KABANATA 2 ☆

12.4K 499 30
                                    

Art's Pov

So ayun mag-papakilala muna pala ako sa inyo, Ako si Art Jhon Garcia 18 yrs.old na ako at college na ako ngayong pasukan sa Star University. Im proud gay at sabi sa akin ng mga tao na ang ganda ko daw at para daw akong babae dahil sa ganda kong taglay, well namana ko lang naman ito kay mama

Si mama ay isang Janitress sa building ng isang kompanya, sapat naman ang kinikita niya para sa aming dalawa pero gusto ko mabawasan yung alalahanin ni mama kaya nagtake ako ng scholarship and thank god nakapasa ako. Wala na akong tatay dahil namatay siya nung bata pa ako sa isang car accident.

"Anak bilisan mo na bumaba ka na jan at baka mahuli kapa sa unang araw ng klase mo!" Sigaw ni nanay sa akin sa baba.

"Sandali lang nay bababa na" sagot ko. ngayon ang unang araw ng pasukan sa Star University natatawa nga ako kasi mas excited pa sa akin si nanay. Bumaba na ako at dumiretso sa lamesa para kumain ng almusal

"Ang ganda talaga ng anak ko" bungad ni nanay sa akin pagkababa ko

"Siyempre naman nay mana ata sayo eh" sagot ko na ikinatawa naming dalawa.

"Hahaha oh siya kumain ka na at baka mahuli ka sa klase mo" sabi ni nanay kaya kumain na agad ako

Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay nanay at lumabas na ng bahay. Sumakay ako ng jeep papunta sa star university, hindi ko matago yung excitement na nararamdaman ko ngayon, excited ako sa mga magiging classmate ko sana magkaklase kami ni steph

Pagbaba ko sa jeep ay bumungad sa akin ang napakagandang university na ito, hindi talaga ako lubos na makapaniwala na nag-aaral ako dito

"Art!!" Sigaw nang kung sino mula sa likod ko at nang lingunin ko ito ay nakita ko si steph na nakangiti

"Steph!" sabi ko at nagyakapan kami

"Tara na bakla pasok na tayo baka malate pa tayo" sabi niya kaya pumasok na kami sa loob. Pumunta kami sa building ng ACCOUNTANCY dahil yun ang kinuha naming course ni steph

"Te tara hanapin na natin yung pangalan nating dalawa" sabi sa akin ni steph

"Sige tara" sabi ko at nagsimula na naming hanapin yung mga pangalan namin na nakalagay sa bulletin board, maya maya pa ay nakarinig ako ng sigaw galing kay steph

"Omaygad! Bakla magkaklase tayo!" Sigaw niya kaya agad akong lumapit para tingnan at totoo nga magkaklase nga kaming dalawa

"Omaygad ang saya ko te tara na punta na tayo sa room natin para makilala na natin yung iba nating kaklase" sabi ko at pumunta na kami sa classroom na naka assign sa amin

Pagpasok namin sa loob ay narinig namin yung mga ingay nila, may mga nag-chichikahan tapos may nagbabatuhan ng papel kaloka sila. Napahinto sila ng makita kami ni steph

"Pre tingnan mo yung isa oh ang ganda tapos ang sexy"

"Oo nga pre ligawan ko kaya"

"Gago ka pre ako nauna"

Yan yung mga narinig kong mga bulong bulungan nila pero di ko sila pinansin at umupo na kami ni steph sa bakanteng upuan sa likod

"Te ikaw na talaga ang ganda mo kasi eh" sabi ni steph sa akin

"Hahahaha baliw" sabi ko at tumahimik na kaming lahat ng biglang dumating yung prof namin

"Good morning everyone Im Mr. Angelo Catigbac and I will be your adviser for the whole year" bati nito sa amin

"So before we start please introduce your self first" sabi ni sir kaya nagsimula na kaming magpakilala at nang ako na ang susunod ay tumayo na agad ako papunta doon sa harapan

"Hi everyone im Art Jhon Garcia, 18 yrs.old and yes Im Gay" sabi ko na ikinagulat nilang lahat

"Ay pre akala ko babae"

"Oo nga eh mas maganda pa siya sa ex ko"

"Pero ok na rin pre kahit bakla kung ganiyan naman kaganda"

Natatawa ako sa mga sinasabi ng mga classmate ko pero di ko na sila pinansin at umupo na ulit ako. Pagkatapos naming lahat magpakilala ay nagturo na agad si sir

*ting! Ting! Ting!*

Matapos ang mahabang pagtuturo ng teacher namin ay nag bell na din, sa wakas at makakakain na rin kami ni steph

"Te tara na sa canteen" hila sa akin ni steph

Nang makarating kami sa canteen ay maraming estudyanteng kumakain dahil kasabay pala namin yung mga estudyante ng Business Management. Pumila agad kami ni steph para makabili na

" isa nga pong sphagetti and coke" sabi ko sa cashier kabog nila dito may pa-cashier

Habang hinihintay ko yung order ko ay biglang nagtilian ang mga babae at bakla sa canteen

"Anjan na ang mga CAMPUS HOTTIES!"

"Fafa TRISTAN! "

"Hi ETHAN !"

"Anakan mo ako MARCO!"

Yan yung mga tilian ng mga tao nang pumasok sa canteen yung tatlong lalaki na sobrang gwapo kaloka para talaga silang mga gods sa taglay nilang kagwapuhan

"Miss eto na po yung order niyo" napabalik ako sa ulirat ng magsalita yung babae sa cashier

"Ay sige thankyou" sabi ko pagkakuha ko sa tray na naglalaman ng mga inorder ko, hinila ko na si steph para makapaghanap ng upuan naka order na kasi siya

"Doon na lang tayo te oh" sabi ko sabay turo sa bakanteng upuan sa gilid

"Oh sige tara" sabi niya at naglakad na kami. Nang malapit na kami ay may biglang humarang na paa sa dinadaanan ko kaya natisod ako at natapon yung mga pagkain ko sa lalaking nakatalikod, Omaygad bes ang dumi ng lalaki kasi natapon yung sphagetti sa damit niya

Tiningnan ko kung sino yung lalaki at nagulat ako ng lumingon ito siya yung isa sa mga Campus Hotties! Si Tristan!. Tumingin ito sa akin habang nanlilisik ang mga mata nito sa galit ibayong kaba yung nararamdaman ko

"Oh ow!"

" i smell trouble"

"Ang lakas naman ng loob niya para dumihan si fafa tristan"

Yan yung mga naririnig kong bulong ng mga estudyante dito sa canteen na lalong nagpakaba sa akin. Isa lang ang masasabi ko

IM DEAD!

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

SO GUYS SANA NAGUSTUHAN NIYO YUNG IKALAWANG KABANATA!

COMMENT NA AT HUWAG NA RING KALIMUTANG MAGVOTE!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now