KABANATA 6 ☆

9K 419 7
                                    

Art's Pov

Napanganga ako ng makita ko ang bahay nila luke, ay hindi ito dapat tawaging Bahay lang kasi Mansyon ito. Sobrang laki ng bahay nila halatang mayamang pamilya ang nakatira

“Hoy bibig ko baka pasukan ng mga langaw” sita sa akin ni luke sabay sara sa bibig ko

“ay sorry, nagandahan lang ako sa bahay niyo” sagot ko naman

“Hayaan mo mamaya ito-tour kita pero ngayon umakyat na tayo sa kwarto ko para makapagpalit ka na, ang lagkit mo na oh” sabi niya kaya umakyat na kaming dalawa

Nang makarating kami sa tapat ng kwarto niya ay binuksan niya ito gamit ang susi niyang dala. Ang ganda ng kwarto at ang laki parang bahay na namin to sa laki.

Makikita mo sa kwarto niya ang iba't-ibang gamit niya katulad ng gitara, bola ng basketball,piano at iba pang mga panglalaking gamit.

“oh eto yung mga damit na di ko pa nagagamit sayo na yan at pumunta ka na doon sa cr” sabi niya sabay abot ng damit

“Naku luke nakakahiya naman sayo” nahihiyang sabi ko

“Ano ka ba ok lang, ikaw pa malakas ka sa akin!” wika niya kaya di na ako nag-inarte pa at kinuha ko na yung mga damit at dumiretso sa cr para makapaglinis ng katawan.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako at naabutan ko si luke na nag gigitara.

“oh tapos ka na pala tara dito sa tabi ko samahan mo akong mag gitara” alok niya kaya umupo na ako sa tabi niya

“Ano gusto mong kanta? Tutugtugin ko”

“Uhm Imahe na lang” sagot ko

“sige maganda yan”

Sinimulan niya na ang pagtugtog ng gitara at ang galing niya mag gitara, nakatitig ako sa kaniya habang nag gigitara siya at napansin kong gwapo rin pala siya, kayang kaya niyang makipagsabayan sa mga Campus Hotties at isa pa mabait siyang tao di tulad ng tatlong yun!

Nadadala na ako sa pagtugtog niya kaya ng chorus na ay di ko napigilang kumanta

Imahe By: Magnus Haven

Tayo ay pinagtagpo
Ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundo

Napatingin sa akin si Luke ng magsimula akong kumanta sa chorus

Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikan
Pinagtagpo
Ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi
Sa isa't-isa

Dinama ko yung pagkanta ko at talaga namang tagos sa puso ang bawat lyrics ng kantang ito

Hindi na maibabalik ang dati nating pagsasama
Ang tamis ng iyong halik ay di na madarama
Pangako sa isa't-isa ay 'di na mabubuhay pa
Paaalam sa 'ting pagibig na minsa'y pinag-isa
Tayo ay pinagtagpo
Ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundo

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now