KABANATA 5 ☆

9.2K 401 10
                                    

Art's Pov

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na lumapat sa aking mukha, agad kong tiningnan ang oras sa aking cellphone so 6 am na kaya bumangon na ako dahil 7:30 am ang simula ng klase ko.

Dumiretso ako sa banyo para maligo... Pagkatapos kong maligo ay nagpunas muna ako ng katawan bago magbihis, nagpaganda na din ako at tuyo na rin ang buhok kong hanggang leeg so bumaba na ako para kumain ng almusal.

“Goodmorning anak” masayang bati sa akin ni nanay

“magandang umaga din nay” sabi ko sabay halik sa pisngi niya

“oh siya kumain ka na jan baka mahuli ka pa sa klase mo” sabi niya kaya umupo na ako at nagsimulang kumain

“Kumain ka ba kagabi nak? Gigisingin sana kita kaso nakita kong tulog na tulog ka kaya di na kita ginising” aniya habang kami ay kumakain

“opo nay kumain kami sa labas ng mga kaibigan ko” sagot ko

“Sino yang mga kaibigan mo? Baka may boyfriend ka na ha!” pabirong sabi ni nanay

“naku nay wala po, hayaan mo sa susunod papakilala ko po sa inyo mga kaibigan ko” sabi ko

“oh sige sige”

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako kay nanay at umalis na ako sa bahay. Sumakay ako ng jeep papuntang Star University at naging mabilis naman ang biyahe kaya nakarating ako agad

Nakita ko si Luke sa gate at parang may hinihintay siya kasi di pa siya pumapasok

“Hoy Luke sinong babae nanaman yang hinihintay mo” ani ko

“uy Art ikaw pala kanina pa kita hinihintay tara na” sagot naman niya

“ako ba hinihintay mo, bakit? takang tanong ko

“wala lang gusto lang kita makasabay pagpasok” sabi niya, bigla naman akong namula kaya bigla akong umiwas ng tingin sa kaniya

“huy Art! May sakit ka ba bakit ka namumula?” tanong niya

“ah-eh wala ang init lang tara na pasok na tayo sa loob baka malate pa tayo” sabi ko at dali daling pumasok sa loob

Habang naglalakad kami sa corridor ng building namin ay may lumapit sa akin na isang babae

“Hi ikaw diba si Art jhon Garcia?” tanong ng babae na hindi ko kilala

“Oo bakit po?” waw ang galang ko naman haha

“Ta-Tawag ka ng adviser niyo si Mr. Ca-tigbac nandon siya sa cr sa 4th floor” utal na sabi nitong babae

“Ha Cr sa 4th floor, wala ng nagamit nung cr na yun ah” sabat naman ni Luke

“Hayaan mo na baka importante, sige po pupuntahan ko na ngayon” ani ko sa babae at umalis na siya kaya umakyat na ako papuntang 4th floor

“Sasamahan na kita art” alok ni luke

“hindi na baka mahuli ka pa sa klase kaya ko na to” sagot ko sa kaniya

“Sigurado ka ba?"

“Oo nga sige na” sabi ko

“Okay sabi mo eh” sabi ni luke at umakyat na ako papuntang CR sa 4th floor.

Nang makarating ako sa Cr ng 4th floor ay kinatok ko ito dahil ayaw ko ng pumasok sa loob

*Tok tok tok

“Sir? Pinapatawag niyo raw po ako?” sabi ko mula sa labas ng cr pero wala pa ring sumasagot kaya napagpasiyahan kong buksan ang pinto.

Pagbukas ko ng pinto ay may bumuhos din sa aking malagkit na something mula sa itaas at amoy itlog siya

“HA HA HA HA! kita mo yun pre saktong sakto sa kaniya!” natatawang sabi ng isang lalaki, agad kong pinunasan ang aking mata para makita kung sino ang gumawa sa akin nito

Nakita ko ang tatlong Mayayabang na lalaki na tinatawag nilang Campus Hotties at si Marco pala ang nagsalita na yun

“Nagustuhan mo ba ang ganti ko sayo ha bakla!?” nakangising tanong ni Tristan sa akin

“Hindi ka nakakatuwa! Bakit mo ba ginagawa sakin to?” sabi ko habang pinipigalan kong tumulo ang aking mga luha

“Ayan ang parusa sa mga taong may lakas ng loob na galitin ang isang Campus Hotties na tulad ko” seryosong sabi nito habang nakatingin sa akin

Di ko na napigilan at sumabog na ang luha na kanina ko pa pinipigilan

“Mga Wa-la kayong Hiya! Wala akong gina-gawang masama sa in-yo pero ginaganito niyo ako!” sigaw ko sa kanila sabay takbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta basta takbo lang ako ng takbo.

Sobrang lagkit ng katawan ko dahil sa isang baldeng itlog ang bumuhos sa akin nakakainis! Habang pababa ako ay nakasalubong ko si Luke

“Oh art anong nangyari sayo bakit ka nagkaniyan? Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong nito sa akin

“Ma-maya ko na ipapaliwanag gusto ko lang umalis muna dito para makapagbihis ako” umiiyak na sabi ko dito

“Tara doon ka muna sa bahay para makapag palit ka ng damit” hindi na ako tumanggi pa dahil sobrang lagkit ko na.

Sumakay kami sa kotse niya at nilisan na namin ang school..

Tristan's Pov

“Wag kayong maingay pre nandiyan na siya” sabi ko sa dalawang tukmol king kaibigan

Nakita namin si art sa harap ng cr na kumakatok, oo ngayon ang simula ng pangbubully ko sa kaniya. Inutusan namin ang isang babae na papuntahin siya dito para sa aming plano

Nakita naming bumuhos kay art ang isang balde ng itlog sa kaniyang katawan na ikinituwa namin dahil tagumpay ang aming plano

“HA HA HA HA! kita mo yun pre saktong sakto sa kaniya!” natatawang sabi ni Marco sa akin. Nakita kong nagulat siya ng makita niya kaming tatlo sa harapan niya

“Nagustuhan mo ba ang ganti ko sayo ha bakla!?” nakangising tanong ko sa kaniya

“Hindi ka nakakatuwa! Bakit mo ba ginagawa sakin to?” sabi niya at parang iiyak na siya anytime.

“Ayan ang parusa sa mga taong may lakas ng loob na galitin ang isang Campus Hotties na tulad ko” seryosong sabi ko sa kaniya

“Mga Wa-la kayong Hiya! Wala akong gina-gawang masama sa in-yo pero ginaganito niyo ako!” sigaw nito sa amin sabay dali daking tumakbo.

Hindi ko alam kung bakit pero parang may kumirot sa puso ko ng makita ko siyang umiiyak, naawa ba ako sa kaniya? Ay hindi dapat lang sa kaniya yan, hindi dapat ako makaramdam ng awa sa kaniya.

“Successful bro!” sabi ni Ethan at nag apir kaming tatlo.

“Humanda siya simula pa lang yun ng pang-iinis ko sa buhay niya!” *Evil Laugh HA HA HA!

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Please Vote and Comment Guys!

~ALWIINAA







THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat