naman! Kung makapagsalita ka parang ka level mo si Vong Navarro sa sayawan e wala ka pa nga sa kalingkingan non." sigaw ko sa mukha niya.

Wala na kong pakialam kung matalsikan man siya ng laway ko. Letche siya!

"Hey, galit ka na niyan-"

"Hey ka rin! Shut up! kasi hindi pa ko tapos magsalita" nanggigil na kinurot ko uli siya sa braso. Napairit siya sa sakit. "Hindi mo ba alam na kasing galing ko so Yassi Pressman kaya huwag mong malait-lait ang dancing skills ko dahil wala ka non!"

Natatawang itinaas niya ang kamay. "Chill ka lang."

Nakasimangot na bumalik ako sa pagkakasubsob at pilit na inignora ang halakhak ng katabi ko. Pinagdiskitahan ko ang bote ng mineral water at pinaglaruan sa kamay ko.

Bakit ang hilig nilang bwesitin ako? Parang achievement sa kanila na makitang naiinis ako.

"Ang pikon mo. Namumula na agad iyang pisngi mo oh."

Lost and Fallen (Memories #1)Where stories live. Discover now