KABANATA 13 ☆

8.1K 343 9
                                    

Art's Pov

Paano ba malalaman kung gusto natin ang isang tao? O Paano ba malalaman kung mahal na natin ang isang tao? Bakit ba sa lahat ng lalaki siya pa? Ganun na ba ako karupok?

Sobrang daming tanong ang umiikot sa utak ko simula nung sagipin ako ni tristan sa dalawang adik na lalaki. Simula noon feeling ko nagkagusto na ako kay tristan pero bakit siya pa? Isang lalaki pa talaga na ang gusto ay babae? Pwede bang turuan ang puso kung sino ang mamahalin?

Hindi ko alam kung paano pero ang alam ko natutuwa ako kay tristan kapag nanjan siya. Sobrang daming kalokohan na ang ginawa niya sa akin pero simula nung gabing yun nawala lahat ng galit ko sa kaniya. Hays! Siguro kailangan ko ng makakausap tungkol sa nararamdaman ko.

“oh anak kanina mo pa pinaglalaruan yang pagkain mo, kainin mo na yan!” sita sa akin ni nanay na nagpabalik sa ulirat ko

“ay sorry po nay, sige po kakain na ako” sabi ko at kumain na ako. Biyernes na ng umaga ngayon at heto ako kumakain ng almusal bago pumasok sa paaralan. Bukas na rin pala ako pupunta sa bahay nila tristan para sa reporting namin sa P.E

“Anak may problema ka ba?” nag-aalalang tanong ni nanay ng matapos akong kumain

“a-ako po? Wala po!” utal kong sagot

“Ang lungkot mo kasi tingnan eh, kung may problema ka man huwag ka mahihiyang magsabi sa akin para matulungan kita kasi nanay mo ako at anak kita” seryosong sabi ni nanay sa akin

“Nay paano po ba ninyo nalaman na may gusto na pala kayo kay tatay noon?” bigla kong tanong sa kaniya

“ Alam mo anak bago naging kami ng tatay mo magka-away kami niyan pero di nagtagal ay nagkagusto ako sa kaniya. Paano ko nalaman na may gusto na ako sa kaniya?” panimula ni nanay

“Simple lang naman kapag nakikita ko siya ang saya saya ko at kapag malungkot siya malungkot din ako, sobrang mahal ko yang tatay mk kaya hanggang ngayon hindi ko siya pinagpalit kahit pa wala na siya” naiiyak na sabi ni nanay

“Ikaw anak kung may gusto ka sa isang tao dapat tanggapin mo muna sa sarili mo na gusto mo siya kasi kung hindi mo tatanggapin walang mangyayari sayo mas lalo ka lang maguguluhan sa nararamdaman mo” aral sa akin ni nanay

“Salamat nay! Hayaan niyo po kahit wala naman po si tatay andito po ako sa tabi niyo at hindi ko po kayo iiwan” sinscere na sabi ko kay nanay

“oh siya anak tama na ang drama sige na pumasok ka na at baka malate ka pa” wika ni nanay habang nagpupunas ng luha.

“Sige nay paalam na po” humalik ako sa pisngi ni nanay atsaka ako umalis. Sumakay ako ng jeep at dahil hindi naman traffic ay nakarating ako agad sa school. Tinahak ko ang daan papuntang classroom namin at agad naman akong sinalubong ni Steph.

“oh sis musta?” sabi nito sa akin

“maka kamusta ka naman eh lagi naman tayong magkasama” pabirong sabi ko habang papunta sa upuan ko at naupo.

“HAHAHA siyempre ayoko mamiss mga ganap sa buhay ng bestfriend ko” natatawang sabi ni Steph

“oh asan si luke?” tanong ko

“Ah nag cr lang” sabi niya at tumango lang ako bilang tugon. Maya maya pa ay dumating na yung una naming teacher pati si luke kaya umayos na kami ng upo at nagturo na siya.

LESSON!

REVIEW!

QUIZ!

ASSIGNMENTS!

Lumipas ang ilang oras at yan lang ang ginawa namin. Nakakabagot pero kailangan naming mag-aral para sa mga pangarap namin.

Lumabas na kaming lahat at tinungo ang classroom namin para sa P.E subjects namin. Eto na naman tayo makikita ko nanaman siya!

Pagkapasok ko sa room namin sa P.E ay halos lahat andoon na at may kaniya kaniya silang ginagawa kaya di na nila ako pinansin. Andito na rin uing tatlong lalaki na to kaya umupo na rin ako sa upuan ko.

“Art wag mong kalimutan bukas ha!” paalala sa akin ni tristan pagkaupo ko

“Ayos ah May date kayong dalawa bukas?” nang-aasar na sabi ni Marco

“Ayiee may something na ata kayong dalawa ha!” sabat naman ni ethan

“Mga siraulo kayo! Yung report yung tinutukoy ko gagawa na kasi kami bukas” Sabi naman ni tristan sa dalawa

“Oo tama siya! Sa monday na kasi yun eh” sagot ko naman

“HAHAHA Kayo nan di mabiro” natatawang sabi ni Marco

Di ko sila pinansin at lumingon na ako sa harapan dahil malapit nang dumating si ma'am.

Nang matapos kami magklase sa P.E ay inayos ko na ang mga gamit ko atsaka lumabas, hindi ko na pinansin yung tatlo na nasa loob pa.

Tristan's Pov

“Ikaw ha bakit ang bait mo na doon sa baklang yun” sabi ni Marco sa akin habang nag-aayos ako ng mga gamit ko

“Oo nga asan na yung kilala naming Tristan na Siraulo?” dagdag naman ni Ethan

“Mga sira! Naisip ko kasi na tama na yung pang-iinis ko sa kaniya at isa pa mabait siyang tao” seryosong sabi ko sa dalawa.

“Weh? Ang sabihin mo may gusto ka sa baklang yu-!” sabi ni Ethan, agad kong tinakpan ang bibig niya at baka marinig pa ng ibang tao, ano pa isipin nila tungkol sa akin.

“Shh! G*g0! Baka marinig ka ng mga tao” sabi ko at binitawan ko na ang bibig niya

“So totoo nga?” tanong naman ni Marco, bigla naman akong kinabahan dahil dito.

“ Alam mo tol! Wala namang masama kung gusto mo siya eh! Tanggap namin yun” dagdag niya pa

“Oo nga ang sa amin lang sabihin mo para alam namin” wika ni ethan

“ah basta ewan di ko pa alam” sagot ko, napansin kong kami na lang pala ang tao dito sa room

“Sige ikaw bahala! Pero eto sasabihin ko sayo kung gusto mo ang isang tao pormahan mo na agad at baka maunahan ka pa ng iba jan! Tara na ethan hayaan muna natin siyang mag-isip” sabi ni marco at iniwan nila ako dito sa loob ng classroom.

Naisip ko na tama si marco, kapag di ko pa pinormahan baka masulot pa ng iba.

HINTAYIN MO ART MAPAPA SAKIN KA DIN!

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

TARAY NAMAN NI ART! MAPAPA SANA OL KA TALAGA!

VOTE AND COMMENT SIS!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon