KABANATA 40 ☆

5.4K 189 3
                                    

Art's Pov

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at puting kisame at maliwanag na ilaw ang sumalubong sa akin. Inikot ko ang mata ko at napag-alaman ko na nandito ako sa hospital

Nasa tabi ko si tristan pero tulog ito kaya tinawag ko ito para magising. Teka anong ginagawa niya rito??

“Tri-tristan!” mahina kong sabi dahil medyo nanghihina pa ako, unti unti naman siyang dumilat at nakita kong nagulat siya ng makita niya akong gising na.

“Luv este art gising ka na pala anong masakit sayo? Katawan mo kamay mo? Ano?” tanong nito sa akin

“Wala-Wala! Ok lang ako tristan nauuhaw lang ako!” sagot ko rito

“sige wait eto may tubig dito” sabi niya sabay abot sa akin ng tubig.

“Tristan ano pa lang ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya pagkatapos kong uminom ng tubig.

“Pagkatapos kasi nating magkasagutan doon sa cr eh sinundan kita kaso huli na nabangga ka na ng kotse kaya dinala ka agad namin dito sa hospital” sagot nito sa akin

“Salamat tristan pasensya na sa abala ha” mahinahon kong sabi sa kaniya

“Hindi mo kailangan humingi ng tawad art sa katunayan nga ako dapat ang humingi ng tawad dahil sa ginawa ni dad sayo” nagulat ako sa sinabi niya

“Oo art alam ko na kung bakit ka nakipaghiwalay sa akin” sabi niya at bigla namang bumuhos yung luha ko dahil doon.

“Pasensya ka na Tristan kung hindi kita pinaglaban ha! Ginawa ko lang naman yun kasi mahal na mahal kita” umiiyak na sabi ko sa kaniya

“Shh wag kang umiyak art ayoko ng makita ka ulit umiyak at isa pa hindi mo kailangan humingi ng pasensya sa akin basta lagi mong tandaan na mahal na mahal din kita!” sabi nito at unti unting lumapit sa akin.

Sobrang lapit na ng mukha niya sa akin at ano mang oras ay maghahalikan na kami...

“Mukhang maayos na ang lagay mo sis ha at makikipagtukaan ka na ulit!” biglang sabat ni steph na kakapasok lang

Bigla naman akong nahiya dahil naabutan nila kami sa ganoong sitwasyon, kasama ni steph si luke, ethan at marco.

“Charot lang sis! Sobrang saya ko kasi ok ka na ulit!” sabi ni steph sa akin

“Oo nga art akala namin iiwan mo na kami eh” malungkot na sabi ni luke

“Mga sira! Hindi pa ako pwedeng mawala kasi kapag nangyari yun mawawalan na kayo ng magandang kaibigan!" Pabiro kong sabi na ikinatawa naming lahat.

------------------

Isang linggo ang nakalipas at ngayon nga ay birthday ko na!!

Nandito na kami lahat sa bahay namin at masayang kumakain ng mga masasarap na pagkain na niluto ni nanay!

“Anak ko happy birthday sayo masaya ako dahil kahit wala na yung tatay mo naging mabuti ka pa ring anak sa akin” bati ni nanay sa akin

“Salamat din sayo nay kasi pinalaki mo ako bilang isang mabuting bata” sagot ko kah nanay sabay yakap sa kaniya.

Habang nagyayakapan kami ni nanay ay lumapit sa amin si tristan.

“Ah tita pwede ko po bang mahiram saglit si art?” magalang na tanong niya kay nanay

“Oo naman iho sige sayo muna yang anak ko ingatan mo ha!” pabirong sabi ni nanay na ikinatawa namin ni tristan.

“art pwede ba kitang makausap? May sasabihin kasi sana ako sayo” wika nito sa akin

“Oo naman tristan, ano ba yun?” ani ko

“Art alam mo naman na hindi masiyadong naging maganda yung mga nakaraang araw sa atin” sabi niya habang ako nakatitig lang sa gwapo niyang mukha

“Ang dami nating pinagdaanan na akala natin yun na yung huli para sa atin pero hindi pa pala, gusto ko lang na malaman mo na mahal na mahal kita kaya......” nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sabay kuha ng singsing sa bulsa niya kaya yung mga kaibigan namin ay nakatingin na sa aming dalawa.

“Will you be my girlfriend again?” di ko na napigilan pa at napaluha na ako, ano ba yan napaka-iyakin ko naman.

“Yes Tristan Yes!!” masayang sagot ko sa kaniya at sinuot niya na sa akin yung singsing na kaparehas ng suot niyang singsing.

“Thankyou Luv! Mahal na mahal kita at hindi na kita hahayaan pang mawala sa akin” masayang sabi ni tristan sa akin sabay yakap.

“Mahal na mahal din kita tristan at simula ngayon ay hindi na ako matatakot pa na ipaglaban ka dahil ikaw yung kasiyahan ko!” sagot ko rito.

“Wow ang sweet mo naman sis parang di ka nabangga ah” sabat na naman ni steph kaloka kahit kailan talaga tong babaeng to.

“Paepal ka talaga sis kahit kailan!” sabi ko rito

“Hahaha joke lang sis masaya lang ako para sayo kasi masaya ka na ulit!” sabi niya

“Thankyou sis!” sabi ko sabay yakap sa kaniya.

Sobrang saya ko ngayon dahil balik na sa normal ang lahat napatawad ko na si sir raymundo na ngayon ay nasa ibang bansa na ulit kasama ang pamilya niya para sa business nila.

Naniniwala kasi ako na kahit gaano kalaki yung kasalanan na nagawa ng isang tao sayo deserve pa rin niya magkaroon ng second chance at isa pa di nakakaganda ang pagtatanim ng sama ng loob no!

Iwasan nating maging nega dapat maging positibo lang tayo lagi kasi nakakasaya sa pakiramdam ang pagiging positibo.

Pinatawad ko na rin si amber na ngayon ay bumalik na ulit sa bansa kung saan siya nanggaling, naiintindihan ko naman na ginawa niya lang iyon dahil sa pagmamahal niya kay tristan pero sorry siya kasi ako ang mahal ni tristan charot.

Next month na ang pagtatapos ng klase namin ngayong taon at tingnan mo nga naman ang bilis ng panahon dahil second year college na kami! Excited na ulit ako pumasok hahaha.

“Luv!” bigla akong kinalabit ni tristan habang nakaupo kami dito sa bahay at kumakain pa rin sila steph.

“bakit luv?” tanong ko rito

“I love youuu!” nakaramdam naman ako ng pamumula ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.

“I love youu to!” sabi ko sabay halik sa labi niya...

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

SO GUYS MALUNGKOT MANG SABIHIN PERO ANG SUSUNOD NA KABANATA AY ANG HULI NG KABANATA SA KWENTONG ITO

PLEASE VOTE AND COMMENT!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum