KABANATA 27 ☆

4.5K 196 5
                                    

Art's Pov

Andito kami ni tristan sa sasakyan niya galing kami ng mall at pauwi na kami, nagcelebrate lang kami saglit pero di na sila uminom dahil may contest pa si tristan bukas na Mr. And Ms. Star 2020

Nakapagpractice na sila at kabisado na nila ang gagawin nila sa oras ng pageant bukas. Kinakabahan daw si tristan pero sabi ko sa kaniya hindi niya kailangang kabahan kasi naniniwala ako sa kaniya.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng bahay namin at lumabas na ako sa kotse pero bigla akong tinawag ni tristan.

"Luv!” tawag nito sa akin.

“Bakit Luv?” tanong ko dito

“Kiss ko?” sabi nito sabay pout ng lips.

“Ay sorry luv, eto na oh” sabi ko sabay kiss sa kaniya

“Anak?!” rinig kong salita nung nasa likod namin, nilingon ko ito ay nakita ko si nanay na gulat na gulat sa nakita niya.

“Nay?” kinakabahan kong sabi

“A-nong ginagawa niyo? Bakit kayo naghahalikan?” gulat pa ring tanong nito

“Ah nay pwede po bang sa loob na lang po namin ipaliwanag” wika ko

“Abay natural! Pumasok na kayo isama mo yang lalaking yan gusto ko siya makausap” sabi ni nanay. Nakita ko naman si tristan na parang biglang kinabahan

Lumabas si tristan sa sasakyan niya at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Nang makapasok kami ay nakaupo na si nanay sa upuan doon sa lamesa habang kami ni tristan ay magkatabi na nakaupo rin sa gilid ng lamesa.

“Gusto kong magpaliwanag kayo tungkol doon sa nakita ko!” diin na sabi ni nanay sa amin

“Ah-eh nay boyfriend ko po siya” utal kong sagot

“Bo-boyfriend?” gulat na tanong ni nanay

“Opo tita at mahal na mahal ko po ang anak niyo” sabat ni tristan

“Okay sige, art umakyat ka muna sa kwarto mo kakausapin ko lang tong boyfriend mo!” sabi ni nanay

“Nay! Dito na lang po ako” ani ko

“Isa!” diin na sabi ni nanay

“Luv sige na kaya ko na to” sabi sa akin ni tristan. Wala na akong nagawa kundi umakyat na sa kwarto ko.

-------

Tristan's Pov

Kinakabahan ako ngayon pero hindi ko pinapahalata sa mama ni art dahil baka maka bawas ng pogi points ko haha.

“Ikaw pala ang boyfriend ng anak ko?” biglang salita nito

“Ah opo ako nga po tita” sagot ko

“Gaano mo kamahal ang anak ko?” tanong nito sa akin

“Mahal na mahal ko po ang anak niyo tita, hindi ko po ito masusukat dahil ang alam ko lang po masaya ako kapag magkasama kami at handa po akong isugal lahat para sa kaniya” sagot ko

“Sige tanggap na kita para sa anak ko” wika nito

“Talaga po tita?” masayang tanong ko

“Oo dahil ang gusto ko lang naman ay yung hindi sasaktan ang anak ko at nakikita ko naman na mahal na mahal niyo ang isa't isa” sabi nito sa akin

“Naku salamat po tita makaka-asa po kayo na hindi ko sasaktan ang anak niyo” sagot ko at niyakap si tita.

Umakyat na ako sa kwarto ni art at nakita ko naman na naghihintay siya sa akin.

“Luv ano sabi sayo ni nanay?” tanong nito sa akin

“Luv Tanggap na ako ng mama mo bilang boyfriend mo” masayang sabi ko dito

“Talaga luv? Sabi ko na eh” wika nito at nagyakapan kami

“Una na ako luv alam mo naman may pageant pa bukas” paalam ko rito

“Sige luv! Ingat ka ha” wika niya at hinalikan ako sa lips

-------------

Art's Pov

Sabado ng Umaga

Maaga ako nagising ngayon dahil ngayong araw ang pageant nila tristan pero mamaya pa naman itong 3:00 ng hapon kaya may oras pa ako para gumawa ng ibang bagay.

Kompleto na si tristan sa mga gagamitin niyang damit mamaya alam niyo naman mayaman kaya nakabili agad siya pagkasabi pa lang kung anong mga category ang isusuot nila, merong formal, casual at iba pa.

Sobrang saya ko dahil tanggap ni nanay si tristan at wala na akong daoat itago sa kaniya. Sa pamilya ni tristan ay wala pang nakaka alam ng relasyon namin dahil lagi naman silang wala pero ang sabi ni tristan sa akin ay kapag dumating raw ang mga magulang niya ay ipapakilala agad ako nito sa kanila.

Bumaba na ako at nakita ko si nanay na kumakain na ng almusal namin.

“Oh nak pasensya ka na ha nauna na ako kumain akala ko kasi mamaya ka pa magigising” sabi nito sa akin

“Ano ka ba ma ayos lang makakahabol pa naman ako na sumabay sa inyo eh” sabi ko at umupo na ako at nagsimulang kumain.

“Anak ngayon diba yung pageant ni tristan na sinabi mo sa akin kagabi?” sabi ni nanay habang patuloy kami sa pagkain.

“Opo nay mamayang hapon na po yun at baka gabihin na po ako sa pag-uwi” sabi ko

“ok lang anak naiintindihan ko, suportahan mo ang nobyo mo anak para manalo siya” biro ni nanay sa akin

“Hahaha kayo talaga nay” sagot ko na lang rito at nagpatuloy na sa pagkain

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa loob ng kwarto ko para maligo. 12:00 na ng tanghali at mga 1:30 na ako aalis rito sa bahay.

Pumasok ako sa banyo at sinimulan ang pagligo, pagkatapos ay naghanap ako ng pwede kong suotin. Nang makahanap na ako ay sinuot ko na ito atsaka nag-ayos ng mukha.

Kailangan fresh ako doon dahil laban iyon ng jowa ko at hindi pwedeng puchu lang.

Kasama ko pala manonood siyempre sila luke at steph at sinabihan ko na sila na dapat si tristan lang ang ichecheer namin.

Pagkatapos kong mag-ayos ng mukha ay nagpahinga muna ako ng saglit. Matapos ang ilang oras ay 1:30 na kaha lumabas na ako ng bahay at nag-antay ng jeep para sumakay.

Hindi naman traffic kaya mabilis akong nakarating sa school. Pagpasok ko ay sobrang dami ng tao mukhang lahat sila ay excited na sa magaganap na Mr. And Ms. Star 2020.

Sana maging matagumpay ang pageant na ito at tanghalin na Mr. Star si Tristan!!

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

ABANGAN ANG MANGYAYARI SA SUSUNOD NA KABANATA!

PLEASE VOTE AND COMMENT!

SALAMAT SA MGA NAGBABASA!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now