KABANATA 18 ☆

6.6K 274 5
                                    

Art's Pov

Lunes ng umaga ngayon at maaga akong nagising. Ang sarap palang gumising kapag inspired ka, kapag alam mong may nagsasabi ng I love you tuwing gabi bago ka matulog. Sana itong kasiyahan na nararamdaman ko ay pangmatagalan na. Mahal na mahal ko si tristan kaya ayaw ko siyang mawala sa akin dahil siya ang source of happiness ko.

Nakabihis na ako kaya bumaba na ako para kumain, sumalubong sa akin si nanay na busy sa pag-aayos ng almusal namin.

“Magandang Umaga nay!” masiglang bati ko dito

“Magandang umaga din anak ang saya mo ata ngayon” sabi sa akin ni nanay

“Ano ka ba araw-araw naman ako masaya” sagot ko

“hahaha oh siya kumain ka na nga lang” sabi niya kaya kumain na ako. Susunduin nga pala ako ni tristan ngayon alam niyo naman masiyado siyang protective sa akin gusto niya sa kaniya lang atensyon ko well ang ganda ko kasi! charot hahaha.

Maya maya pa ay dumating na si tristan sakay ng kaniyang magandang kulay pulang sports car kaya nagpaalam na ako kay nanay at ako ay lumabas na.

Pumasok ako agad sa kotse niya at nakita ko naman na nakangiti siya kaya napangiti din ako dahil sa kaniya.

“Goodmorning luv” bati nito sa akin

“GoodMorning din luv” sabi ko tas sabay halik sa pisngi niya lang na nagpasimangot sa kaniya

“Bakit sa pisngi lang? Usto ko sa lips” parang batang sabi nito sa akin, natuwa naman ako sa inasta nito.

“Sige na nga! Ikaw ang cute mo talaga!” sabi ko tas halik sa lips niya na ikinatuwa niya.

Pinaandar niya na ang kotse niya at dahil mabilis ang sasakyan niya ay nakarating kami agad sa school. Bumaba kaming dalawa at sabay na tinahak ang building namin.

“Sa kabila yung building niyo ha?” tanong ko sa kaniya kasi nakabuntot pa rin siya sa akin.

“Ihahatid na kita” sagot nito sa akin

“Kaya ko na tristan kahit ako lang” sabi ko. Nakita ko na kumunot ang noo niya ng marinig ang tawag ko sa kaniya nahihiya kasi ako pinagtitinginan kami ng mga tao.

“Wag mo silang pansinin at isa pang tawag mo sa pangalan ko lagot ka sa akin!” seryosong sabi nito sa akin sabay abot sa kamay ko. Magka holding hands kaming naglalakad papunta sa room ko.

Nakayuko lang ako dahil hindi ko kaya ang mga tingin nila sa akin para kasing gusto nila akong tirisin. Campus Hottie ba naman ang kasama ko diba? Nang makarating kami sa tapat ng classroom namin ay nagpaalam na ako sa kaniya.

“Salamat lu-v” sabi ko pero mahina lang baka kasi may makarinig sa amin

“Kiss ko?”tanong niya. Itong lalaking to adik sa halik nakakaloka.

“luv wag muna ngayon baka may makakita” mahing sabi ko sa kaniya. Bigla namang nagbago ang itsura niya at parang naiinis.

“Luv please hayaan mo dadamihan ko yung halik sa susunod” bugla namang nagliwanag ang mukha nito sa sinabi ko

“Sige sabi mo yan ha! Una na ako!” paalam nito sa akin. Pumasok ako sa loob at napansin kong nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga classmate ko pero di ko sila pinansin at umupo na.

“Hoy sis! Ano yun bakit kayo magkasama?” biglang tanong ni steph kasama niya si luke at parehas silang nag-aantay ng sagot.

“Ah-eh mamaya ko na sasabihin kapag break natin” sabi ko dito.

“Taray pa-showbiz ka naman masiyado hahaha” natatawang sabi ni steph

“Oo nga art bakit mamaya pa pwede namang ngayon” dagdag pa ni luke

“Ah basta, mamaya malalaman niyo din” ani ko. Bumalik na sila steph sa upuan nila kasi dumating na ang teacher namin.

Lumipas ang ilang oras at P.E subject na namin at ngayon ang reporting namin doon. Umakyat agad ako sa room namin sa P.E kasi ayokong malate, iniwan ko na muna agad sila steph at luke.

Nang pumasok ako sa loob ay nandoon na sila tristan kaya umupo na ako sa tabi niya at hinintay na lang na pumasok ang teacher namin sa P.E

“Luv ready ka na ba?” nagulat naman ako sa tanong ni tristan agad ko siyang tiningnan at parang sinasabi ni anajan yung mga kaibigan niya.

“Don't worry art alam na namin” sabi ni marco na ikinagulat ko

“Oo nga at tanggap namin kayo” dagdag pa ni ethan.

“Ah ganun ba? Salamat ha” sabi ko sa kanilang dalawa

“Oo luv kaya wag kang mag-alala mababait tong kaibigan ko” sabi niya na ikinatawa naming lahat. Nang dumating na ang teacher namin ay pumwesto na kami sa harap ni tristan para sa aming reporting.

Natapos na ang reporting namin at masaya kaming dalawa na naitawid namin ng maayos ang reporting namin at tuwang tuwa naman ang aming guro sa amin.

“Wow! Very Good reporting Mr. Garcia and Mr. Revilla” papuri sa amin ni ma'am.

“Thankyou po ma'am” sabi naming dalawa ni tristan. Pagkatapos nun ay lumabas na si ma'am at ang aming mga classmates maliban kina ethan at marco.

“Nagawa natin!” masayang sabi ko at hindi ko napigilang yakapin siya dahil sa labis na kasiyahan na nadarama ko.

“Yes at dahil yun sayo ang galing mo kaya” sabi ni tristan sa akin pagkabitaw namin sa yakap.

“Ano ka ba dahil sa ating dalawa yun ang galing mo din kaya” wika ko.

“hoy lovebirds mamaya na kayo maglandian tara na nagugutom na ako” biglang sabat ni marco. Nahiya naman ako dahil doon pero si tristan ay sinamaan lang siya ng tingin.

Nang makababa kami sa loob ng cafeteria ay dumiretso kami sa upuan kung nasaan sina luke at steph. Nagulat silang dalawa kung bakit kasama ko ang tatlong gwapong nilalang na ito. Umupo muna kaming lahat bago sabihin ang dapat nilang malaman.

“So sis ano ba tapaga sasabihin niyo sa amin” panimula ni steph

“Wag kayo magugulat sa sasabihin ko ha” sabi ko

“Oo sis ano ba yun?” tumingin muna ako kay tristan at hinawakan ko ang kamay niya at tinaas para ipakita sa kaniya.

“Kami na!” sabi ko

“Ano?! Kayo na ni---?” biglang sigaw ni steph

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

PLEASE VOTE AND COMMENT!

~ALWIINAA


THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now