KABANATA 7 ☆

8.3K 383 4
                                    

Art's Pov

“Sis nabalitaan ko yung nangyari sayo kahapon, pasensya na kasi di kita natulungan” sabi ni steph sa akin pagkapasok ko ng room

“Hindi mo naman kasalanan yun at isa pa andun naman si luke para tulungan ako” sagot ko dito

“Ay basta sa susunod na gawin nila ulit sayo yun isumbong na natin sa guidance para maparusahan sila” sabi nito

Nginitian ko lang siya at naupo na kami sa upuan namin dahil nandito na yung adviser namin na si Sir Catigbac.

“Okay goodmorning class mayroon akong importanteng sasabihin sa inyo” panimula ni sir at kami naman ay nakikinig lang sa kaniya

“Sa school na ito ay mayroon tayong subject na P.E at sa subject na ito ay hindi kayo kayo ang magkaklase” nabigla kami sa sinabi ni sir

“ha sir? Paano po yun?” tanong ng isa naming kaklase

“ihahalo kayo sa ibang course katulad ng business management,HRM at iba pa kaya ngayon ay lumabas na kayo at hanapin niyo ang pangalan niyo at papasok kayo doon kapag oras na ng P.E niyo!” sabi ni sir at lumabas

“OMG sis sana magkaklase tayo” sabi ni steph

“Gusto ko din kayong maging kaklase” biglang sabat ni luke

“oh ano pang hinihintay natin? Tara na hanapin na natin ang mga pangalan natin” sabi ko at sabay sabay kaming lumabas papunta sa isang malaking whiteboard sa labas kung saan nakalagay ang listahan ng mga pangalan.

“ang daming tao dito kaloka” sabi ko

“Oo nga sis pero ok lang yan simulan na natin maghanap” wika ni steph at sinimulan na namin ang paghahanap

Maya maya pa ay nahanap ko na ang pangalan ko

“sis nahanap ko na yung sa akin ROOM 404 BUILDING C, yung sa inyo?” tanong ko kina luke at steph

“hala sis di tayo magkaklase anu bayan” malungkot na sabi ni Steph

“ano bang room niyo?” tanong ko

“ROOM 301 BUILDING B kami ni steph” sagot ni luke

“Oh magkaklase naman pala kayo ni luke eh” ani ko

“paano ka?” tanong ni steph

“ok lang ako goo na puntahan na natin yung mga classroom natin at isa pa sa P.E lang naman to magkaklase pa rin tayo” wika ko

“sige sis bye!” aniya at umalis na

Umalis na rin ako at pumunta sa room kung saan ako naka assign, wala pa masiyadong tao ng ako ay pumasok mga nasa 10 pa lang kami siguro yung iba ay naghahanap pa ng kanilang pangalan.

Naupo ako sa isang bakanteng upuan bandang dulo dahil ayoko naman na sobrang lapit ko sa teacher baka antukin pa ako charot. Maya maya pa ay dumadami na kami sa loob at ilang minuto pa ang nakalipas ay may dumating na tatlong lalaki na ayaw kong makita ang CAMPUS HOTTIES

Nagsitilian yung mga babae kong classmate ng makita nila yung tatlong tukmol pero ako todo iwas para di nila ako makita pero walang epekto at nakita pa rin nila ako at ang masama pa ay tumabi sila sa akin!!

“Oh andito pala si Ms.Beautiful” nakangising sabi ni Marco

“Oo nga mukhang magiging maganda yung Klaseng ito!” sagot naman ni Tristan

Napapalibutan nila ako pang apatan na lang kasi yung Row ko kaya sakto silang tatlo bale ang pwesto namin ganito. Ethan*Marco*Ako*Tristan, nakakainis lang kasi paniguradong bwi-bwisitin lang ako ng mga to!

“Oh kayo pala yan Campus Hotties!” sarcastic na sabi ko sa kanilang tatlo

“May problema ba sa pagiging Campus Hotties namin?” tanong ni ethan

“Ay wala naman nagtataka lang ako kung bakit kayo tinitilian ng mga babae eh ang sasama naman ng mga ugali niyo!” mataray na sabi ko sa kanila

“Di pa ba halata? Tong itsura namin siguradong pagkakaguluhan na mga babae at ng mga tulad mong bakla!” mayabang na sagot ni Tristan

“feeling mo naman gwapo ka?” sabi ko

"Bakit hindi ba?” sabi ni tristan sabay lapit ng mukha sa akin. Omaygaad bes! Ang gwapo niya nga yung mga mata at labi niya nakakaadik. Ay ano ba tong iniisip ko

"Hi-hinde no!”sabi ko sabay iwas ng tingin sa kaniya, nagulat ako ng hinawakan niya yung kamay ko at bigla niyang pinatong sa Ari niya!! Oo sa Alaga niya talagaaa!

“tulungan mo naman akong patulugin si tristan jr.” kagat labing sabi niya.

"BASTOS!” sabi ko sabay alis ng kamay ko doon, kaloka siya bes bakit parang ang laki nun? Narinig ko naman silang nagtawanan pero di ko na sila pinansin dahil dumating na yung teacher namin. 

Haaays! Mukhang magiging di maganda tong subject na to ah!

Lumipas ang isang oras ay natapos na ang klase namin kaya ina-ayos ko na ang mga gamit ko para pagkatapos ay lalabas na ako. Habang nag aayos ako ng bag ay kung anong gumagapang sa leeg ko kaya kinuha ko ito at napasigaw ako sa nakita ko!

“waaah! Ipisss! Tulong may ipisss!” sigaw ko at narinig ko yung tatlo na tumatawa sa gilid kaya napahinto ako sa pagsigaw, nakita ko yung iba king classmate na nakatingin sa akin habang tumatawa

“HAHAHAHA! Pekeng ipis lang takot ka na?” natatawang sabi ni tristan

“leche kayong tatlo! Kung wala kayong magawa sa buhay wag niyo akong pagtripan!” sigaw ko at dali dali akong umalis doon

Naku! Naku! Nakakainis talaga yung tatlong yun, mga gwapo nga ang papangit naman ng mga ugali!

Tinext ako ni Steph at sinabing nandoon daw sila ni luke sa cafeteria kaya pumunta na ako doon para kumain! Nang makarating ako ay nahanap ko sila agad kaya umupo na ako

“Oh anong nangyari sayo sis? Bakit parang inis na inis ka?" Tanong ni steph

“Sino ba naman ang di maiinis sis? Kaklase ko yung tatlong tukmol na yun!” iritang sabi ko

“May ginawa ba sila sayong masama? Kung meron sabihin mo lang at lalapitan ko sila!” sabi ni luke

“hindi wala naman naiinis lang talaga ako sa presensya nilang tatlo” sabi ko

“hay naku sis ikain mo na lang yan para mawala yung inis mo at isa pa isang oras mo lang naman sila makakasama sa isang araw kaya pagtiisan mo na” wika ni steph

“Mabuti pa nga sis” sabi ko at kumain na lang ako

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

BET NIYO BA ANG KABANATANG ITO?

VOTE NA AT COMMENT!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now