KABANATA 15 ☆

7.3K 329 5
                                    

Art's Pov

Habang naliligo si tristan ay ginawa ko na sa powerpoint ang reporting namin actually kaya ko naman to kahit ako lang mag-isa kaso wala naman kaming computer kaya malaking tulong na rin si tristan para sa akin.

Una kong nilagay sa report namin ay definition, example at marami pang iba. Eto tips ko kapag may mga report kayo tulad nito, dapat kapag magrereport kayo alam niyo dapat ang topic niyo kaya mag search kayo sa google about doon sa topic niyo para kapag tinanong kayo ng teacher niyo ay may maisasagot kayo.

Ilang saglit pa ay natapos na akong gumawa ng report namin bali ang gagawin nalang namin ni tristan ay mag ensayo kung papaano namin ipepresent ang report namin sa klase. Tumayo muna ako at naglibot dito sa kwarto ni tristan, tumingin ako sa mga pictures na nalakagay sa taas ng maliit na cabinet. Nakita ko yung mga picture nila ng pamilya niya, ang ganda pala ng nanay at ang gwapo ng tatay niya kaya pala ganun ang itsura niya. May katabi yung papa niya sa picture na babae pero mukhang mga 20 pa lang ito siguro ito yung ate niya.

May picture na umagaw sa aking atensyon, tiningnan ko ito at si tristan ito pero may kasama siyang babae sobrang ganda nito at maputi, sino kaya ito? Baka pinsan niya lang? Pero bakit ang sweet nila tingnan? Di ko na ito pinansin at sunod kong tiningnan ang picture niya nung bata pa siya.

“Ang cute naman niya dito” wika ko

“Sinong cute?” nagulat ako ng biglang mag salita si tristan mula sa likod ko. Tiningnan ko ito at laking gulat ko ng makita ko itong nakatapis lang ng tuwalya habang basa pa ang buhok na tumutulo sa matikas niyang katawan.
Ang hot niya tingnan para siyang artista.

“Lagi mo na lang ako tinitingnan na para bang gusto mo akong kainin” wika niya habang nakangisi

“Ha? Hindi ah assumero ka naman!” sagot ko dito sabay upo sa kama niya

“Tapos mo na agad yung report natin?” gulat niyang tanong habang tumitingin sa computer

“Oo planuhin na lang natin kung paano ipepresent itong report” ani ko

“Sige sandali lang magbibihis lang ako baka maakit ka pa sa katawan ko” pabirong sabi niya

“Waw kapal ha! Sige na magbihis ka na dun para di ko na makita yung payat mong katawan” ani ko. Sa totoo lang hindi siya payat sakto lang ang katawan niya na malaki ang muscles at may abs pa? Diba ang sarap? 

“Sinong payat?” sabi niya sabay tulak sa akin sa kama at nakapatong naman siya sa akin at yung may niya nilagay niya sa magkabilang gilid ko na para bang harang. Eto na naman kami at magkalapit, ang sarap niya nakakainis bakit ba lagi ako nitong tinutukso?

“Wa-la sige na umalis ka na” pagtataboy ko dito pero mas malakas siya sa akin kaya kahit anong gawin ko di ko siya mataboy.

“Sabihin mo muna na ang hot ko tingnan” bulong nito sa tainga ko na nagdulot ng ibang kuryente sa buong katawan ko

“a-yoko ng-a” utal kong sagot, nagsisimula na akong mamula.

“ sige na para umalis ako dito art” nang aakit na sabi niya sabay kagat sa tainga ko na ikinagulat at ikinamula ko.

“OO NA ANG HOT MO NA!” sigaw ko

“Very good, masunurin ka naman pala eh” wika nito at umalis na siya sa harap ko at nagbihis na. Letcheng lalaking to ang daming naiisip. Kaloka bes nagulat ako sa pagkagat niya sa tainga ko di ko kaya!!

Nang makapagbihis na si tristan ay nagsimula na kami mag plano kung anong gagawin namin sa reporting namin. Nakasuot lang siya jersey at boxer nanaman, lord kayo na po bahala sa akin!

Sumunod naman si tristan sa mga plano ko kaya wala kaming naging problema sa ginawa namin.

“Okay so yun lang yun ha tandaan mk yung dapat mong tandaan” utos ko dito

“Yes Ma'am Yes!” wika nito at sumaludo pa na parang sundalo. Natawa ako sa pinaggagawa nito.

“Kumain ka muna sa baba may meryenda hinanda si Nanny” ani nito

“Sinong nanny?” tanong ko naman

“ah yung yaya namin, sige na baba na tayo” sabi nito kaya bumaba na kami at dumiretso kami sa living room nila. Napakaganda talaga ng bahay nila kahit ulit-ulitin ko itong sabihin eh totoo naman kasi talaga.

Nang dumating na ang pagkain namin ni tristan ay nagsimula na kaming kumain,maya maya pa ay natapos na kaming kumain kaya nag kwentuhan muna kami.

Sobrang dami naming napagkwentuhan at hindi ko namalayan na gabi na pala, ang bilis talaga ng oras kaloka.

“Tristan uuwi na ako anong oras na din eh” paalam ko dito

“Sige hatid na kita sa gate” wika nito at sabay kaming lumabas ng bahay nila. Habang naglalakad kaming papuntang gate ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya parehas kaming nabasa ni tristan. Bumalik ulit kami sa bahay nila dahil malakas talaga ang ulan

“Bwiset na ulan na to nabasa pa ako” reklamo ko ng makapasok kami sa bahay nila

“may damit ako sa taas at isa pa dito ka na matulog mukhang di pa titila agad tong ulan eh” sabi nito sa akin

“ha? Pero nakakahiya naman sayo” sabi ko

“Sige na dito ka na matulog tutal malaki naman kwarto ko” sabi niya

“Sige di na ako hihindi pa kesa naman mabasa pa ako sa ulan” wika ko. Umakyat kami sa loob ng kwarto niya at nagbihis ako. Nauna akong magbihis sa kaniya kasi di naman kami pwedeng magsabay diba? Baka gahasain niya pa ako.

Nang makapagbihis kaming dalawa ay nag sabi na ako na sa sofa na lang ako matutulog.

“Ahh tristan sa sofa na lang ako matutulog nakakahiya naman kasi sayo eh” sabi ko bigla kay tristan habang nagpupunas siya ng buhok niya

“No! Ako na sa sofa, bisita kita eh” seryosong sabi nito

“naku hindi na! Sanay naman ako sa sofa” ani ko

“Hindi art! Sige ganto na lang tabi na lang tayo sa kama ko tutal malaki naman to at kasya tayong dalawa at isa pa ayoko kitang mahirapan” sabi nito na ikinagulat ko

“Huh? Anong sabi mo?” tanong ko dito at nakita ko naman siya na parang nataranta at hindi alam ang gagawin

“Art may sasabihin sana ako sayo” sabi nito sabay lapit sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay

“A-no yun tristan?” kinakabahan na tanong ko

“Matulog na tayo” sabi nito, na ikinalungkot ko?? Bakit ako nalungkot? Akala ko yun na!

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

HEY GUYS! MUSTA KAYO JAN?

PLEASE VOTE AND COMMENT

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon