KABANATA 29 ☆

4.3K 203 2
                                    

Art's Pov

Nagsitayuan ang lahat ng mga tao matapos ni tristan kumanta. Sobrang galing niya kasi nadala niya lahat ng tao sa pagkanta niya.

Nagpasalamat siya at umalis na sa stage, nagpatuloy lang ang pageant nila hanggang sa matapos na lahat ng nagperform kaya umakyat na ulit sa stage ang dalawang emcee.

“OKAY MAY WE CALL ON THE CANDIDATES FOR ANNOUNCING THE TOP 3” sabi nung isa at nagsi-akyat ulit lahat ng mga candidates sa stage.

“SO IN THIS ROUND THE TOP 3 CANDIDATES FOR MALE AND FEMALE WILL ANSWER A QUESTION AND THAT WILL HAVE A BIG IMPACT TO THEIR SCORE.” wika nung isang emcee

Inanunsyo na ng emcee ang tatlong pasok sa babae at ang mga nakapasok ay: Accountancy, Mass Communication at HRM.

Talaga namang magaganda ang nakapasok at deserving naman lahat sila kaya masayang masaya ang mga tao.

“OKAY LET'S PROCEED TO TOP 3 FOR MALE EDITION” Sabi nang emcee na nagpakaba sa akin at sa mga tao. Sinisigaw ng mga tao ang kanilang mga pambato pero eto ako tahimik lang at kinakabahan para kay tristan.

“YOU ARE NOW PART OF TOP 3 MR. ARCHITECTURE!” banggit nang emcee at todo hiyaw naman ang mga fans niya.

“PLEASE STEP FORWARD MR. ARTS AND DESIGN!” salita ulit nung emcee. Kinakabahan na ako sa mga oras na ito dahil hindi pa rin tinatawag si tristan pero hindi ako nawawalan ng pag-asa.

“AND FOR THE LAST SPOT, YOU ARE NOW IN MR. BUSINESS MANAGEMENT!” napasigaw ako pagkabanggit niya nun dahil pasok si tristan!

“Wooooh! Luuuv galingan moo!” sigaw ko dito

Nagsimula na ang question and answer portion at ang gaganda ng mga sagot nila at eto na ang oras para sa huling sasagot walang iba kundi si tristan.

“HI MR. BUSINESS MANAGEMENT” Bati nang emcee sa kaniya

“Hello po” simpleng sagot nito

“OK FOR YOUR QUESTION, FOR YOU WHAT IS LOVE?” bitaw nang emcee sa tanong. Huminga siya nang malalim at tumingin sa akin bago sumagot.

“Para po sa akin ang pag-ibig ay walang kasarian, kung mahal po natin ang isang tao hindi na mahalaga ang kasarian, edad at estado nito sa buhay. At kapag nag mahal ka ng isang tao handa kang gawin lahat sa kaniya dahil ayaw mo siyang mawala sayo katulad nga nang sinabi sa kanta na KAPAG TUMIBOK ANG PUSO WALA KA NG MAGAGAWA KUNDI SUNDIN ITO” sagot niya habang nakatingin sa akin.

Nagpalakpakan lahat ng tao dahil sa sagot niya napakaganda at alam ko na para iyon sa akin kaya naman di ko napigilang lumuha dahil sa sobrang tuwa.

“WOW TAGOS SA PUSO ANG SAGOT HA” sabi ng emcee

Eto na ang oras kung saan sasabihin na ang nanalo sa pageant na ito kaya sobrang kabado na ang mga tao.

“CONGRATULATIONS TO OUR 1ST PLACE MS. HRM AND MR. ARTS AND DESIGN!” Banggit nang emcee, todo hiyaw naman ako dahil hindi pa binabanggit si tristan, gusto ko na siya ang manalo dito.

“AND NOW I WILL ANNOUNCE THE MR. AND MS. STAR 2020 SO THE NAMES THAT WILL NOT BE CALL IS AUTOMATICALLY THE 1ST PLACE” paliwanag ng emcee, tahimik na ang mga tao at aki ay nakatitig lang kay tristan dahil sa sobrang kaba ko

“AND THE MR. AND MS. STAR 2020 IS, MS. ACCOUNTANCY AND MR. BUSINESS MANAGEMENT!!” Napasigaw ako ng malakas nang banggitin ng emcee ang course ni tristan , sobrang saya ko!!

“Omaygad sis panalo si tristan!” sabi sa akin ni steph

“Oo nga sis sobrang saya ko” masiglang sabi ko

Nang matapos na ang lahat ay dumiretso kami sa backstage kung saan naroroon si tristan kasama sina ethan at marco. Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.

“CONGRATS LUUUV ANG GALING MO!” Sobrang saya na sabi ko sa kaniya

“Thankyou luv kasi ikaw yung dahilan kung bakit ako nanalo, ikaw yung inspirasyon ko” sagit nito sa akin at hinalikan ako sa labi

“Opzx tama na yan mabuti pa ay magpicture muna tayo dahil mahalaga ang araw na ito” sabat ni luke

Nagpicture kami at pagkatapos ay nagbihis na si tristan at naka-ayos na ulit siya.

“Guys tutal linggo naman bukas gusto niyo bang magcelebrate sa resort namin sa laguna wag kayong mag-alala libre ko na lahat” alok sa amin ni marco na ikinatuwa namin

“Mukhang masaya yan pre ah” sagot ni ethan

“Masaya talaga kung lahat sasama, ano G ba kayo?” tanong ni marco sa amin

“G KAMI!” sabay sabay naming banggit

“Anong oras tayo aalis?” tanong ni luke

“bukas mga 6:00 am wag kayong mag-alala may van naman sina tristan na pwede nating gamitin bilang service diba pre?” sabi ni marco

“Siyempre naman!” sabi ni tristan kay marco

“Oh magsi-uwi na tayo at maghanda na para bukas” sabi ko sa kanila

“Sige tara na luv” yaya sa akin ni tristan kaya nagpaalam na kami sa sa kanila at dumiretso sa parking lot.

“Luv sa amin ka na lang matulog ngayong gabi para di ka na namin sunduin” sabi ni tristan sa akin pagkapasok namin sa loob ng kotse

“Pero luv papaalam muna ako kay nanay” sagot ko

“Walang problema luv sasamahan kita ngayon din” sabi niya at pinaandar na ang kotse.

Nang makarating kami sa loob ng bahay ay nagpaalam agad ako kay nanay na kila tristan ako matutulog sinabi ko na rin ang tungkol sa pag-alis namin bukas at pumayag naman siyaw dahil minsan lang naman daw yun.

Ang swerte ko kay nanay kasi pinapayagan niya ako sa mga bagay na gusto kong gawin. Yung iba kasing bata mahigpit ang mga magulang nila konting kibot bawal kaya malaki ang pasasalamat ko sa diyos at binigyan niya ako ng maganda nanay.

“Luv ang iiksi naman ata niyan” sita ni tristan sa akin kasi nag-iimpake na ako ngayon ng mga damit na gagamitin ko bukas.

“ okay na yan luv private resort naman yun eh tayo tayo lang nandon” sagot ko

“Kahit na luv! Balik mo yan ako pipili ng mga damit mo!” sagot nito sa akin

“Luv naman eh” nakasimangot kong sabi

“Luv sige na makinig ka sa akin gusto ko ako lang makakakita ng katawan mo” sabi nito sa akin na nagpakilig sa akin.

“Hays sige na nga luv” sabi ko

“Good Girl!” sabi niya sabay gulo sa buhok ko

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

PLEASE VOTE AND COMMENT GUYS!

SALAMAT SA MGA NAGBABASA!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon