KABANATA 22 ☆

4.9K 226 1
                                    

Art's Pov

“Sis sure ka ba talaga dito?” nag-aalangan na tanong sa akin ni steph.

“Oo sis tara na pumasok na tayo” andito kami ngayon sa labas ng isang Salon dito sa isang mall malapit sa school namin. Hindi ko kasama si tristan ngayon dito dahil sabi ko dalawa lang dapat kami ni steph siyempre di siya pumayag pero nilambing ko siya at hinalik halikan kaya napapayag din siya agad.

Pumasok na kami sa loob at agad na lumapit sa amin ang isang bakla

“Good afternoon sa inyong dalawa ano pong maipag lilingkod ko sa inyo?” magalang na tanong nito sa amin

“Good afternoon din po gusto ko po sanang i-make over niyo itong kaibigan ko at gusto ko po sana na magiging maganda siya paglabas namin dito” ani ko sa baklang mag-aayos sa kaniya

“Sige po ma'am kami po ang bahala sa kaniya” sabi nito sa akin

“Saan ka pupunta art?” tanong sa akin ni steph ng makita niya akong paalis

“Bibili lang ako ng damit na susuotin mo, mukha ka kasing manang jan sa suot mo” ani ko

“sira sige hahaha” sagot niya sa akin kaya lumabas na ako.

Dumiretso ako sa department store na nasa second floor ng mall na ito at pumasok ako sa loob. Wala masiyadong tao dito kaya agad akong naghanap ng magandang damit para sa kaniya pero ayoko siyang pagmukaing pokpok so simple lang ang pipiliin ko para sa kaniya.

Pumili ako ng isang ripped jeans na pang babae at yung babagay sa kaniya, pumili rin ako ng isang sweatshirt na kulay puti.

Pumili ako ng isang ripped jeans na pang babae at yung babagay sa kaniya, pumili rin ako ng isang sweatshirt na kulay puti

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Pumila na agad ako sa counter at may dalawang babae ang nasa harapan ko. Habang nag-uusap sila ay lumingon ang isang babae at bigla akong nagulat

“Diba siya yung babae sa picture doon sa kwarto ni tristan yung ex niya?” mahinang tanong ko sa sarili ko

Sila na ang ina-asikaso ng counter at sinisilip ko pa rin siya kasi kamukha niya talaga. Di ko alam pero bigla akong kinabahan, anong meron?

“Baka kamukha niya lang, tama oo nga kamukha niya lang” sabi ko sa sarili ko.

“Ma'am next po” nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ng babae na nasa cashier, wala na yung dalawang babae sa harapan ko at di ko na sika pinagtuunan pa ng oras.

Nang mabayaran ko na ang mga pinamili ko ay nilisan ko na ang department store at dumiretso sa salon kung nasaan si steph. Pagkarating ko doon ay hindi pa sila tapos.

“sis eto suotin mo ha” sabi ko sabay lapag ng paper bag sa harapan niya

“Sige sis thankyou ha!” pasasalamat nito sa akin

“Walang anuman sis!” sabi ko at umupo na.

Makalipas ang isang oras ay pumasok na si steph sa loob ng cr para suotin ang damit niya, hindi ko pa nakikita siya ng buo dahil nakatulog ako ng slight.

Nang lumabas si steph mula sa banyo ay napanganga ako kasi sobrang ganda niya para siyang model! Wala na yung salamin niya dahil pinasuot siya ni mamshie yung may ari ng salon na ito ng Contact lense.

“Sis ok lang ba?” tanong ni steph sa akin

“Sis okay na okay! Ang ganda mo!!” masiglang sabi ko

“Talaga ba sis?” nahihiyang tanong nito ulit

“Oo sis ngayon hindi ka na dapat mahiya masanay ka na sa bagong steph” sabi ko sa kaniya

“Thankyoouu talaga sis at naisip mo to!” pasasalamat nito sa akin

“Ano ka ba di ka sa akin magpasalamat kundi kila mamshie na nag ayos sayo” sagot ko

“Thankyou po ng marami!” sabi niya dito
“ You're welcome ineng ang ganda mo na di kita nakilala” natatawang sabi ni mamshie.

Nagpasalamat na kami at lumabas na doon sa salon

“Sis kain muna tayo treat na kita!” sabi ni steph sa akin

“Sige ba, di ko tatanggihan yan!” ani ko at tinahak na namin ang daan papunta sa isang fast food chain dito sa mall.

Habang naglalakad kami ay napapansin ko na pinagtitinginan na si steph hindi tulad ng dati na walang pumapansin sa kaniya kasi para siyang manang.

“Taray sis sikat ka na!” asar ko dito

“Hahaha sikat agad?” natatawang tanong nito sa akin

“Oo siyempre, pag pipipilahan ka na ng mga lalaki sa school natin bukas handa ka na ba?” pabiro kong tanong sa kaniya

“Sira ka talaga sis hahahaha” sagot nito sa akin at nagtawanan lang kami.

Nang makapasok kami sa loob ng fastfood chain ay pinahanap ko na si steph ng upuan at ako na ang umorder. Naka order naman agad ako kaya kumain na kami ni steph.

Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na kaming kumain kaya lumabas na kami at uuwi na.

“Sis hatid na kita” alok ni steph sa akin

“Wag na sis mag co-commute na lang ako” sagot ko dito

“No! Ako na ang mag hahatid sayo tutal anjan na ang driver ko atsaka pasasalamat ko na din sayo yun” sabi niya sa akin

“Okay sige sabi mo eh” ani ko at dumiretso kami sa parking lot kung saan andoon na ang sundo niya at umuwi na.

----------------

Someone's Pov

“Hello sis!” sabi ko sa kausap ko sa cellphone

“Oh hello nakauwi ka na ba sa Pilipinas?” tanong ng kausap ko

“Oo sis, i miss to be here at papasok na rin ako bukas makalipas ang ilang buwang bakasyon”sagot ko

“Hay nako sis bakit ba kasi bumalik ka pa jan pwede ka naman dito mag-aral sa America maganda ang turo at higit sa lahat makakasama pa kita” madramang sabi ng kausap ko

“Ay naku sis diba pinag-usapan na natin yan” ani ko

“Para nanaman sa lalaking yun? Eh diba ikaw pa nga nakipaghiwalay doon!” sabi nito sa akin

“Ah basta sis Mahal ko pa siya kaya bumalik ako para ayusin ang relasyon namin” wika ko

“Sige sis basta mag-ingat ka ha! Byee!” paalam nito sa akin

“Bye sis!” sagot ko atsaka binaba ang cellphone ko

“Nandito na ako! Bumalik ako para sayo! Kailangan maging akin ka ulit! Mahal na mahal kita Tristan ko!” determinadong sabi ko sa sarili ko

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

SINO KAYA SIYA?

ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA!

PLEASE VOTE AND COMMENT!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now