KABANATA 1 ☆

19.5K 651 27
                                    

Art's Pov

Tik ti laok!

Napamulat ako ng aking mga mata nang marinig ko ang tilaok ng manok. Isa ito sa mga dahilan kyng bakit maaga ako nagigising, mabuti na nga iyon dahil kahit malimutan kong magset ng alarm ay magigising pa rin ako nang maaga.

Tiningnan ko ang aking orasan, alas otso na ng umaga ngayon at kagigising ko lang, ngayon ako nakatakdang mag-enroll sa isang sikat na university dito sa amin, ang "Star University". Halos lahat ng nag-aaral dito ay puro mayayaman kaya naman kinakabahan ako kasi parang di ako nababagay sa paaralang iyon.

Pinilit lang ako ng nanay ko na diyan mag-aral dahil may scholarship na makakatulong sa akin, si nanay na lang kasi ang natitira kong magulang dahil namatay ang tatay ko noon sa isang car accident at ayaw ko siyang mahirapan sa pagpapa-aral sa akin kaya kailangan kong makakuha na scholarship para bawas gastusin.

Ayokong mahuli sa enrollment lalo na't sobrang laking tulong nito sa amin ni nanay kapag nakapasok ako rito.

Dumiretso na ako sa banyo para maligo....pagkatapos ay nagbihis na ako at bumaba para umalis

"Magandang umaga nay!" Bati ko kay mama pagkababa ko

"Magandang umaga din anak, halika kumain ka muna bago ka pumunta sa paaralan na papasukan mo" pag-anyaya sa akin ni nanay

"Naku nay mamaya na lang dahil ayoko mahuli sa pagpapa-enroll at maubusan pa ako ng slot" sagot ko

"Oh siya sige anak pagbutihin mo ha para makapasa ka sa exam"

Lumabas na ako at sumakay sa jeep dahil malapit lang naman dito ang university na papasukan ko. Nagpara ako sa driver nang nasa tapat na ako ng university bumaba ako sa jeep at halos lumaki ang mata ko sa nakikita ko.

Ang ganda at ang laki ng star university, andito ako sa harap ng gate at masasabi kong maganda talaga ito. Pumasok ako sa loob at marami akong nakitang mga estudyante na magpapa-enroll din at sa mga suot pa lang nila ay halata na talagang mayayaman sila.

Hinanap ko kung saan ako magte-take ng exam para sa scholarship, naglakad ako at nakatingin sa mga building napahinto naman ako ng may mabangga akong babae na nakasalamin nalaglag tuloy ang mga dala niyang gamit kaya naman tinulungan ko ito sa pagdampot.

Masiyado ata akong namangha sa ganda ng paaralang ito at di na ako nakatingin sa dinaraanan ko.

"Miss so-sorry nabangga kita" nakayukong sabi nito sa akin

"Ano ka ba ako nga ang dapat magsorry kasi di ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya nabangga kita" Nahiya naman ako doon dahil siya pa talaga ang unang nagsorry.

"Sorry pa rin miss" natawa ako sa pagtawag niya sa akin ng miss.

"Bakit ka tumatawa miss?" Tanong nito

"Ah kasi kanina mo pa ako tinatawag na miss eh lalaki ako di naman sa lalaki pero I'm Gay" Nakita ko naman ang pagbilog ng mga mata nito dahil sa gulat.

"Se-seryoso ka ba Miss?" Ano bang meron at tinatawag niya akong Miss?

"Oo naman tingnan mo wala akong boobs" sabi ko sabay turo sa dibdib ko

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon