KABANATA 34 ☆

4.4K 185 5
                                    

Art's Pov

Tatlong linggo na ang nakalipas muka nung pumunta kami sa private resort nila marco, nang umuwi kami rito ay marami ng nagbago sa samahan namin mas lalo kaming naging close sa isa't isa.

Sobrang saya ng mga nagdaang linggo at mas naging matatag ang relasyon namin ni tristan at mas minahal namin ang isa't isa.

Sabado ngayon ng tanghali at heto ako nagbabasa sa wattpad ng mga bl stories dahil nakaka inspired ito. May mahalaga akong pupuntahan mamayang gabi walang iba kundi kila tristan dahil may Family Dinner kami.

Oo dumating na ang Pamilya ni tristan galing abroad pero andito lang sila para magbakasyon ng ilang buwan at aalis na naman ulit para sa kanilang business.

Kinakabahan ako kapag naaalala ko iyon dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng mga magulang ni tristan na malaman na ako yung boyfriend ng anak nila. I consider myself bilang boyfriend ni tristan at boyfriend ko rin siya dahil kahit bakla ako at mukhang babae lalaki pa rin naman ako at isa pa wala namang masama dun.

Pero nasabi na daw ni tristan ang tungkol sa akin sa family niya pero kinakabahan pa rin ako baka kasi di talaga nila ako tanggap para sa anak nila.

Kung ganun man ang mangyari ay handa akong ipaglaban siya, ipapakita ko lang na ako ay isang mabuting tao na may mabuting intensyon sa anak nila.

8:00 Pm mamaya ang Family Dinner kaya nagpatuloy muna ako sa pagbabasa dahil maaga pa naman.

*
Lumipas ang ilang oras at 6:00 PM na kaya naligo na ako nahibang kasi ako sa pagbabasa ng wattpad stories at di ko namalayan ang takbo ng oras.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at siyempre nagsuot ako ng presentable sa harapan nila ayoko namang mapahiya diba.

Natapos ako sa pag-aayos sa sarili ko ng 7:30 mabagal kasi ako kumilos, sumakay na ako ng jeep papuntang village nila tristan sinabi niya sa akin na susunduin niya ako pero di na ako pumayag at sinabi ko na maghanda na lang siya para sa Family Dinner.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila tristan ay nag door bell na ako na binuksan naman agad ng guard nila.

“Good Evening po ma'am” bati sa akin ng guard

“Good Evening din po kuya guard” bati ko pabalik rito.

Naglakad na ako at nakita ko naman si tristan na naka abang sa labas ng bahay nila.

“Luv late na ba ako?” agad na tanong ko rito

“Hindi luv sakto ka lang, tara na pasok na tayo sa loob hinihintay ka na nila” sabi nito sa akin na nagpakaba sa akin.

“Oh bakit parang nanigas ka luv?” tanong sa akin ni tristan

“Kinakabahan ako luv” sabi ko rito

“Wag kang kabahan luv andito ako sa tabi mo” sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Magkaholding hands naming pinasok ang bahay nila at dumiretso sa Dining area nila kung saan nakita ko Ang Mommy, Daddy at Ate niya.

“Mom, Dad at Ate si art po Girlfriend ko” Agad na bungad ni tristan sa kanila.

“Uhm Good evening po” kinakabahan kong bati sa kanila

“Ooowww Hi Art, you're so cute” sabi ng ate ni tristan sabay pisil sa pisngi ko

“Ate!” suway ni tristan sa kaniya

“Oops sorry, I'm Christina Ate ni tristan” pakilala niya sa akin sabay abot ng kamay

“Nice to meet you po Ate Christina” magalang na bati ko rito

“Drop that Po just call me Ate tutak miyembro ka na rin naman ng family” sabi niya sa akin

“Hello Iha I'm Lucinda, Tristan's Mother just call me tita” sabi sa akin ng magandang nanay ni tristan

“Magandang gabi po ti-tita” wika ko

“Raymundo batiin mo ang girlfriend ng anak mo” sabi ni tita doon sa lalaking nakaupo lang ito yung tatay ni tristan.

Tumango lang ito bilang tugon, mukhang hindi ata ako gusto ng tatay ni tristan para sa sa kaniya ah.

“Pagpasensiyahan mo na iha ganiyan talaga yan” sabi ni tita

“Ok lang po tita” wika ko

“Oh let's eat na at para makapag kwentuhan pa tayo” sabi ni tita kaya nagsi-upo na kami at kumain.

Naging masaya ang gabing ito dahil sobrang tanggap ako ng mama at ate ni tristan pero yung tatay niya ay hindi ata dahil sa tuwing titingin ako rito ay tinitingnan niya ako ng masama.

Hindi ko na iyon pinansin at nag-enjoy na lang muna dahil baka nga hindi pa ako tanggap ng tatay ni tristan.

Lumipas ang mga oras at natapos na ang family dinner namin, nagpaalam na ako sa mama at ate ni tristan dahil uuwi na ako masiyado na kasing gabi.

“Luv sure ka ba ayaw mo dito matulog? Tanong ni tristan sa akin.

“Oo luv hindi kasi ako nagpaalam kay nanay at isa pa baka sabihin ni nanay na sa ibang bahay na ako lagi natutulog” paliwanag ko rito

“Sige na nga luv tara na hatid na kita” sabi nito sa akin at sumakay na kami sa kotse niya at umalis.

****
Amber's Pov

Hi guys! Na miss niyo ba ako? Hindi ako masiyadong nagpapansin sa kanila nitong mga nagdaang linggo dahil meron akong pinaplano para paghiwalayin sina tristan at art.

Mahal ko si tristan at gagawin ko ang lahat para maging kami ulit kaso sadyang harang sa plano ko si art kaya may naisip akong gawin sa kaniya.

Biglang nagring ang phone ko dahil may tumatawag, sinagot ko agad ito.

“Hello Po tito” bati ko sa kausap ko

“Nakita ko na yung sinasabi mo” wika nito

“Nakita niyo na po tito yung baklang yun? Siya po ay di bagay kay tristan dahil pineperahan lang siya nun tito, alam niyo naman po mga mahihirap.” sabi ko sa kausap ko

“Akong bahala sa kaniya at sisiguraduhin kong maghihiwalay sila at magkakabalikan kayong dalawa ng anak ko” wika nito

“Talaga po tito? Salamat po” sabi ko at pinatay ang tawag.

Kausap ko ang tatay ni tristan at siniraan ko si art sa kaniya para hindi niya ito matanggap at maging kami ulit ni tristan!

*Evil Laugh HA HA HA HA

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

OMAYGAD! ANO KAYA ANG MANGYAYARI KAY ART?

ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA!

PLEASE VOTE AND COMMENT!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon