KABANATA 41 ☆ (ANG HULING KABANATA)

7.5K 221 12
                                    

Art's Pov

Makalipas ang tatlong taon!

“Anak bilisan mo jan at baka mahuli na tayo nasa labas na sina tristan!” sigaw ni mama mula sa baba

“Opo nay pababa na ako!” sabi ko sabay baba ng suklay na ginamit ko para suklayin yung buhok kong hanggang leeg.

Pagkababa ko ay sinalubong ako ni nanay ng isang yakap

“Anak proud na proud ako sayo dahil gagraduate ka na!” sabi niya sa akin

“Dahil yun sayo nay kaya maraming salamat sayo” sagot ko

“Oh sige mamaya na nga ang drama at baka mabura pa ang make up ko” sabi ni nanay na ikinatawa ko.

Lumabas kami ng bahay at nakita ko doon si tristan na nakatayo sa labas ng sasakyan niya kahit kailan talaga ang gwapo nitong lalaking to!

“Hi luv excited ka na ba?” tanong sa akin ni tristan

“Oo naman luv ikaw ba?” balik na tanong ko rito

“Siyempre excited din ako kaya tara na at baka mahuli pa tayo!” sabi ni tristan kaya pumasok na kami ni nanay sa kotse niya.

Ngayon ang araw ng graduation namin at sobrang saya ko dahil makalipas ang tatlong taon ay kami pa rin ni tristan at sabay pa kaming magtatapos sa mga kursong kinuha namin!

Sobrang daming naganap sa nakalipas na tatlong taon marami kaming naging tampuhan ni tristan pero mas marami pa rin ang mga lambingan moments naming dalawa at masasabi ko na sobrang laki ng pinagbago ng relasyon namin ni tristan kumpara dati.

Mas naging matatag yung relasyon namin at ang pinaka mahalaga ay mas lalo pa naming minahal ang isa't isa. Di ko nga inexpect na magiging ganito kami katagal ni tristan eh basta ang alam ko lang ngayon ay siya na ang nakikita kong magiging kasama ko sa pagtanda.

Nang makarating kami sa school ay dumiretso na kami sa loob kung saan magaganap ang graduation namin.

“Sis! Ganda natin ha!” bungad na bati sa akin ni steph

“Ikaw din sis mukhang pinaghandaan mo yung graduation natin ha!” sabi ko sa kaniya

“Siyempre naman sis minsan lang to sa buhay natin no!” sagot naman niya

“Hahaha sige na maupo na tayo at magsisimula na!” sabi ko at nagsimula na nga ang programa.

Nagsimula na ang programa at ang pag-akyat sa stage ay by course so nag-antay muna kami hanggang sa kami na ang susunod na aakyat.

“NOW LET'S PROCEED TO ACCOUNTANCY STUDENTS!” sabi ng teacher kaya pumila na agad kami.

Sinimulan na nila ang pagtatawag ng mga studyante hanggang sa kaming tatlo nalang nila luke at steph ang natitira.

LUKE CASTRO! Banggit ng teacher sa pangalan ni luke kaya umakyat na siya at kinuha ang diploma niya.

STEPHANIE CRUZ! sunod na banggit ng teacher at dali dali namang umakyat si steph doon sa stage.

And last ART JHON GARCIA! Masaya akong umakyat sa stage at kinamayan ang mga teacher na nandoon.

Pagkababa ko ay sinalubong ako ng yakap ni nanay at niyakap ko naman siya pabalik.

Natapos na ang graduation namin at sobrang saya lahat ng studyante na nandito kaniya kaniya silang yakapan at iyakan. Nakakalungkot lang talaga na yung 4 na taon naming magkakasama sa loob ng paaralan ay matatapos na ngayong araw.

Hinanap ko agad si tristan at pagkakita ko sa kaniya ay niyakap at hinalikan ko agad siya!

“Wow ang sweet naman ng Luv ko!” sabi sa akin ni tristan

“Masaya lang ako luv kasi sabay nating natutupad mga pangarap natin” sabi ko kay tristan

“Masaya din ako luv at dahil jan may pupuntahan tayo!” sabi niya sabay hila sa akin.

“Teka luv si nanay pa!” ani ko

“Wag kang mag-alala luv nagpaalam na ako kay tita alam niya na yun”sabi niya at sinakay niya ako sa kotse niya.

“Luv saan naman tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya

“Basta luv malalaman mo rin mamaya kapag nandoon na tayo” sabi niya kaya di na ako nagtanong pa.

Matapos ang ilang minutong biyahe ay nakarating na kami sa dito sa isang lugar at ang ganda niya mga sis para siyang probinsya pero nandito lang sa metro manila!

”Wow ang ganda naman dito luv!” sabi ko sa kaniya

“Oo luv maganda talaga rito matagal na nga ng huli akong nakapunta rito eh” wika ni tristan

“Luv tara doon tayo may duyan oh” sabi ko at umupo kaming pareho sa duyan.

Ang ganda ng lugar na ito ang daming puno at napaka presko ng hangin nakaka gaan ng loob itong lugar na ito.

Ang duyan na inuupuan namin ni tristan ay naka sabit sa isang matibay na puno ng mangga at ang sarap magtambay rito.

“Luv tara higa tayo sa mga damo” sabi ni tristan sa akin kaya humiga na siya at ako naman ay humiga sa dibdib ni tristan.

“Luv tingnan mo oh ang ganda ng langit” sabi ko sa kaniya

“Oo nga luv eh kasing ganda mo” sabi niya sa akin

“Sus bolero hahaha” natatawang sagot ko

“Hindi naman ako nagbibiro luv eh” sabi niya habang naka pout

“aysus nagpacute pa ang luv ko” sabi ko sabay pisil sa pisngi niya at balik ng tingin sa kalangitan.

“Luv may sasabihin ako sayo” biglang sabi ni tristan habang nakatingin kami sa kagandahan ng kalangitan.

“Ano yun luv?” tanong ko

“Alam mo luv simula nang dumating ka sa buhay ko marami ng nagbago sa akin kaya nga nagpapasalamat ako sa panginoon kasi binigyan niya ako ng isang katulad mo na mahal na mahal ako, sana pagtanda natin ay tayo parin hanggang dulo at mahal mo pa din ako kasi ako hinding hindi ako magsasawang mahalin ka!” bigla naman akong natuwa sa sinabi ni tristan sa akin.

“Luv mahal na mahal kita at pinapangako ko sayo na ikaw lang ang lalaking mamahalin ko hanggang sa pagtanda ko at hinding hindi rin ako magsasawa na mahalin ka dahil ikaw ang kaligayahan at kalungkutan ko!” sincere na sabi ko kay tristan.

Unti unti naming nilapit ang mga mukha namin sa isa't isa at sabay na nagdikit ang mga labi at doon namin pinaramdam kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

°•°•°•°•°•°•°•°•°• THE END °•°•°•°•°•°•°•°•°

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now