KABANATA 3 ☆

11.1K 468 26
                                    

Art's Pov

" Ang kapal din ng mukha mo para dumihan ang isang hotties na tulad ko" sabi ni tristan habang diretsong nakatingin sa akin. Ramdam ko yung galit sa tono ng pagsasalita niya

"Pa-pasensya na di ko sinasad-ya" nauutal kong sabi. Pinagtitinginan na kami ng lahat ng estudyante dito sa loob ng canteen

" di mo sinasadya? Nakakatawa ka naman, alam ko namang sinadya mo kasi yung mga katulad mong bakla ay masiyadong papansin sa mga lalaking tulad ko!" Galit na sabi nito sa akin. Ang kapal din talaga ng mukha nitong lalaking to ah

" Ang kapal naman ng mukha mo kahit gwapo ka di ako magpapapansin sayo dahil sobrang sama ng ugali mo, at ito ang tandaan mo kahit bakla ako di ako tulad ng ibang bakla jan na malandi!" Sigaw ko sa kaniya sabay alis palabas ng canteen kasama si Steph

"Hoy san ka pupunta!? Wag kang magpapakita sa akin kasi sisiguraduhin kong magiging impyerno yung buhay mo dito sa loob ng school!" Dinig kong sigaw niya pero di ko siya pinansin at patuloy lang sa pag-alis sa loob ng canteen, dama ko yung mga titig ng mga estudyante dito sa loob na para bang pinapatay na nila ako

Dumiretso kami ni steph sa loob ng classroom namin at buti na lang wala pang tao bukod sa amin dahil breaktime pa lang namin.

"Grabe ka te ikaw pa lang ang taong sumagot don kay tristan, kinatatakutan yan dito kasi malaki ang share ng pamilya nila dito sa school kaya kahit anong gusto niya ay nasusunod baka patalsikin ka niya sa school na ito friend!" Kinabahan ako sa sinabi ni steph. Sana di niya ako palayasin dito kasi malaki ang tulong ng scholarship ko dito sa amin ni nanay

"Di ko na kasi kinaya yung mga salita na sinabi niya sa akin kaya nasagot ko siya, ipaglalaban ko ang sarili ko kapag pinaalis niya ako dito" matapang na sabi ko kay steph

"Ganiyan nga friend dapat di ka nagpapaapi" sabi ni steph

Ngayon ang iisipin ko na lang ay kung paano ko iiwasan yung mayabang na yun para di kami magkita. Maya maya pa ay nag datingan na yung iba naming mga kaklase kaya agad kaming umayos ng upo ni steph

Makalipas ang isang oras ay lumabas na yung teacher namin at wala masiyadong ginawa ngayong oras kasi nga unang araw palang naman ng pasukan, habang nag-uusap kami ni steph ay may lumapit sa amin na isang lalaki, kaklase rin namin siya

“Hi Steph kamusta ka matagal din tayong di nagkita ah” sabi ng lalaki na kaharap namin at mga bes ang gwapo niya para rin siyang isa sa mga hotties.

“Oy Hello Luke ikaw pala yan, oo nga eh nagbakasyon kasi kami” sagot naman dito ni Steph

“Di mo naman sinabi sa akin may maganda ka palang kaibigan” balik ni Luke

“Ay oo nga pala Si Art kaibigan ko” pagpapakilala sa akin ni Steph

“Art?? Di ba pang lalaki yung pangalang yun?” nagtatakang tanong ni Luke

“Siyempre lalaki ako pero di naman totally straight, Im Gay” Sabi ko na ikinagulat niya

“Wooah!? Im sorry ang ganda mo kasi para kang babae btw Im Luke Castro pinsan ni Steph” pagpapakilala nito sa akin sabay lahad ng kamay

“Im Art Jhon Garcia pero tawagin mo na lang akong AJ mas maikli” masayang sabi ko sa kaniya

“Ay nako mag-ingat ka jan sis kay Luke maraming babae yan” sabi ni Steph na ikinatawa ko

“Hoy di ah nagbago na ako atsaka sa tingin ko nahanap ko na yung para sa akin” sabi ni Luke sabay kindat sa akin na ikinapula ko

“Baliw hahaha umayos na kayo at parating na yung huli nating teacher” sabi ko sabay iwas ng tingin

Maya maya pa ay dumating na yung teacher namin at sa ayos pa lang niya ay masasabi ko ng strikto ito, kaya naman kaming lahat ay tumahimik

"Good Morning Everyone Im Mrs. Jennylyn Lapas at isa ako sa magiging teacher niyo this sem" seryosong sabi nito sa amin

"Ayokong magkatabi ang lalaki at babae, ang gusto ko ay lalaki sa lalaki at babae sa babae kaya magsilipat na kayo! NOW!” agad naman kaming nagsikilos at naghanap ng pwedeng katabi

"Art!" Tawag sa akin ng kung sino at ng lingunin ko ito ay si Luke lang pala

“Dito ka na umupo sa tabi ko” sabi niya at di na ako umarte pa kasi halos lahat nakaupo na

“Salamat ah!” sabi ko

“Ok lang, masaya nga ako na katabi kita eh” sabi niya at hindi ko masiyadong narinig yung huli niyang sinabi

“Huh?” tanong ko

“wala sabi ko makinig na tayo magtuturo na si ma'am” aniya

Nagpatuloy lang ang oras hanggang sa mag ring ang bell hudyat na uwian na namin kaya nag ayos na kaming lahat at lumabas. Kasabay kong lumabas si Steph at Luke nang makaramdam ako ng tawag ng Cr

“Ay sis una na kayo naiihi kasi ako sunod ako sa labas” sabi ko

“Samahan na kita” alok ni Luke

“ay hindi na saglit lang naman ako” sabi ko at umalis na papuntang banyo

Pagkapasok ko sa banyo ay pumunta agad ako sa isa sa mga cubicle nito at umihi, narinig kong may pumasok din pero di ko ito pinansin. Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ako at nagulat ako nang makita ko siya..

“Tristan?” sabi ko at bigla akong kinabahan ng tumingin siya sa akin ng seryoso

"Oh ikaw pala yan Ms.Beautiful” nakangising sabi niya sa akin

Lalabas na sana ako pero humarang sa siya pinto kaya hindi ako makalabas

"At saan ka naman pupunta?” nakakatakot na sabi nito

“La-labas na ako kaya umalis ka na jan” utal kong sagot sa kaniya

"Hindi pwede, hindi ka pa nagbabayad sa ginawa mo sa akin kanina sa canteen" sabi nito

“pero hindi ko yun sinasadya kaya pwede ba tumabi ka na jan” sabi ko

“uhmm maganda ka naman kaya pwede ka na sigurong parausan ko ngayon bilang bayad mo sa ginawa mo sa akin kanina” nakangising sabi habang unti unti siyang lumalapit sa akin na ikinabahala ko...

“a-nong ga-gawin mo?” utal kong tanong sa kaniya habang paatras ako ng paatras,naramdaman ko yung pader sa likod ko at wala na akong kawala sa lalaking ito

"Masasarapan ka dito wag kang mag-alala" sabi niya habang palapit ng palapit yung mukha niya sa akin at akmang hahalikan ako

Sa paglapit niya sa akin ay narealized ko na ang gwapo niya pala talaga, yung makakapal niyang kilay, yung labi niya na parang nag-uudyok na halikan ko at ang mga mata niya na kung makatitig ay para kang matutunaw

Isa lang masasabi ko napakagwapo ng lalaking to!

Hays! Ano ba tong mga naiisip ko, masama siyang tao art wag kang papalinlang sa itsura niya

Bago pa man niya ako mahalikan ay sinipa ko siya sa maselang parte ng katawan niya at namilipit siya sa sakit

"Araaay koo!" Sigaw nito

"Yan ang nararapat sayo Bastos!” sabi ko sabay labas ng banyo

"HUMANDA KA TALAGA SAKIN!” rinig kong sigaw niya sa loob

Di ko siya pinansin at lumabas na ako papunta kila Steph at Luke..

“Sis bakit tagal mo naman” takang tanong ni Steph sa akin

“Ang daming tao eh, tara na!” sabi ko at sabay sabay na kaming lumabas ng school.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

HI GUYS! ANONG SAY NIYO SA IKATLONG KABANATA? ICOMMENT NIYO NA YAN AT MAG VOTE NA RIN KAYO!

SALAMAT SA MGA NAGBABASA!

-ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon