KABANATA 14 ☆

7.6K 339 0
                                    

Art's Pov

So ayun andito na ako sa cafeteria dahil break na namin. Iniwan ko na yung tatlo doon sa taas as if naman kailangan kasabay ko sila diba?

Ang dami talagang tao lagi dito! Ay oo nga pala break namin, tanga lang? hahaha. So nahanap ko naman agad sina luke at steph kaya agad akong umupo kung saan sila nakapuwesto.

“Sis diba bukas na yung sinabi mong pupunta ka kila Tristan?” tanong ni steph sa akin

“ha? Pupunta ka sa bahay nung tristan na yun??” gulat na tanong ni luke. Hindi ko kasi sinabi sa kaniya eh.

“Oo eh, gagawa kami ng report para sa P.E subject namin sa monday na kasi yun” paliwanag ko

“Bakit doon pa pwede namang sa inyo na lang” parang naiinis na tanong ulit ni luke

“Hayaan mo na sila luke bakit ka ba nagkakaganiyan?” biglang sabat ni steph

“Nag-aalala lang kasi ako baka may gawing masama sayo yung tristan na yun!” paliwanag ni luke, bigla naman akong namula sa sinabi niya

“Hi-ndi yan! A-ko bahala kaya ko na sarili ko” utal na sagot ko

“Oh siya kumain na tayo gutom na gutom na ako” sabi ni steph kaya nag-sikain na kami.

Lumipas ang ilang oras at eto uwian na namin at nag pasiya si steph na ihatid na ako ng bahay dahil sabado naman bukas. Nandito kami ngayon sa sasakyan nila steph magkatabi kami pero hindi siya ang nagdadrive dahil may driver sila.

“Salamat steph ha makakatipid ako ng pamasahe” pasasalamat ko kay steph

“ano ka ba okay lang” sagot nito

“Ikaw nga art tapatin mo ako, anong meron kayo ni tristan?” bigla akong nagulat sa tinanong ni steph

“Ano ba namang klaseng tanong yan?” wika ko

“Napapansin ko kasing nagiging mabait na siya sayo di tulad dati na iniinis ka niya at ikaw! Lagi kang nakangiti kapag nakikita mo siya!” kinabahan naman ako sa sinabi ng babaeng to, ganun na ba ako kahalata?

“May gusto ka kay tristan no? Yung totoo!!” nakakatakot na tanong nito sa akin

“Ah-eh oo!!” matapang na sagot ko

“Oh ha sabi ko na eh!!” masayang sabi ni steph

“Huwag kang maingay ha ikaw pa lang pinagsasabihan ko nito!” ani ko

“Pero bakit sis? Bakit mo siya nagustuhan? Anong dahilan??” tanong nito

“Alam mo sis kapag nagmamahal ka wala naman talagang dahilan eh basta masaya ka kapag nakikita mo siya, at nalulungkot ka kapag di siya masaya” paliwanag ko

“Hindi ko din alam kung bakit ko siya nagustuhan eh basta kapag kasama ko siya feeling ko ligtas ako, ang saya saya ko kapag anjan siya sa tabi ko” dagdag ko pa

“ang lalim niyan sis ha! Pero hayaan mo suportado kita sa gusto mo!” sabi ni steph

“Thankyou sis! Ang swerte ko na may kaibigan akong tulad mo!” balik ko sabay yakap sa kaniya.

Nang makarating kami sa bahay ay bumaba na ako at pumasok sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis. Nakaramdam ako ng antok kaya natulog na agad ako..

Kinabukasan

“Anak gising na kumain ka na, Aga mo natulog kagabi kaya di ka nakakain” rinig ko sabi ni nanay mula sa labas ng kwarto ko

“opo nay babangon na” sabi ko kaya dali dali akong bumangon para maghilamos. Naghilamos lang muna ako at mamaya na ako maliligo dahil pupunta pa ako sa bahay nila tristan.

Kumain na ako ng almusal at tinapos ko na agad ito dahil gusto ko ng maligo para hindi ako malate sa lakad ko mamaya, nakakahiya naman sa kaniya kung late ako diba?

Nang maka-ayos na ako lahat lahat ay nagpaalam na ako kay nanay at umalis na. Sumakay na ako ng jeep papunta sa address na tinext sa akin ni tristan. Village sila nakatira mga bes kaloka! Nandito ako sa harap ng bahay nila at namangha ako sa sobrang laki! Kung malaki yung bahay nila luke mas malaki itong kila tristan kaloka parang mansyon na mansyon, iba talaga kapag mayaman.

“Ano tutunganga ka na lang jan? Pasok na!” nagulat ako ng nagsalita si tristan nasa labas na pala siya at hinihintay ako.

“Ay sorry sige tara na!” pumasok na kami. Pagpasok namin sa gate nila ay makikita mo yung mari nilang kotse sa gilid at ang gaganda ha!

Pumasok kami sa loob ng bahay nila sobrang ganda talaga, kulay puti ang pinaka kulay nitong loob nila at ang dami rin nilang mga furnitures.

“Tara doon tayo sa kwarto ko!” wika ni tristan. Agad kami umakyat sa second floor kung saan naroroon ang kwarto niya. Maroon akong nakitang limang kwarto dito pero tinungo namin yung pinakadulo.

“eto yung kwarto ko! Dito na natin gawin yung report kasi may mga gamit naman dito na kakailanganin natin.

“Ah sige” simpleng sagot ko, ngayon ko lang napansin bes! Naka boxer at sandong puti lang siya bes! Grabe ang laki ng bakat! Ang harot ko na. Pumasok kami sa loob ng kwarto niya at naloka nanaman ako sa ganda. Walang wala yung kwarto ko sa kwarto niya.

“Sige punta ka na sa computer ko gamitin mo maliligo lang ako ang init eh” sabi niya sabay hubad ng sando niya. Naging slow-mo sa akin ang mga pangyayari. Ang laki ng katawan niya at may abs siya! Di ko kaya ang saraaap niyaaa!

“baka matunaw naman ako niyan” nakangising sabi ni tristan na nagpapula sa akin

“Ah-eh sige maligo ka na” wika ko habang umiiwas ng tingin sa kaniya.

Sobrang laki naman nun? Bakit ganun kabakat yun? Mga tanong sa isip ko ng makita ko yung hulma sa boxer niya, di ko mapigilang mamangha.

Tukso layuaan mo akooo!

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA!

PLEASE VOTE AND COMMENT!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora