KABANATA 36 ☆

4.1K 184 6
                                    

Art's Pov

Oras na ng uwian at hinihintay ko si tristan dito sa parking lot dahil ngayon na ang tamang oras at ayaw ko ng patagalin pa dahil mas lalo lang akong masasaktan.

Ilang saglit pa ay dumating na siya na nakangiti habang naglalakad.

Nasasaktan ako na ngayon ko na lang ulit makikita yung ganiyang mga ngiti na ako ang dahilan. Sana mapatawad mo ako tristan sa gagawin ko.

“Luv bakit di ka pumasok sa P.E class natin, ok ka lang ba?” tanong agad nito sa akin

“Tristan mag-usap tayo” seryoso kong sabi rito

“Luv bakit may problema ka ba?” nag-aalalang tanong nito sa akin, pinipigilan ko ngayon ang luha ko na ano mang oras ay babagsak na.

“Maghiwalay na tayo tristan!” wika ko at bigla naman siyang nagulat sa sinabi ko

“Huh? Nagbibiro ka ba luv?” tanong niya sa akin

“Hindi tristan totoong gusto ko ng makipaghiwalay sayo” sabi ko rito

“Luv bakit ka nakikipaghiwalay may nagawa ba akong mali please sabihin mo” sabi niya habang sinusubukang hawakan ang kamay ko

Ngayon bumuhos na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

“Wala tristan! Wala kang nagawa!” sigaw ko rito habang umiiyak

“ Pero bakit? Luv please naman wag mo ako iwan” sabi niya sabay luhod at hawak sa kamay ko.

Ang sakit makita yung taong mahal mo na ganito kalungkot pero kailangan kong tiisin dahil para sa kaniya rin to.

“Tristan ayoko na pwede ba Maghiwalay na Tayo!” sigaw ko rito. Bigla siyang napaluha dahil sa pagsigaw ko. Parang dinudurog ang puso ko na makita ko siyang umiyak ng dahil sa akin.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tumakbo kailangan kk ng umalis dahil hindi ko na kaya sobrang sakit na.

“Luuuuuv!” humahagulgol na sigaw ni tristan pero di ko ito pinansin at umalis na.

Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa pag-iyak ko pero dinedma ko na sila. Tuwing maaalala ko ang mukha ni tristan na umiiyak ay napapaiyak ako dahil hindi ako sanay na ganun siya.

Sumakay ako ng jeep pauwi ng bahay namin papasok na ako nang makita ko ang sasakyan ni tristan na papunta rito sa bahay. Kailangan kong gumawa ng paraan para mapa alis siya.

Nakita ko sa gilid ko ang kapit bahay namin na lalaki na kasing edad ko di na ako nagmatagal pa at hinalikan ko ito sa labi.

“Gago ka!” sigaw ni tristan mula sa likod sabay suntok sa lalaki

“Putang Ina mo pati syota ko!” patuloy niyang bugbog sa lalaki. Naawa ako dahil nadamay pa yung lalaki sa problema namin.

“Tristan Tama na!!” sigaw ko na nagpatigil sa kaniya. Tiningnan niya ako ng masama na hindi ko pa nakikita sa kaniya dati.

“Siya ba ang dahilan kaya nakipag hiwalay ka sa akin?” galit na tanong nito sabay turo sa lalaki, di ako nakasagot sa tanong niya at yumuko lang.

“Di ko alam na tulad ka pala ng ibang bakla art! Malandi ka! Pare parehas kayo katawan lang habol niyo sa lalaki” parang tinutusok ang puso ko ng marinig ang mga salitang iyon galing kay tristan hindi ko akalain na magagawa niya akong pagsalitaan ng ganun.

“Kung gusto mong makipaghiwalay SIGE PUMAPAYAG NA AKO MAGHIWALAY NA TAYO!” sabi niya at bigla na lang umalis.

Di ko na napigilan pa ang mga luha ko at bigla na lang ito bumuhos. Sobrang sakit, ang sakit sakit hindi ko mapaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.

Tinayo ko ang lalaki at humingi ng tawad sa kaniya.

“So-sorry nadamay ka pa sa problema ko” paghingi ko ng tawad rito at pumasok na sa loob ng bahay.

Dumiretso ako sa kwarto at doon ko nilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Tristan alam kong mapapatawad mo ako pagdating ng araw pero ngayon kailangan ko ng sanayin ang sarili ko ng mag-isa.

Tinawagan ko ang papa ni tristan para sabihin na nagawa ko na ang pinapagawa niya.

“Ano art nagawa mo na ba?” tanong nito sa akin mula sa kabilang linya

“Nagawa ko na Sir Raymundo kaya sana wag niyo ng tanggalan ng mana si tristan” wika ko

“Makakaasa ka iho” sabi nito at binaba ang telepono.

Nagpatuloy ako sa pag-iyak buong gabi at hindi na ako kumain dahil waka akong gana, kinatok ako ni nanay para yayaing kumain pero sinabihan ko siya na wala akong ganang kumain.

Pabalik balik sa isipan ko ang mga salitang binitawan ni tristan sa akin at sadyang totoo pala na masakit makarinig ng masasakit na salita galing mismo sa taong mahal mo.

Kailangan ko ng mag move on at simula bukas ay dapat di ko na siya isipin pa dahil sobrang masasaktan lang ako.

********

Tristan's Pov

Andito ako sa bar kasama sila marco at ethan, kailangan ko ng alak para makalimutan panandalian ang sakit na nararamdaman ko.

P*tang ina hindi ko inaasahan na magagawa sa akin ni art yun, akala ko di siya tulad ng ibang bakla na katawan lang ng lalaki ang habol pero mali ako.

“Sige pre iinom mo lang yan” sabi sa akin ni marco

“Ang sakit pre! Mahal na mahal ko siya tas ginagago niya lang pala ako, sobrang sakit!” malungkot na sabi ko sa kanila sabay inom ng alak.

“Hayaan mo pre lilipas rin yan pero ngayon magsaya muna tayo!” wika ni ethan.

Nang makita ko si art kanina na may kahalikang ibang lalaki ay biglang nandilim ang paningin ko at nasapak ko yung lalaki.

Hiling ko na sana panaginip lang lahat to dahil hindi ko kaya yung sakit. Iniisip ko pa lang na wala na si art sa tabi ko, wala na yung taong nagpapasaya sa akin araw araw.

Nung dumating si art sa buhay ko nawala yung lungkot na nararamdaman ko sa pamilya ko pero ngayon nandito na ang pamilya ko si art naman ang naging dahilan ng pagkalungkot ko.

Salamat sa lahat art! Salamat sa lahat ng pagpapasaya mo sa akin pero ngayon sinaktan mo ako siguro nga nagkulang ako kaya nagawa mo akong iwan.

Mahal na mahal kita lagi mong tandaan!

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

MAGKABALIKAN PA KAYA SILANG DALAWA? ABANGAN SA MGA SUSUNOD NA KABANATA!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now