KABANATA 4 ☆

10.1K 428 4
                                    

Tristan's Pov

Padabog akong pumasok sa tambayan naming tatlo ng mga kaibigan ko sa isang apartment malapit sa school namin, naabutan ko yung dalawa na busy maglaro ng xbox.

Di ko sila pinansin at pumunta ako sa ref para kumuha ng malamig na tubig dahil umiinit yung ulo ko sa baklang yun!

“What's with that face bro?” tanong ni ethan habang nakatingin sa nilalaro nila

“Put*ang bakla yun ginagalit talaga ako" inis na sabi ko sabay sarado ng ref at umupo sa sofa

“HAHAHA ngayon lang kita nakitang nagkaganiyan ah at ang malala sa isang bakla pa?” nang-aasar na sabi ni Marco

“Gago ka! Hindi ka nakakatulong!” sabi ko sabay bato sa kaniya ng unan

"Wooah! Easy lang bro alam ko na dapat mong gawin!” sagot ulit ni Marco at tinigil muna nila ang paglalaro ng xbox

“Siguraduhin mong may kwenta yan ha kung hindi ikaw mananagot sakin!” sabi ko

Pinag usapan naming tatlo ang dapat naming gawin sa baklang yun at nagandahan naman ako sa plano niya kaya sumang-ayon na ako.

Papakilala ko muna pala sa inyo ang aking sarili at ang dalawa kong kaibigan.....

Ako si Tristan Gab Revilla, 18 yrs old. isang gwapong nilalang (wow hangin!), May sapat na pangangatawan na pinagtitilian ng mga bakla at babae at mataas na height dahil ako ay isang basketball player actually di lang ako kundi kaming tatlong magkakaibigan. Ako ang leader sa aming magkakaibigan at lahat ng gusto ko nakukuha ko dahil naniniwala ako na “What Tristan Wants, Tristan Get”

Una ay si Ethan Villena, siya ang pinakamatalino sa aming tatlo at maasahan namin siya sa mga assignment at projects namin sa school, kahit ganun ay may taglay ring kagwapuhan kahit ito ay may nakasalamin, tama lang din ang pangangatawan niya pareparehas kaming may abs (weh?)

At ang huli ay si Marco Jade Tan, siya ang pinakababaero sa aming tatlo kasi kada araw iba ang girlfriend niya pero maasahan namin siya sa mga plano katulad nito. Fuckboy talaga ang datingan nito sa gupit ng buhok pa lang nitong Devil Cut eh.

Kaming tatlo ay parehas na Business Management Students galing sa mga mayayamang pamilya, lahat ng mga magulang namin ay may kaniya kaniyang business local man at International kaya nakukuha namin lahat ng gusto namin.

Humanda ka sakin bukas bakla! Mararanasan mo na kung paano gumanti ang isang Tristan Gab Revilla! *Evil Laugh HA HA HA!

Art's Pov

Nakakainis talaga yung lalaking yun balak ba naman ako rape-in? Haaay! Nako kapag talaga ginawa niya yun makakatikim talaga siya ng sampal sakin.

“Hoy sis, Ang lalim naman ata ng iniisip mo!” sigaw ni Steph na nagpabalik sakin sa ulirat.

“ay wala sis bakit ba yun?” tanong ko sa kaniya

"Tinatanong ko kung ano ba order mo ako na pipila sayo” iritang sabi niya

“Ay kahit ano sis ikaw na bahala” sagot ko at inirapan niya lang ako sabay alis

Andito pala kami ni Steph sa isang Fast Food chain ng isang mall, Umorder na siya at ako naman ay nakaupo lang nag-aantay. kasama pala namin si Luke kasi wala naman daw siyang gagawin kaya sumama siya sa amin.

“Siguro lalaki yung iniisip mo? Ano ba yan nagtatampo tuloy ako sayo andito na nga ako sa harap mo nag-iisip ka pa ng iba di pa ba ako sapat?” Parang tangang sabi ni Luke

"Siraulo! Tigil mo nga yan gutom lang yan, oh ayan na si Steph kain na tayo” natatawang sagot ko sa kaniya

“eto naman di mabiro” sabi niya pero di ko na siya pinansin at kumain na kaming tatlo.

Pagkatapos naming kumain ay napagpasiyahan na naming umuwi dahil ayaw naming maabutan ng gabi dito sa mall

“uhm Art sabay ka na sa akin hatid na kita may kotse naman ako eh” alok ni luke ng makalabas kami sa mall

“ay nako hindi na magco-commute na lang ako” sagot ko

“ay nako si wag ka ng maarte sumabay ka na jan kay Luke para di ka na gumastos at makauwi ka ng maaga at isa pa mabait naman yang pinsan ko” sabi naman ni Steph

“sige na nga ang kulit niyo eh” sabi ko at sumakay na ako sa kotse ni Luke sunabi ko na rin sa kaniya ang address namin habang si Steph ay Sinundo na ng driver nila, Oo mayaman sila.

“gaano na kayo katagal magkaibigan ni Steph?” biglang tanong sakin ni Luke habang nakafocus sa pagdadrive

“Actually kakakilala ko lang sa kaniya nung Enrollment mabait kasi siya kaya kinaibigan ko”sagot ko naman

“Alam mo ngayon ko na lang ulit nakita si Steph na may kaibigan kasi dati kami lang magkasama lagi dahil ayaw sa kaniya ng mga tao kasi nerd siya” seryosong sabi ni Luke

Bigla naman akong nalungkot sa narinig ko dahil may mga tao pa rin talaga na sa itsura tumitingin at di muna nila inaalam yung totoong ugali ng isang tao.

“Ay ganun ba, wag kang mag-alala pangangalagaan ko yung friendship na meron kami” ani ko at tumango lang siya bilang tugon

Maya maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng bahay namin kaya nagpasalamat na ako kay luke at nagpaalam.

“Salamat Luke ha” sabi ko

“para saan naman?” tanong niya

“Sa paghatid mo sa akin dito sa bahay” ani ko

“Ano ka ba wala yun ikaw pa malakas ka sa akin eh” aniya sabay kindat na ikinapula ko

“Siraulo sige na bababa na ako” sabi ko at bumaba na ako, dumiretso ako sa loob ng bahay at wala pa si nanay kaya pumunta na ako sa kwarto ko

Hays bakit ba ganun yung reaksyon ko sa pagkindat ni Luke? Gwapo naman siya at mabait ang swerte ko dahil may kaibigan akong tulad niya.

Ang ganda ng araw ko ngayon maliban na lang doon sa oras na nakita ko si Tristan mayabang, hay nako kagigil.

Nagbihis na ako at nagcheck ng facebook ko nakita ko naman na nag sent ng friend request sa akin si Steph at Luke inaccept ko naman eto. Maya maya ba ay may nagpop up na message sa fb ko

“Goodnight Art!”  Si Luke pala

“Goodnight din” reply ko

Di ko na siya hinantay pang magreply at natulog na ako dahil sobrang antok na ako.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Thankyou For reading guysz

Please Vote and Comment!

~ALWIINAA



THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now