KABANATA 19 ☆

5.9K 271 2
                                    

Art's Pov

“Ano?! Kayo na ni---?” biglang sigaw ni steph

Agad kong tinakpan ang bibig ni steph gamit ang kamay ko at baka marinig siya ng mga tao dito sa cafeteria.

“Shh! Sis wag ka maingay baka marinig ka ng mga tao” sita ko dito sabay alis ng kamay ko sa bibig niya

“Sorry sis! Nagulat lang ako sa balita” paliwanag nito. Biglang tumayo si luke at parang aalis ito

“Luke san ka pupunta?” tanong ni steph

“Ah-eh may gagawin pa pala ako sige una na ako” sabi niya sabay dali daling umalis, mah kung anong mali sa kaniya ngayon hindi naman siya ganiyan eh.

“Saan yun pupunta?” tanong ko kay steph

“Abay ewan ko hayaan mo na yun” sabi niya at nagkwentuhan kaming lahat kung paano naging kami ni tristan.

Siyempre nagulat sila kasi straight si tristan at lagi niya akong iniinis kaya di nila nahalata na may gusto pala kami sa isa't-isa.

“Sis suppport kita jan basta masaya ka!” wika ni steph

“Thankyou sis!” sabi ko sabay yakap sa kaniya

“ikaw tristan huwag mo papaiyakin tong kaibigan ko ha!” banta ni steph kay tristan

“oo naman makaka-asa ka at isa pa mahal na mahal ko yan si art kaya di ko magagawang paiyakin yan” biglang namula ang pisngi ko dahil sa sinabi ni tristan

“Yieee may nanalo na talaga” asar sa akin ni steph.

Nagtawanan kaming lahat habang nagkwekwentuhan pero di ko alam kung anong nangyari doon kay luke, sa susunod ko na lang siya kakausapin.

Nang mag-uwian na ay dumiretso kami sa sasakyan ni tristan dahil ihahatid niya ako pauwi, kailangan kk ng masanay na hatid sundo na ako ni tristan araw-araw.

“Luv nood muna tayo movie” yaya sa akin ni tristan pagkapasok namin sa loob ng kotse

“Sige luv ikaw bahala ok lang sa akin basta kasama kita” wika ko. Nakita ko naman siyang umiwas ng tingin mukhang kinikilig ang luv ko ah.

“Ayiie kinikilig si luv” sabi ko sabay sundot sa tagiliran niya

“Kinilig ako kasi mahal na mahal kiga” sabi niya sa akin at ako naman ang kinilig sa sinabi niya

“Hahaha ayun kinilig ka din” sabi nito sa akin

“Baliw tara na nga hahaha” sabi ko at pinaandar niya na ang kotse.

Nakarating kami agad sa isang mall malapit sa school namin at pinark niya agad ito. Lumabas kami ng kotse niya at nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko, eto nanaman siya.

“Huwag ka ng umangal luv dahil di ako papayag” seryosong sabi niya sa akin. Di na ako nagpilit pa at baka magalit pa siya sa akin.

Siyempre habang tinatahak namin ang daan papunta sa bilihan ng ticket ay pinagtitinginan kami ng mga tao. May mga tingin na natutuwa,kinikilig naiingit at nandidiri pero wala akong pakialam sa kanila basta masaya kaming dalawa ni tristan sa ginagawa namin at wala kaming tinatapakan na tao.

Nang makarating kami sa sinehan ay bumili agad si tristan ng ticket at popcorn na makakain namin. Ang napili naming panoorin ay isang Boyslove movie dahil gusto namin parehas matuto kung paano magwowork ang relationship namin.

Habang nanunuod kami ay narealized ko na hindi pala madali ang ganitong relasyon may mga taong hahadlang sa inyo pero ang dapat lang namin gawin ay maging matatag kung gusymto namin magtagal.

Malaki ang tiwala namin sa isa't-isa ni tristan kaya naniniwala ako na magtatagal kami.

“Luvang ganda ng movie no” sabi ko kay tristan pagkalabas namin sa sinehan

“Oo luv sana ganun din tayo no” sabi niya sa akin

“Basta mahal natin ang isa't-isa kaya natin to” sabi ko sa kaniya

“I love you” sabi niya sa akin sabay halik sa labi ko wala siyang paki sa mga nakakakita sa amin pero ako naman tong nahihiya.

“I-Love you too” nahihiyang sagot ko rito.

“Tara kain muna tayo luv” wika nito

“tara sige luv” sabi ko sa kaniya. Pumunta kami sa isang mamahaling restaurant sabi ko nga sa kaniya kahit sa isang fast food chain na kang kami pero sabi niya ok lang siya naman magbabayad at eto daw ang una naming date kaya dapat maganda.

Kumain na kami doon sa restaurant at ang sasarap ng pagkain nila halatang mga mamahalin. Nang matapos kami kumain ay naglakad na kami papunta sa parking lot pero habang naglalakad kami ay may lumapit sa amin na isang lalaki.

“Hi miss pwede po bang magtanong” sabi nito habang nakatingin sa akin

“ah-oo ano po yun?” sabi ko

“Saan po ba dito yung bookstore?” tanong nito sa akin habang nakangiti

“Ah doon po diretsuhin niyo lang yun tas kaliwa kayo makikita niyo na” pagtuturo ko sa direksyon

“Thankyou miss ganda ano pong pangalan niyo?” tanong nito pero di na ako nakasagot dahil bigla akong hinila ni tristan.

“Aray sandali nasasaktan ako” daing ko dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. Pumasok kami sa loob ng kotse niya at padabog niyang sinara ang pinto.

“Ano bang nangyayari sayo tristan!?” inis na tanong ko dito

“Di mo ba nahahalata? Nilalandi ka nung lalaking yun!” sagot nito sa akin

“Ha? Nagtatanong lang siya!” sabi ko

“nagtatanong pero grabe makangiti at makatingin sayo!” sigaw nito sa akin. Bigla naman ako natahimik dahil sa pagsigaw nito sa akin parang dinurog ang puso ko sa sinabi niya.

Bigla naman siyang nahimasmasan sa sinabi niya nang makita niyang paluha na ako.

“Sorry luv sorry” sabi niya pero di ko siya pinansin

“Luv sorry, ayaw lang naman kita mawala sa akin” sabi niya sa akin habang hawak ang kamay ko

“Wa-la ka bang tiwala sa akin?” tanong ko dito sabay punas sa tumulong luha ko

“Luv meron shh wag ka na umiyak nasasaktan ang puso ko patawarin mo na ako!” malungkot na sabi niya sa akin

“Sige basta wag mo na uulitin yun pagkatiwalaan mo ako ikaw lang naman mahal ko” sabi ko

“Opo luv sorry mahal na mahal lang kita” sabi niya sabay yakap sa akin.

“Mahal na mahal din kita” sabi ko. Hindi ko magawang magalit dito sa lalaking to kasi mahal na mahal ko siya nagtampo lang ako kanina kasi parang wala siyang tiwala sa akin.

Seloso pala to si tristan kaya dapat di ako basta basta gagawa ng ikakaselos niya.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGBABASA AT NAGCOCOMMENT!

PLEASE VOTE AND COMMENT!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin