KABANATA 17 ☆

7.7K 305 41
                                    

Art's Pov

Nagising ako ng may maramdaman akong matigas sa tabi ko. Dinama ko muna ang tigas nito, binaba ko ang kamay ko at may nahawakan akong matigas bigla itong kumislot kaya napadilat ako at nagulat.

“Waaahhh!!” sabi ko sabay tayo nanag malaman ko na ang nahawakan ko pala ay ang alaga ni tristan. Nagising siya dahil sa sigaw ko.

“Oh anong nangyari bakit ka sumigaw?” tanong nito sa akin. Tumingin ako sa katawan ko at wala pala akong suot na kahit ano, dali dali kong kinuha ang kumot at tinakpan ang sarili ko

“Tinakpan mo pa eh nakita ko na lahat yan, napasok ko na nga eh” nakangising sabi ni tristan sa akin na naging sanhin ng pagkapula ko.

“Ah-basta!”sagot ko at kinuha lo ang mga saplot ko na nagkalat sa sahig. Dumiretso ako sa banyo at nagbihis at naghilamos. Nang makalabas ako ay nakaboxer na si tristan.

Naisip ko kung bakit namin ginawa yun eh hindi naman kami. Gusto ko siya oo pero di ko pa nasasabi sa kaniya at isa pa wala pa kaming label.

“Ang lalim ata ng iniisip mo ha” sabi ni tristan na nagpabalik sa ulirat ko.

“Ah-eh tristan pwede bang kalimutan na lang natin yung nangyari sa atin kagabi, hindi kasi tama eh” malumanay na sabi ko. Nakit kong biglang nagbago ang expression ng mukha niya at kumunot ang mga kilay niya.

“Kalimutan? Bakit di mo ba nagustuhan? Ganun ba yun ha?!” nagulat ako ng biglang sumigaw sa akin si tristan

“Na-isip ko lang ka-si na hindi tama yung gi-nawa natin” kabadong sagot ko sa kaniya. Lalong nagalit siya ng marinig niya yung sinabi ko.

“Hindi tama? Ngayon mo pa sasabihin yan kung kailan nagawa na natin? Sabihin mo yung totoo bakit ka ba nagkakaganiyan?” Galit na sabi nito sa akin. Di ko na napigilan ang emosyon ko kaya nagsalita na ako

“KASI WALANG TAYO TRISTAN!” sigaw ko pabalik sa kaniya na nagpatahimik sa kaniya

“Hindi tama to kasi hindi naman tayo! Ano na lang sasabihin ng mga tao pag nalaman nila to? Malandi ako?!” sigaw ko sa kaniya

“Edi Maging tayo na!” sagot nito sa akin

“Sa tingin mo ganun kadali yun? Tristan gusto kita! Mahal kita! Pero ang tanga ko kasi nagmahal ako ng taong di naman ako mahal!”umiiyak na sabi ko

“Mali ka art!” wika nito sabay lapit sa akin

“Art Mahal din kita! Sa tingin mo ba mangyayari sa atin yun kung hindi kita mahal? Dati di ko pa tanggap sa sarili ko na mahal kita kase ayoko maging bakla pero art nung hinalikan mo ako nakaramdam ako ng labis na pagmamahal sayo” nagulat ako sa sinabi nito sa akin at hindi ako makapag salita.

“Art pwede bang maging tayo?” biglang tanong sa akin ni tristan. Sobrang saya ko kaso nalaman ko na mahal pala ako ng mahal ko.

“Oo tristan pwedeng pwedeng!” sagot ko at nagyakapan kami dahil sa tuwa.

“Simula ngayon akin ka na at sayo lang ako kaya dapat wag ka na didikit sa ibang lalaki” sabi ni tristan sa akin

“Oo Tristan sayong sayo lang ako” wika ko

“I love you luv” biglang sabi ni tristan

“luv?” takang tanong ko

“Oo, simula ngayon luv na ang tawagan natin kasi ikaw ang Love Of My Life” sabi nito na nagpakilig sa akin.

“I love you too Luv” wika ko at kiniss ko siya sa lips pero smack lang.

Tristan's Pov

Sobrang saya ko ngayon kasi kami na ng taong mahal ko. Sigurado na ako sa nararamdaman ko na mahal na mahal ko siya. Iba pala talaga ang saya kapag nagmamahal ka eto yung sayang araw araw ko mararamdaman pero hindi ako magsasawa.

Andito kami ngayon ni art sa baba at kumakain kami ng almusal na hinanda ni nanny.

“Luv kumain ka ng marami ha!” paalala ko sa kaniya

“Opo luv” parang batang sagot nito. Natutuwa ako sa kaniya ang cute cute niya.

Nang matapos kami kumain ay umakyat ulit kami sa kwarto ko at nanood ng movie habang nakaupo sa kama at magkatabi.

“Luv masaya ka ba na naging tayo?” tanong ko sa kaniya

“Oo naman luv bakit mo na tanong” wika niya

“kasi ako sobrang saya ko na minahal ko yung tulad mo” ani ko. Nakita ko naman siyang namula dahil sa sinabi ko

“Ang sweet naman ng luv ko” sabi niya at hinalikan ako sa lips at aalis na dapat siya pero hinawakan ko ang uli niya at diniin sa mukha ko. Naghalikan kami ng matagal hanggang sa bumitaw na kami dahil kinapos na kami sa hangin.

“Luv sasabihin ba agad natin sa mga kaibigan mo yung tungkol sa atin?” biglang tanong niya.

“Siyempre naman luv gusto ko malaman nila at ng buong mundo para walang magtatangkang agawin mula sa akin” seryoso kong sabi sa kaniya

“Sige luv kung yan ang gusto mo susuportahan kita” sagot nito sa akin.

“luv sino yung kasama mo sa isang picture doon sa tabi ng family picture niyo?” biglang tanong nito sa akin. Bigka naman akong kinabahan sa sinabi niya. Sasabihin ko ba?

“Ah-eh siya yung ex ko luv” sagot ko. Nakita ko naman na parang nalungkot siya.

“ah okay” walang gana niyang sagot at umusog ng konti paalis sa akin.

“Ayiee nagseselos ang luv ko” pagtutukso ko sa kaniya.

“Hindi ah bakit naman ako magseselos?” sagot niya

“Ewan ko sayo haha, basta luv tandaan mo na ikaw lang pinakamahal ko at wag kang mag-alala itatapon ko na yang picture namin” sabi ko at hinili siya patabi sa akin

“Itatapon mo? Sayang naman yan” sabi niya

“Ano ka ba luv meron na akong ikaw at ikaw lang sapat na sa akin” puno ng pagmamahal na sabi ko sa kaniya, bigla naman siyang kinilig sa sinabi ko.

“Salamat ha kasi tinanggap mo ako kahit bakla ako” seryosong sabi nito sa akin

“Ano ka ba luv alam mo ba yung kasabihang Love Has No Gender? Minahal kita dahil sa pagkatao ko hindi dahil sa seksuwalidad mo” ani ko

“I love you luv” sagot nito

“I love you too luv” ani ko at hinalikan siya.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

ANONG SAY NIYO MGA SIS?

VOTE AND COMMENT NA!

SALAMAT SA PATULOY NA NAGBABASA!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon