KABANATA 35 ☆

4.2K 185 1
                                    

Art's Pov

Paalis na ako ngayon ng bahay at pupunta na ako kila steph dahil napagplanuhan naming tatlo nila luke na mag movie marathon kami ngayong linggo tutal wala naman kaming ginagawa.

Siyempre nagpaalam kami sa kaniya kaniya naming boyfriend at sa una ay hindi pa nga sila pumayag at pinilit lang namin dahil minsan lang kami mag bonding ng kami lang, lagi kasi naming kasama mga jowa namin.

Nag-aantay na ako ngayin ng jeeo ng biglang magring ang phone ko, kinuha ko ito sa bulsa at baka si tristan lang ang tumatawag.

Tiningnan ko ang cellphone ko at Unknown Number ang tumatawag, pinag-isipan ko pa kung sasagutin ko o hindi pero sinagot ko na.

"Hello po!" magalang kong sagot sa tawag

"Art?" malalim na boses ang nagsalita sa kabilang linya.

"Yes po sino po ito?" tanong ko rito

"This is Raymundo, father of tristan" sabi niya na ikinagulat at ikinakaba ko.

"Ah-Hello po Sir, bakit po kayo napatawag?" kinakabahang tanong ko rito

"Gusto kitang maka-usap ngayon pumunta sa coffee shop na itetext ko sayo" sabi nung papa ni tristan sabay baba sa telepono.

Biglang kinabahan ako at di ko alam parang may di magandang mangyayari pero ipinagsawalang ko ito at pumunta na sa coffee shop na itinext sa akin.

Pagkarating ko roon ay pumasok ako agad at puro mayayaman ang nandito halata pa lang sa suot nilang mga alahas.

Hinanap ko kung saan naka pwesto ang tatay ni tristan at nakita ko ito sa dulo na naka business attire pa na black. Habang papalapit ako sa kaniya ay nakikita ko ang seryoso niyang mukha na nagdulot ng kaba sa akin.

"Good Afternoon Po sir Ra-Raymundo" bati ko rito pagkaupo ko sa harap niya

"Hindi ko na papatagalin pa, gaano mo kamahal ang anak ko?" biglang tanong nito sa akin

"So-sobrang mahal na mahal ko po ang anak niyo at handa po akong gawin lahat para sa kaniya" seryoso at diretsong sagot ko sa kaniya.

"Pero Bakla ka! Hindi mo mabibigyan ng kunpletong pamilya ang anak ko" madiin nitong sabi sa akin.

Parang natusok ang puso ko sa mga sinasabi ng tatay ni tristan, paano ko nga ba bibigyan ng pamilya si tristan? Magiging masaya ba siya sa akin habang buhay?

"Gusto kong hiwalayan mo ang anak ko" dagdag pa nito sa akin.

"Pe-pero mahal na mahal ko po ang anak niyo" sagit ko rito

"Sabi mo gagawin mo ang lahat para sa anak ko diba? Kapag hindi mo siya hiniwalayan tatanggalan ko siya ng mana at sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay niya" nalungkot ako dahil kaya niya pala itong gawin sa sarili niyang anak.

Ang sakit lang isipin na hihiwalayan ko si tristan? Anong gagawin ko? Hindi ko kaya na mawala siya sa akin pero hindi ko rin kaya na masira ang kinabukasan niya dahil sa akin.

"Bibigyan kita ng tatlong araw, kapag hindi mo pa siya hiniwalayan alam mo na ang mangyayari" sabi ng papa ni tristan sabay alis.

Naiwan ako ditong mag-isa habang pinipigilan ang mga luha ko na malapit ng bumagsak. Mahal na mahal ko si tristan iniisip ko palangna wala siya sa tabi ko parang dinudurog na ako.

Umuwi na ako sa bahay at di na tumuloy kila steph at tinext ko na lang sila na masama ang pakiramdam ko.

Nagkulong ako sa kwarto habang iyak ng iyak at iniisip kung anong gagawin ko tungkol sa sinabi ng papa ni tristan.

Taeag na ng tawag sa akin si tristan pero hindi ko ito pinapansin dahil hindi ko kaya na makausap siya ngayon.

Sa kakaiyak ko ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako....

*******

Late na ako nagising at walang gana akong bumangon para maligo dahil may pasok pa pala ako. Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko ngayon sa kakaisip at ngayon napagdesisyunan ko na kailangan ko ng bumitaw dahil ayokong mapahamak si tristan, ayoko masira buhay niya dahil sa akin ganun ko siya kamahal.

Nang maka ligo at makapag ayos na ako ay bumaba na ako para umalis. Mabuti at wala si nanay kaya di na ako kumain pa at lumabas na ng bahay.

8:30 na at siguradong late na ako sa first subject namin kaya sa second subject na lang ako papasok, sumakay na ako ng jeep papunta sa school.

Hindi ako sinundo ni tristan dahil tinext ko siya na ayos lang ako at mauna na siya. Ayoko muna siyang harapin dahil baka mas lalo akong mahirapan sa gagawin ko.

Stress na stress ako sa nangyayari at di ko nga alam kung maayos pa ba akong tingnan dahil sa pamumula ng mata ko sa kakaiyak kagabi.

Nakarating na ako sa school at pumasok sa room saktong kalalabas lang ng aming unang guro kaya di niya ako napansin. Sinalubong agad ako ng nag-aalalang mukha ni steph pagkapasok ko.

"Sis! Ayos ka lang ba? Tingnan mo yung itsura mo para kang di tao" nag-aalalang wika nito sa akin

Di ko siya pinansin at umupo na lang ako sa pwesto ko.

"Hoy Art! Ano bang nangyari sayoo!" naiinis na tanong niya sa akin

"Wala sis, hayaan niyo muna akong mapag-isa...... Please" malungkot na sabi ko rito.

Lumipas ang mga oras at wala akong naintindihan sa klase namin hanggang sa dumating ang oras ng P.E namin hindi ko ito pinasukan dahil alam kong nandoon si tristan at ayaw ko pa siyang makita ngayon.

Sinamahan rin ako ni steph at luke rito sa room dahil ayaw daw nila akong iwan ng ganito ang kalagayan ko. Napaka swerte ko at may kaibigan akong katulad nila.

"Art please magkwento ka kung anong nangyari sayo, may nangyari ba sa inyo ni tristan? Nag-away ba kayo?" sunod sunod na tanong ni luke sa akin.

Kinuwento ko sa kanila ang buong pangyayari kasama ang mga sinabi sa akin ng tatay ni tristan.

"Grabe naman yan art kaya niya yung gawin sa anak niya?" inis na sabi ni luke

"Pero sis anong napagpasiyahan mong gawin?" tanong sa akin ni steph

"Kailangan ko na siyang bitawan para sa ikaka ayos ng buhay niya" seryoso kong sabi sa kanila

"Sigurado ka na ba rito?" tanong ni luke

"Eto lang ang dapat kong gawin luke para hindi masira ang buhay niya" umiiyak kong sabi

"Sis kaya mo yan naka suporta kami sayo" sabi ni steph at niyakap ako.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

NAKAKALUNGOT NAMAN TONG KABANATA.

ABANGAN ANG MANGYAYARI SA SUSUNOD NA KABANATA.

PLEASE VOTE AND COMMENT!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat