KABANATA 23 ☆

4.7K 218 1
                                    

Art's Pov

Kakababa lang namin ni tristan sa kotse niya, ngayon ay tuesday na at nagsisimula nang maghanda ang lahat para sa mga sasalihan nilang event para sa foundation day.

“Luv hindi na muna kita ihahatid sa room niyo kasi kate na ako sa frist sub ko” paalam naman sa akin ng lalaking to

“Ah sige luv kita na lang tayo mamaya” wika ko at akmang aalis na ng pigilan niya ako

“lagi mo na lang nakakalimutan yung kiss ko” sabi niya sabay halik sa labi ko, naramdaman ko naman ang pamumula bg pisngi ko. Kahit araw araw pa ako halikan ni tristan ay hindi ako nagsasawa.

“Ikaw adik ka talaga sa halik” biro ko dito

“Siyempre nakakaadik ka” nakangisi niyang sabi.

“Sira! Sige na late ka na oh” sabi ko at umalis na siya.

Naglakad na ako papuntang classroom namin pero ng makarating ako sa bandang gitna ay naoansin ko na may pinagkakaguluhan ang mga tao. Hindi ko na sana papansinin kaso tinawag ako ni steph

“Sis! Nagbalik na siya!” nagtaka naman ako sa sinabi niya. Ang ganda na ni steph ngayon maraming tao ang nagulat sa kaniyang transformation.

“Ha? Sino nagbalik?” takang tanong ko

“Si Amber Dela Villa, ang sikat din dito sa school at pinakamaganda maraming ngang lalaki ang nagkakagusto sa kaniya eh” sabi niya. Nacurious naman ako sa sinabi niya.

“tara tingnan natin sis!” sabi niya sabay hila sa akin.

Nakipagsiksikan kami sa crowd ng mga tao at ng makita ko siya ay bigla akong kinabahan at nagulat.

“Siya yung ex ni Tristan!” sabi ko sa sarili ko

Sobrang daming pumapasok sa isip ko ngayon, paano kung gusto niya pa si tristan?? Ibig sabihin hindi pala guni guni yung nakita ko kahapon sa mall siya pala yun.

“Ang ganda niya no sis!” namamanghang sabi ni steph sa akin.

“Ah steph una na ako sa taas may gagawin pa kasi ako” sabi ko sabay takbo

“Pero sis!” rinig kong sigaw niya pero di ko na siya pinansin at tumakbo ako sa cr. Pumasok ako sa cubicle doon at sinara ito.

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon! Sobrang gulo ng utak ko sa mga posibleng mangyari ngayong nagbalik siya, paano kung mahal pa siya ni tristan? Hindi naman imposible mangyari yun kasi maganda siya!

“Arghhhh!” sigaw ko habang umiiyak

Hindi to pwede dapat maging matatag ako alam ko naman na mahal ako ni tristan kaya di dapat ako matakot. Matapang ka art kaya mo to!

Nagpunas ako ng luha atsaka lumabas ng banyo dumiretso na ako sa classroom namin para mag klase.

“Sis akala ko ba mauuna ka na dito saan ka nagpunta?” tanong ni steph sa akin

“Ah-eh sa cr sis nagbawas lang” pagsisinungaling ko dito

“Teka umiyak ka ba?” tanong ni steph sa akin

“Ha? Hindi napuwing lang ako” ani ko

“Puwing? Hindi ako naniniwala! Bakit ka umiyak may nang away ba sayo?” nag-aalalang tanong ni steph

“Sis Ex ni tristan si Amber” malungkot ko sabi kay steph nakita ko naman sa mukha niya ang pagkagulat

“Sis! Wag kang matakot ex niya na yun at ikaw ang present ni tristan kaya dapat hindi ka matakot at isa pa mahal na mahal ka kaya ni tristan” pagliwanag ni steph. Tama siya hindi dapat ako matakot kasi may tiwala ako kay tristan na mahal niya ako!

“Thankyou sis!” sabi ko sabay yakap

Nang dumating na ang aming guro ay nagsi-ayos na kami ng upo at nakinig na sa kaniya. Makalipas ang ilang oras ay oras na ng P.E namin kaya nagpaalam na ako kay steph at dumiretso sa P.E room namin.

Nang pumasok ako sa loob ay nakita kong seryosong nag-uusap sina tristan,marco at ethan pero nung nakita nila ako ay agad silang nagsi-ayos ng puwesto.

“Anong pinag-uusapan niyo luv?” tanong ko ng makaupo ako

“Ah-wala luv para sa bas-ketball lang sa friday” utal na sagot nito sa akin

“Ahh ok” sabi ko

“Ka-kamusta klase mo luv?” tanong nito sa akin

“Ok lang naman” sagot ko

“Mabuti!” sabi niya, nagulat akk ng bigla niya akong niyakap.

“Ang sweet mo ata ngayon” wika ko

“I love you” sabi niya lang sa akin

“I love you too” sagot ko. Hindi ko alam kung alam niya na yung tungkol sa ex niya pero hayaan ko na lang siya.

Matapos ang isang oras na P.E subject namin ay sabay sabay na kaming dumiretso sa cafeteria. Magkaholding hands kami ni tristan habang papunta sa upuan namin nang may humarang sa daan namin, Si Amber!

“Oh hi tristan!” malanding bati nito kay tristan

“Anong kailangan mo?” walang ganang sagot ni tristan kay amber

“I miss you, did you miss me?” maarteng sabi nito

“Pwede ba padaanin mo na lang kami” sabi ni tristan

“Oh! Galit ka pa rin sa akin matagal na yun at pwede ba magsimula ulit tayo!” narindi ako sa sinabi ng malanding to

“Pwede ba wag mo kaming ginugulo!” sabi ko

“who are you?” maarteng tanong nito sa akin

“Ako lang naman ang boyfriend ni tristan kaya pwede ba umalis ka jan!” sabi ko at binangga siya, dumaan na kami ni tristan at halata sa mukha niya ang pagkainis at pagkagulat!

Umupo na kami sa pwesto namin at nandoon na si steph wala pa rin si luke kasi hindi pa kami nagkaka-ayos. Alam na ni tristan ang tungkol sa nararamdaman ni luke para sa akin kaya nga ayaw niya na ako na makitang kasama ko si luke kasi magagalit siya.

“Luv salamat ha!” sabi ni tristan ng makaupo kami

“huwag kang magpasalamat kasi ginawa ko lang naman yun kasi mahal kita at isa pa ako ang jowa mo no!” sabi ko dito

“hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganun pero hayaan mo ako ang iiwas sa kaniya” sabi nito sa akin

“weh? Sure ka jan?” pabiro kong tanong dito

“Siyempre naman mahal na mahal kaya kita!” sabi nito nanagpakilig sa akin

“Mahal din kita” wika ko.

“Nilalanggam na ako dito sis tama na yan kumain na tayo!” sita ni steph sa amin na ikinatawa naming lahat.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

PLEASE VOTE AND COMMENT GUYS!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now