KABANATA 12 ☆

8.2K 350 13
                                    

Tristan's Pov

“Tristan Iho! Gumising ka na alas-diyes na may pasok ka pa diba?” rinig kong sigaw ni manang sa labas ng kwarto ko

“urhmm opo manang babangon na po” humihikab kong sagot

“bilisan mo at nakahain na ako ng pagkain mo” sabi ni nanny.

As usual late na naman ako nagising kaya ang lagi ko na lang naabutan sa mga subjects ko ay P.E pero hindi ko naman inaaraw-araw. Kahit di ko mapasukan ang mga iba kong subjects ay ipapasa pa rin nila ako dahil isa ang pamilya namin sa may pinaka malaking shares sa school.

Bumangon na ako at dumiretso sa cr namin. Pumunta ako sa shower at binuksan ito. Naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis na ng school uniform. Businesses Management ang course ko pati sina Marco at ethan dahil kapag nakapagtapos kami ay kami ang magmamana sa mga kompanya ng pamilya namin.

Nang matapos na ako magbihis ay bumaba na ako para kumain ng breakfast na hinanda ni nanny.
Simula pagkabata ay si nanny na ang yaya namin sa bahay kaya close na close na kami.

“GoodMorning Nanny!” bati ko kay nanny ng makababa ako

“Magandang umaga din iho sige kumain ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo” paalala sa akin ni nanny

Ang laki ng bahay namin pero ako lang ang nandito dahil ang ate ko ay 20 yrs. Old na kasama niya sina mommy at daddy na nililibot ang mundo dahil sa aming business.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay nanny at lumabas papunta sa kinaroroonan ng kotse ko. Sports Car ang kotse ko at ito ang birthday gift sa akin ng daddy ko nung tumuntong ako ng 18. Sobrang ganda nito at mabilis pa, kulay pula ang pinili kong kotse dahil paborito ko itong kulay.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar ito. Mabilis lang ako nakarating sa school. Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong 11:50 na, may 10 minutes pa bago ang P.E subject namin.

Pinark ko yung kotse ko sa parking lot ng school at naglakad na ako paakyat sa room namin. Habang naglalakad ay sa akin nanaman ang atensyon ng mga kababaihan at kabaklaan dito sa school namin well Campus Hotties nga naman? (Yabang ha!)

Nang makarating ako sa loob ng room ay nakita kong nandoon na yung dalawa kong kaibigan at si art pero nakayuko ito, napangit ako ng makita ko siya di ko ba alam sa sarili ko.

“wazzup bro late ka na naman” bati ni ethan

“ano pa bang bago diba?” sabat naman ni Marco

“Manahimik kayo mga tukmol!” sabi ko sa kanila. May naisip akong kalokohan na gawin kay art, gulatin ko nga tong baklang to!

“hoooy!!” sigaw ko tainga ni art

“Ay Mama mo!” gulat siyang napabangon at tiningnan ako ng masama

“Ikaw nanaman? Wala ka bang magawa!!” inis na sigaw nito sa akin

“HAHAHA ginising kita kasi anjan na si ma'am, tutulog tulog kasi” nakangisi kong sabi sa kaniya saka umupo

Nakita kong tumingin siya sa pinto at saktong papasok na si ma'am kaya siya naman ay biglang tumahimik sa kahihiyan, HAHAHAHA ang cute niya tingnan.

“GoodMorning class!” bati ni ma'am sa amin

“GoodMorning Ma'am!”bati namin pabalik sa kaniya

“Okay so today igu-grupo ko kayo sa dalawa dahil may gagawin kayong reporting sa akin!” panimula niya

“Siyempre may reporting kayo! Ano sarap buhay lang?” natawa kami sa sinabi ni ma'am.

“Okay so eto na ang magkagrupo simulan natin sa boys, ay by the way babae sa babae at lalaki sa lalaki ang magkagrupo para iwas buntisan” pabirong sabi sa amin ni ma'am na mas ikinatawa namin

“Sa boys ay unang magkagrupo ay sina Mr. Revilla at Mr. Garcia” nagulat ako ng banggitin ni ma'am ang pangalan ko pero agad din akong natuwa ng malaman kong kagrupo ko si Art

Sinabi ni ma'am ang irereport namin at dahil kami ang naunang tinawag next monday na agad kami magrereport! Tiningnan ko si Art at mukhang hindi siya natutuwa na ako ang kagrupo niya hahahaha

“Mukhang magiging maganda ang reporting natin ha!” sabi ko sa kaniya habang nakangisi

Art's Pov

Sa boys ay unang magkagrupo ay sina Mr. Revilla at Mr. Garcia” Haaa?? Kagrupo ko ang lalaking too?? Hindi pwedee!! Sabi ko sa isip ko

Sinabi ni ma'am ang irereport namin at dahil kami ang naunang tinawag next monday na agad kami magrereport! Nakita kong tiningnan ako ni Tristan na para bang tuwang-tuwa. Kalokaa naman too

“Mukhang magiging maganda ang reporting natin ha!” sabi niya sa akin habang nakangisi, huminga ako ng malalim at kinausap siya tungkol sa reporting namin.

“So anong balak mo kailan tayo gagawa?” tanong ko sa kaniya

“Sabado 1pm sa bahay namin, don't worry may laptop at wifi kami so wala kang poproblemahin” mahangin na sabi nito sa akin

“ok sige ikaw bahala” sabi ko sabay lingon kay ma'am. Wait paano ko malalaman bahay niya? Kunin ko na lang kaya number niya? Sige kukunin ko para itetext ko na lang siya.

“Ay wait ano nga pala number mo?” sabi ko at nakita ko naman siyang ngumisi

“Iba ka rin talaga eh no! Gusto mo pa ata akong maging text mate mo!” nakangising sabi niya

“Assumera ka naman masiyado! Itetext kasi kita kapag papunta na ako at itext mo na rin sa akin yung address niyo baka maligaw pa ako.” pagdepensa ko sa kaniya

“Woah! I know! Depensive ha!” sabi niya at inabot ko sa kaniya yung cp ko. tinype niya dun yung number niya, binalik niya agad yung cellphone ko at nagulat ako sa nakalagay na pangalan niya.

“CRUSH!? Bakit ito nilagay mong pangalan mo?” taka kong tanong sa kaniya

“Alam ko naman na crush mo ako eh di mo lang inaamin kaya ako na nag-adjust” confident na sabi niya

“Wow Assumera ha!” sabi ko

“Bakit hindi ba?” sabi niya sabay lapit ng mukha sa akin. Kaloka beea eto na naman siya sa mga ginagawa niya sa akin. Ang bango ng hininga niya mga sister ang sarap charot hahaha

Agad kong iniwas yong mukha ko aa kaniya dahil namumula na ako

“Hi-hindi no!” utal kong sabi pero narinig kong tinawanan niya lang ako

Kainis tong lalaking to! Masyado ba akong Obvious?? Tanong ko sa sarili ko

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

MAY GUSTO NA KAYA SI ART KAY TRISTAN? ABANGAN NATIN SA MGA SUSUNOD NA KABANATA!

VOTE AND COMMENT NA MGA SIS!

~ALWIINAA








THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now