KABANATA 8 ☆

8.5K 373 9
                                    

Art's Pov

10 na ng umaga ng ako ay magising pero ok lang dahil sabado naman ngayon kaya wala kaming pasok. Bumangon ako at dumiretso sa banyo para mag hilamos, pagkatapos kong mag hilamos ay bumaba na ako.

Dumiretso ako sa kusina at nakita kong may niluto si nanay para sa akin at may iniwan pa siyang note.

Anak, kumain ka na jan nagluto na ako ng paborito mong adobo. Kung aalis ka isarado mo yung bahay at baka manakawan tayo ah. Ikaw na muna bahala jan at baka gabihin pa ako sa pag-uwi.

- Nanay mong maganda

Napangiti ako sa mensahe ni nanay sa akin. Napakaswerte ko at siya ang naging nanay ko bukod sa mabait ay napaka sipag niyang nanay para sa akin. Pinapangako ko sa sarili ko na magtatapos ako ng pag-aaral para makahanap ako ng magandang trabaho at mai-ahon ko sa hirap si nanay.

Hays tama na nga ang drama. Umupo na ako at nagsimulang kumain dahil pagkatapos nito ay maglilinis ako ng bahay dahil wala naman ako masiyadong ginagawa. Nang matapos ako sa pagkain ay hinugasan ko na ang mga plato at nagpahinga saglit.

Nang makapag pahinga ako ay sinimulan ko na maglinis ng aming bahay.

Linis dito

Punas doon

Walis dito

Pagpag doon

Makatapos ang ilang oras ay natapos din ako sa paglilinis ng bahay namin. Umakyat muna ako sa kwarto ko para magpahinga. May balak akong lumabas ngayon kaya tinext ko si steph kung gusto niya sumama sa akin sa mall kaso umalis sila ng family niya, alam niyo naman mga mayayaman alis lang ng alis.

Tinawagan ko rin si luke kaso kasama pala siya ni steph dahil nasa Family Reunion sila, magpinsan eh. Kaya napagdesisyunan ko na ako na lang mag-isa ang lalabas ok na rin yun para magkaroon ako ng oras sa sarili ko.

Nang makapag pahinga ako ay naligo na ako dahil ala una na ng hapon. Pagkatapos ay nagbihis na ako simple lang naman ang suot ko maikling short at over size na tshirt, naglagay din ako ng lip tint sabay ayos sa buhok kong hanggang leeg then ready to go na ako!

 Pagkatapos ay nagbihis na ako simple lang naman ang suot ko maikling short at over size na tshirt, naglagay din ako ng lip tint sabay ayos sa buhok kong hanggang leeg then ready to go na ako!

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

Sa isang mall malapit dito ako pumunta at ang nauna kong balak gawin ay manood ng sine dahil matagal na rin akong di nakapanood nun.

Nang makarating ako sa mall ay dumiretso muna ako sa cr kasi naiihi na ako kanina ko pa pinipigilan sa jeep. Wala masiyadong tao sa cr kaya nakaihi ako ng matiwasay, papalabas na ako ng may maapakan akong madulas na bagay

"Ahhhhhh" sigaw ko at unti unti na akong matutumba kaya pinikit ko na lang ang mata ko pero nagtaka ako ng wala akong maramdamang sakit at para bang hindi ako natumba. Dinilat ko ang mata ko at nagulat ako ng makita ko ang isang lalaki na naka alalay sa akin kaya di ako natumba

"ano ba yan bakla na nga tanga pa" sabi ni Tristan, Oo mga bes si tristan nga!!

"Tri-tristan? A-anong ginagawa mo dito?" utal na tanong ko dito

"ikaw lang ba pwedeng magmall?" sarkastikong sabi nito

"ay sorry, salamat ha" pasasalamat ko dito

"tss!" yan lang ang sabi niya sa akin sabay alis palabas. Naiwan naman akong tulala dito sa loob ng cr dahil di pa rin ako makapaniwala na ang isang Tristan Gab Revilla sasaluhin ako?? Yung mayabang na yun??

Nang mahimasmasan na ako ay lumabas na ako sa cr at dumiretso sa sinehan para makapanood na ako ng pelikulang gusto ko.

Nang matapos ako manood ay pumunta naman ako sa national bookstore para bumili ako ng mga gamit ko para sa school buti na lang at may ipon ako kaya di ko na kailangan pang humingi ng pera kay nanay.

Naalala ko yung pinanood ko kanina tungkol siya love nakaka-inspired lang umibig, umaasa ako na sana may magmahal sa akin na lalaki yung totoong pagmamahal sana at hindi puro kalokohan lang.

Mayroon kasing mga tao na inakala mong totoo na pero pinaglalaruan ka lang pala, ano ba yan ang drama ko na namimili lang naman ako dito sa national bookstore hahaha.

Napagpasiyahan ko ng umuwi ng bahay dahil gabi na rin naman kaya sumakay na ako sa jeep upang makauwi na ako.

Pagpasok ko sa bahay ay naabutan ko si nanay na nanonood ng tv

"oh anak san ka galing?" tanong nito sa akin, umupo ako sa tabi nito at sumagot

"sa mall lang nay may binili lang ako saglit" sabi ko

"bakit di ka nang hingi sa akin ng pera pambili?" takang tanong nito

"ano ka ba nay pera pa naman ako at isa pa itago mo na yan para kapag kailangan natin ng pera may madudukot tayo" ani ko

"Napakaswerte ko talaga sa iyo anak, kahit wala na ang papa mo masaya ako dahil nandito ka sa tabi ko at lumaki kang isang mabuting bata" emosyonal na sabi ni mama

"Ay ano ba yan nay ang drama mo, salamat din sayo kasi ginagawa mo lahat makapag aral lang ako" sagot ko sabay yakap sa kaniya...

"I love you nay!" sabi ko habang magkayakap kami

"I love you too anak kong maganda" sabi nito na ikinatawa naming dalawa.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

PASENSYA NA KUNG MEDYO MAIKSI ITONG KABANATA NA ITO, BAWI AKO SA SUSUNOD!

PLEASE VOTE AND COMMENT!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat