KABANATA 37 ☆

4.2K 191 1
                                    

Art's Pov

Isang buwan na ang nakalipas simula nang maghiwalay kami ni tristan, siyempre mahirap para sa akin na tanggapin dahil mahal na mahal ko siya.

Alam nila luke at steph ang totoo kong dahilan kung bakit ko hiniwalayan si tristan at ipinangako nila sa akin na di nila sasabihin sa mga jowa nila, nagulat pa nga sila luke at steph dahil hindi rin nila inaasahan na kayang gawin ni Sir Raymundo ang mga bagay na yun sa sarili niyang anak.

Isang linggo akong hindi pumasok noon sa klase at nag mukmok lang ako sa loob ng aming bahay pero sinabihan ako nila steph na kailangan ko ng bumangon ulit dahil walang magandang mangyayari sa akin kapag nag padala ako sa emosyon ko.

Sobrang sakit lang ng nararamdaman ko kada araw na pumapasok ako dahil araw araw ko ring nakikita si amber at tristan na magkasama at ang sweet nila tingnan. Simula noong maghiwalay kami ni tristan ay lagi niya ng kasama si amber ang sakit lang dahil ganun kabilis niya lang ako nagawang palitan.

Pero ako na ang umiiwas sa kanila para hindi ko sila makita minsan ay hindi na ako kumakain sa cafeteria dahil sigurado akong nandoon sila.

Lumipat na rin ako ng upuan ko kapag P.E class namin kasi diba dati ay magkatabi kami ni tristan pero ngayon di na pwedeng mangyari yun dahil sobrang laki ng galit sa akin ni tristan, patawarin mo ako tristan nagawa ko lang naman iyon para sa kapakanan mo.

"hoy sis kanina mo pa pinaglalaruan yang pagkain mo!" sita ni steph sa akin na nagpabalik sa ulirat ko.

Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil pinilit nila akong kumain kasama nila at wag daw akong mag-alala dahil hindi nila kasama ang mga jowa nila.

"Iniisip mo na naman siya no?" tanong ni luke sa akin

"Hi-hindi no at isa pa wag na natin siyang pag-usapan" sagot ko rito at nagsimulang kumain.

"Hay nako sis naaawa tuloy ako sa sarili mo tingnan mo nga oh pumayat ka hindi ka kasi kumakain eh" nag-aalalang sabi ni steph

"ok lang ako sis babalik din ako sa dati" tanging sagot ko rito.

"Pero art wala ka ba talagang balak na sabihin kay tristan yung totoo? Para matapos na yung paghihirap mo" wika ni luke

"hindi luke kasi kapag ginawa ko yun si tristan ang mahihirapan at ayoko dumating yung point na yun at naniniwala ako na kapag mahal mo ang isang tao kaya mong gawin lahat para sa kaniya" sagot ko rito.

"bilib rin ako sayo sis eh para ka namang bayani niyan" biro ni steph na ikinatawa naming tatlo.

Napatingin ako sa puwesto nila tristan at nagulat ako ng makita ko siyang nakatingin rin sa akin ng seryoso pero agad niya rin itong binawi ng subuan siya ni amber ng pagkain.

Ang sakit! Ang sakit sakit! Pero titiisin ko para sa taong mahal ko.

"Mga sis tara na akyat na ulit tayo" aya ko sa kanila

"sige sis tara na" sabi ni steph at agad na kaming umalis doon.

Masuwerte ako dahil nagkaroon ako ng kaibigang tulad nila dahil sila ang naging sandayan ko sa mga panahong lugmok na lugmok ako kakaisip sa nasirang relasyon namin ni tristan.

--------
Lumipas ang ilang oras at natapos na ang oras ng klase namin at ngayon nga ay oras na ng uwian namin.

"Sis pasensiya na kung di ka namin masasabay ni luke sa pag-uwi ha! May lakad pa kasi ako kasama si ethan tas si luke naman kasama si marco" sabi sa akin ni steph pagkalabas namin ng room

"Oo nga art pasensya ka na ha" dagdag ni luke

"Mga sira talaga kayo ok lang ano ba at isa pa mga jowa niyo yun!" sagot ko

"Sige una na ako!" paalam ko sa dalawa at umalis na.

Dumaan muna ako sa cr dahil nakaramdam ako ng pagka-ihi, pumasok ako sa loob at nagulat ako ng makita ko si tristan sa loob.

Nagkatinginan kaming dalawa kitang kita ko sa mga mata niya ang halu-halong emosyon, ako na ang unang umiwas dahil baka hindi ako makapag pigil at bumuhos ang mga luha ko.

Pumasok agad ako sa cubicle at umihi, pagkatapos kong umihi ay lumabas ako sa cubicle at dumiretso sa lababo para maghugas ng kamay.

Sobrang kaba ko dahil nakatingin pa rin siya sa akin ng seryoso at parang binabantayan lahat ng galaw ko, di na ako nagtagal pa sa loob at lumabas na.

Nakahinga ako ng maluwag kaloka sobrang kinabahan ako doon ha. Bakit ganun siya kung makatingin sa akin? Bahala na nga siya.

Lumabas na ako sa school at sumakay ng jeep pauwi sa bahay namin.

Alam ni nanay na naghiwalay na kami ni tristan pero hindi niya alam ang totoong rason kung bakit kami naghiwalay hindi ko sinabi sa kaniya dahil ayokong pati siya ay mag-alala sa problema ko.

Pagkarating ko sa bahay ay wala pa si nanay kaya umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis bago ako nagpahinga.

Tristan's Pov

Nagulat ako ng pumasok si art kanina sa cr nagkatinginan kami at nalulungkot ako dahil parang wala lang kay art lahat ng sakit na binigay niya sa akin.

Tiningnan ko lang yung mga kilos niya dahil sobrang na miss ko na siya pero wala na eh niloko niya ako at sobrang sakit nun.

Isang buwan na simula ng maghiwalay kami ni art at sa isang buwan na yun ay walang araw na hindi ako uminom ng alak dahil gustong gusto ko ng makalimutan lahat ng sakit dahil hanggang ngayon damang dama ko pa rin lahat at parang kahapon lang ito nangyari.

Sa susunod na buwan pala ulit aalis ang pamilya ko para sa business namin at ako na naman ang maiiwan sa bahay namin ng mag-isa.

Hinahanap nila sa akin kung nasaan na si art at bakit hindi ko na daw ito kasama at ang tanging sagot ko lang sa kanila ay hiwalay na kami nalungkot sila pero sa daddy ko ay parang wala lang at mukhang masaya pa siya.

Lagi kong iniisip at tinatanong sa sarili ko kung ano bang kulang sa akin at nagawa niya akong lokohin?

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

ANO NANG MANGYAYARI SA ATING MGA BIDA?

ABANGAN SA MGA SUSUNOD NA KABANATA!

PLEASE VOTE AND COMMENT!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon