KABANATA 21 ☆

5.2K 241 3
                                    

Art's Pov

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang maging kami ni tristan at masaya pa rin kami hanggang ngayon. Siyempre may mga tampuhan awayan pero nagbabati din naman agad kasi malilit na bagay lang naman ang pinag-aawayan namin.

Pag nag-aaway kami dapat may magpapakumbaba at magsusuyo doon sa isa kaya nagbabati agad kami kasi kapag parehas kayong ma pride walang mangyayari sa inyo.

Dalawang linggo na rin simula ng umamin sa akin si luke tungkol sa nararamdaman niya para sa akin at sa dalawang linggong iyon ay hindi kami nagpapansinan siguro hindi pa kami handang dalawa.

Tinatahak ko ang daan papunta sa classroom namin nang ako lang mag-isa dahil maaga pumasok si tristan ngayon at may gagawin daw sila hindi ko na alam kung ano yun.

Nang makarating ako sa loob ng classroom ay nagulat ng makita kong nag-aaway si steph at si Ivy siya ay isang malanding babae dito na akala mo kagandahan.

“Bitch pwede ba wag mo akong sinasanggi” mataray na sabi ni ivy kay steph

“Ah-sorry hi-ndi ko sinasadya” maamong sabi ni steph kay ivy

“Anong hindi mo sinasadya eh kitang kita ko na binangga mo talaga ako, right girls?” mataray na sabi ni Ivy

“Yes sis tama ka jan! Palibhasan nerd” malalanding sabi ng dalawang kasama niya na mukhang hipon, lumapit ako sa kanila dahil di ko kayang makitang inaapi si steph.

“Anong problema sa pagiging nerd?” maangas ko ding sabi na ikinagulat nilang tatlo

“Pwede ba wag kang makisali dito” sagot sa akin ni Ivy

“Oo nga wala kang alam” sabi ng isang makapal ang make up

“Excuse me?! Kaibigan ko ang kinakalaban niyo at isa pa Tatlo laban sa isa? Hindi ba kayo nahihiya? Ang kakapal ng make up niyo kasing kapal ng mukha niyo!” sigaw ko sa tatlong to

“ At tumigil na kayong tatlo dito kung ayaw niyong isumbong ko kayo sa Guidance!” dagdag ko pa, natahimik lang sila at lumabas na.

“Sis thankyou ng marami ha at niligtas mo ako” sabi ni steph

“Ano ka ba kaibigan kita siyempre pagtatanggol kita at isa pa dapat di ka nagpapa-api sa mga iyon” ani ko

“Sis alam mo naman na hindi ako marunong lumaban at isa pa tingnan mo yung itsura ko mukha akong manang” sabi niya na ikinatawa ko

“uhm alam ko na sis! Kailangan mo ng make over!” masayang sabi ko dito

“Ha? Make over?” tanong niya

“Oo ako bahala punta tayo sa mall mamayang uwian” sabi ko.

“Sige ikaw bahala” sabi niya.

Umayos na kami ng upo at nakinig sa kararating lang naming adviser.

“Magandang Umaga sa inyong lahat” bati nito sa amin

“Magandang umaga din Mr.Catigbac” bati namin pabalik sa kaniya.

“So ngayong week ay magaganap ang Foundation natin may iba't ibang tournament na pwede niyong salihan and take note by course ang labanan dito” wika ng aming guro na ikinagulat at ikinatuwa namin

”Ang pinaka highlight ng foundation day ay ang Mr. And Ms. Star 2020 so dito sa klase niyo ay pipili kayo ng isang babae at isang lalaki na gusto niyong ipanglaban so anyone sino gusto magnominate?” wika ng aming guro

Nagnominate ang buong klase namin ng isang lalaki at isang babae at ang napili nilang panlaban sa lalaki ay si Angelo isa sa mga gwapo naming kaklase at sa babae ay yung kaklase namin na si krisha maganda siya at matalino.

Nang matapos ang klase namin na iyon ay dumiretso na ako sa P.E class ko dahil miss ko na si tristan charot ang landi ko hahaha.

Pumasok ako sa loob at nakita ko siya agad naman siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap

“Na miss kita luv” wika niya

“Miss agad mag kasama naman tayo kahapon” sabi ko at kumalas sa yakap

“Eh namiss kita eh sorry ha di kita nasundo kanina may ginawa lang ako” ani niya

“Ok lang at isa pa ngayon mo lang naman ako hindi sinundo eh” sagot ko at umupo na kami sa upuan namin.

“Hi marco, Hi ethan!” bati ko sa dalawa niyang kaibigan at binati naman nila ako pabalik

Sanay na kami ni tristan sa mga tingin ng lalaking ito

“Luv sinabi na sa inyo yung tungkol sa foundation day?” tanong niya sa akin

“Oo luv bakit?” tanong ko

“Ako yung pinili para lumaban sa Mr. Star 2020” malungkot niyang sabi

“Oh talaga? Bakit parang malungkot ka?” tanong ko

“Ok lang ba sayo na sumali ako doon? Babae kasi partner ko at kung ayaw mo naman pwede naman na di na ako suma-” pinutol ko ang sasabihin niya

“Hoy ano ka ba! Ok lang sa akin at isa pa ako ang magiging number one supporter mo doon! Sisigaw ko ng malakas ang pangalan mo!” masayang sabi ko

“Talaga? Thankyou luv kaya mahal na mahal kita eh” sabi niya at nagulat naman ako ng bigla niya akong hinalikan sa labi pero smack lang. Nakaramdam ako ng pamumula ng pisngi ko dahil doon

“Masiyadong PDA huh?” asar na sabi ni marco sa amin

“Wala kayong paki inggit lang kayo kasi wala kayong mga girlfriend” balik naman sa kanila ni tristan

Nagtawanan naman kaming tatlo dahil doon. Bukod pala sa pageant na sasalihan ni tristan ay kasali pala silang tatlo sa basketball tournament na gaganapin ngayong friday at sa sabado naman ang Mr. And Ms. Star 2020

“Luv gusto ko manood ka ng laban namin sa basketball ngayong friday ha” sabi niya sa akin

“ah tatry ko” wika ko. Bigla naman siyang nalungkot dahil sa sinabi ko

“Ah sige wag na lang” sabi niya at umiwas ng tingin sa akin habang naka pout. Ang cute talaga ng lalaking to kapag nagtatampo kaya mahal na mahal ko to eh.

“Siyempre joke lang luv, ako hindi pupunta? Hindi naman pwede na hindi ko mapanood kung paano maglaro ang mahal ko" wika ko at bigla naman nagliwanag ang mukha niya dahil doon.

“Sabi mo yan luv ha! Dapat nandoon ka kasi hahanapin kita ikaw kaya ang inspirasyon ko!” sabi nito sa akin na ikinatuwa ko

“Oo naman luv! At saka susuportahan ko din sina marco at ethan diba ka-team mo sila?” ani ko

“Oo luv pero wag mo na sila suportahan gusto ko ako lang!” naka pout na sabi nito sa akin, ang cute talaga!

“Sige na nga baka magalit ka pa sa akin eh” sagot ko at nagyakapan kami

“Possessive masiyado ha?” sabat ni ethan na ikinatawa naming lahat.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

SALAMAT PO SA MGA TAONG MAGUGUSTUHAN ANG STORY NA TO AT SA MGA HINDI NAMAN PO HANAP NA LANG KAYO IBA NA MAGUGUSTUHAN NIYO!

PLEASE VOTE AND COMMENT!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now