KABANATA 26 ☆

4.8K 221 3
                                    

Art's Pov

Biyernes na ngayon at ngayong araw na rin ang laban nila tristan ng basketball, nauna siyang pumasok dahil kailangan pa nilang mag-ensayo.

Walang gagawin ngayon dahil inaasahan na ang lahat ng mga estudyante ay kailangang manood ng laro dahil ito ay kabilang sa foundation day.

Bukas na ang pinaka highlight ng week na ito at bukas na rin ang pagtatapos so kailangan namin na manood bilang pagsusuporta.

Sobrang saya ko dahil bati na kami ni tristan, sobrang mahal namin ang isa't isa kaya hindi kami papayag na masira ang relasyon namin sa mga simpleng awayan lamang.

Papunta na ako sa classroom namin ng harangin ako ng babaeng ambisosyang si Amber.

"So ikaw pala ang bagong kinahuhumalingan ni tristan" mataray na sabi nito sa akin

"Oo ako nga at anong paki mo?" malditang sagot ko

"Sabihin mo nga sa akin kung anong gayuma ang pinainom mo kay tristan at bakit ka niya nagustuhan" nakataray na sabi nito sa akin

"Excuse me! Wala akong pinainom na gayuma kay tristan sadyang mahal lang niya ako at mahal ko siya, at ikaw naman ex ka na niya kaya wala ka ng karapatan sa kaniya!" sagot ko rito

“Huh! Tingnan lang natin kung magtagal pa kayo, kung ako sayo bakla sulitin mo na ang mga natitirang araw na magkasama kayo dahil sigurado ako na mababawi ko siya mula sayo!” malditang sabi nito sa akin sabay alis.

Bigla naman akong kinabahan sa mga sinabi niya, may halong pagbabanta ang mga salita ng lumabas sa kaniya kanina pero hindi dapat ako maniwala sa kaniya dahil mas naniniwala ako sa tatag ng relasyon naming dalawa ni tristan.

Umakyat na ako sa classroom at dahil walang gagawin konti lang ang nasa loob at yung iba iniikot itong school namin. Mamaya pang 10:00 am ang laban nila at 8:00 pa lang ng umaga ngayon kaya lilibangin muna namin ang mga sarili namin.

“Hi luke, Hi steph!” bati ko sa dalawa pagkapasok ko

“Hi sis! Kabagot ngayon walang ginagawa” reklamo nito

“wag ka na magreklamo ngayon na nga lang tayo walang ginawa eh” sabat ni luke

“Oo nga tama si luke sis kaya maglibang muna tayo tutal mamaya pa naman ang laban nila tristan!” sabi ko

“Ay alam ko na sis, gumawa na lang tayo ng banner para sa kanila!” sabi ni steph

“Magandang idea yan sis! Tara na bumili na tayo ng mga kakailanganing gamit sa baba!” wika ko at bumaba na kami.

---------------------

Eto na ang pinakahihintay naming lahat! Limang minuto na lang at magsisimula na ang laban nila, nakapuwesto na kami dito sa loob at nasa babang parte kami kaya kitang kita namin sila.

Ilang saglit pa ay tinawag na ang maglalabang course at huling tinawag ang business management. Unang tinawag si ethan at sobrang daming tao ang tumili at pumalakpak sa kaniya pagkatapos niya ay si Marco na sobrang dami rin niyang fans mapababae at mapabakla.

Huling tinawag si tristan at parang dumagundong ang buong gym sa sobrang daming tao ang tumili at pumalakpak sa kaniya siyempre kasama na ako doon!

“Goooo Luuuv!” malakas na sigaw ko. Siyempre di ako papatalo sa mga tao dito, tumingin siya sa akin at kininditan ako kinilig naman ako sa ginawa niya.

“Ayiee sis! Ang haroot mo!” asar ni steph

“leche hahahaha” natatawa kong sabi.

Kumalma na ang mga tao at nagsimula na ang laro. Natatawa ako kapag tinitingnan ko si luke kasi siya ang may hawak ng banner ni marco di ko nga alam kung bakit ayaw na ayaw niya hawakan eh pero napilit namin siya, ang hawak naman ni steph ay yung kay ethan at todo cheer naman si gaga.

Siyempre ang hawak ko ay yung kay tristan at di ako papatalo sa lahat ng mga babaeng nagchecheer sa kaniya.

Todo sigaw ako kapag makakashoot si tristan at lagi naman siyang tumitingin sa akin kaya todo kilig at sarap sa puso ang nararamdaman ko.

Dumating na ang fourth quarter at sobrang init at dikit lang ng laban. Sa first quarter at second quarter ay lamang ang team nila tristan pero nung nag 3rd quarter na ay lumamang ang kabilang team hanggang ngayong fourth quarter.

86-84 ang scoreat lamang ang kabilang team, last two minutes na lang kaya lahat ng tao dito ay tahimik na nanonood kung ano ang magihing katapusan ng laro.

Maya maya pa ay nakashoot si marco kaya nagtie ng all 86 at 1 minute and 30 seconds na lang ang natitirang oras .

Pagkarating ng Isang minuto ay nakashoot ulit ang kabilang team kaya todo ang kaba na nararamdaman ko dahil lamang na sila.

88-86 ang score at segundo na lang ang natitirang oras.

Nakuha ni ethan ang bola at tumakbo siya papunta sa ring nila, pinasa niya ang bola kay marco at 20 seconds na lang ang natitira.

Sobrang tutok ang mga tao at parang nagiging slow-mo ang lahat para sa akin.

Umandar ang oras at pinasa ni marco ang bola kay tristan dinribble niya ito at tumira sa tres. Tumingin siya sa akin saka niya binitawan ang bola, lahat kami ay nakatingin lang sa bola kung mashoshoot ito.

Malakas na hiyawan ang narinig namin ng mashoot ito at nanalo sila dahil 3 points yung tira ni tristan. Natapos ang laro sa score na 89-88 at panalo ang Business Management Team!

Sobrang saya ko dahil panalo sila tristan hindi nasayang ang pagcheer namin sa kanila.

Nagsilabasan na ang mga tao at kami naman nila steph at luke ay dumiretso sa baba para icongrats sila.

“Congrats Ethan!” masiglang sabi ni steph kay ethan, ang landi ng babaeng to hahaha.

“Congrats Luv!” sabi ko sabay yakap sa kaniya kahit pawis na pawis pa siya ay mabango siya.

“Kiss ko luv?” taning bigla ni tristan sabay pout ng lips, hays ang cute ng luv ko.

“I love you and congrats!” sabi ko sabay kiss sa kaniya

“I love you too!” sabi niya sa akin.

“Hindi mo ba ako icocongrats luke?” nakangising tanong ni marco, nakita ko naman na parang namula ito

“Co-Congrats Marco” utal na sabi ni luke kay marco, hmm anong nangyayari sa dalawang ito?

“That's My boy!” birong sabi ni luke na ikinatawa naming lahat.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS GUYS, TNX!

PLEASE VOTE AND COMMENT!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now