KABANATA 10 ☆

8.2K 363 3
                                    

Art's Pov

Nandito na kami ni Tristan sa tapat ng pinto ng storage room dito sa 4th floor. Nakakatakot nga eh kasi wala masiyadong nagroroom dito sa part na to ng school.

“Ano pang hinihintay mo? Pumasok ka na!” iritang sabi ni tristan sa akin, ewan ko ba sa lalaking to parang walang kasiyahan sa mundo niya.

“Ikaw muna mauna natatakot ako eh” sabi ko dito

“tss!” yan lang sagot niya sa akin at pumasok na siya sa loob kaya pumasok na din ako

“ bakla wag mo isasara yung pinto kasi sira yan baka ma-lock tayo dito” sabi ni tristan pagkapasok namin sa loob

“Oo Panget!” sabi ko, nakita kong tiningnan niya ako ng masama kaya bigla akong kinabahan

“anong sabi mo? Panget?” seryosong sabi niya habang unti-unting papalapit sa akin

“ah-eh hindi ka naman ma-biro” utal na sabi ko habang paatras na naglalakad, omaygad mga bes wala akong kawala dito pader na yung nasa likod ko

“Humanda ka sa akin” sabi niya habang papalapit sa akin. Hindi ko namalayan na may madulas pa lang bagay sa sahig kaya naapakan ko ito at matutumba ako!!

"Ahhh!” sabi ko pero nagulat ako ng bigla akong sinalo ni tristan. Nagkalapit ang mga mukha namin habang naka-alalay siya sa katawan ko.

May dumaloy na naman na parang kuryente sa katawan ko ng maramdaman ko katawan niya sa katawan ko. Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa, Nakatitig lang kami sa isa't-isa habang unti unting naglalapit ang aming mga mukha.

Ang gwapo niyaa!! Hindi ko kaya at ang bango pa ng hininga niya. Eto na malapit na magkalapit ang aming mga labi?? Maghahalikan ba kami?

“boogsshh!” nabalik kami sa ulirat ng marinig namin ang malakas na pagsara ng pinto, nasipa ko pala ito!!

"Hindiii!” inangat ako ni tristan at sinubukan niyang buksan ang pinto

“Omaygad na-lock tayoo?!” tarantang tanong ko at sinubukan ding buksan ang pinto

“tulooong!! Tulooong! May tao po ba jan?!” sigaw ko habang hinahampas yung pinto

“Walang makakarinig sayo jan bakla kita mong wala masyadong nagroroom dito!” sabat ni tristan

“Hindi pwede ayoko makasama ditoo itong mayabang natooo! Tuloong!!” patuloy kong sigaw

“Ayoko rin naman na makasama ang isang baklang tulad mo baka gahasain mo pa ako!” sabi ni tristan

“Ang kapal din naman ng mukha mo eh no!” sabi ko sabay lapit sa kaniya

“Kung hindi kasi dahil sa kalandian mo di mag sasara yung pinto!” iritang sabi nito sa akin

“Kung hindi mo kasi ako inano diba?” sabi ko

“Inano ba kita?” nakangising sabi nito sa akin na parang inaasar pa ako

“Arrghhh basta!” sigaw ko na lang dahil sa inis sa lalaking to!

Paano kaya kami makakalabas dito?? Tinry kong gamitin yung cellphone ko pero walang signal dito kaya hindi ko matawagan o ma-text sila steph at luke.

Eto ako ngayon patuloy na sumisigaw at humihingi ng tulong at baka may makarinig sa akin dito.

“nag sasayang ka lang ng laway jan bakla! Wala ngang makakarinig sayo jan! Sabi ni tristan sa akin. Nakaupo lang siya sa isang upuan na nandito sa loob, puno itong kwarto ng mga kagamitang ginagamit ng mga teacher sa P.E

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now