KABANATA 11 ☆

8.2K 394 12
                                    

Art's Pov

Ano ba yan? Anong oras na nadito pa din kami sa loob ng storage room ni tristan. Lord! Tulungan niyo po ako na makalabas rito!!

Kinuha ko yung cellphone ko upang tingnan kung anong oras na at nakita kong 5pm na kaloka ilang oras na din pala kami dito. Ay wait ano to? May signal naa??

“Omaygad may signal naa!” masaya kong sigaw habang si tristan nakatingin lang sa akin, ewan ko ba sa lalaking to kanina pa tingin ng tingin bahala nga siya sa buhay niya!!

Agad kong tinext si luke upang sabihin ang kalagayan namin at nagpapasundo na ako sa kaniya! Makalipas ang limang minuto ay may narinig kaming narinig na mga yabag

“luke ikaw na ba yan? Tulungan mo kami” sigaw ko

“Oo narito na ako art wag kang mag-alala ilalabas kita jan” sabi ni luke, hay salamat lord tinupad niyo po agad ang aking panalangin.

Nang mabuksan ni luke ang pinto ay agad ko itong niyakap dahil lubos akong nagpapasalamat sa kaniya.

“Sobrang thankyou luke! Buti na lang dumating ka” sabi ko habang nakayakap

“A-aaray!!” daing ko ng biglang sinanggi kami ni tristan

“Kasi haharang harang kayo sa daan!” inis sabi nito tsaka umalis, ang init ng ulo niya ah parang kanina lang ang tahimik niya.

“Tara na umalis na tayo dito, ihahatid na kita pauwi” sabi ni luke sa akin

“Sige tara na” sabi ko at umalis na kami doon. Papunta na kami ni luke sa parking lot nang may tumawag sa kaniyang cellphone, agad niya itong kinuha sa bulsa niya at sinagot

“hello mom?” ah nanay niya pala ang tumawag

“Ano? Ngayon na ba yun mom??” gulat na tanong ni tristan sa mama niya

“Ano ba naman yan mom! Sige po pauwi na ako!” malungkot na sabi ni luke

“Oh bakit malungkot ka?” tanong ko

“uhm art pasensya na di muna kita maihahatid ngayon kasi may family dinner pala kami at ako na lang ang hinihintay” sabi nito sa akin

“Ano ka ba sige okay lang tinulungan mo na naman ako eh” wika ko

“Sigurado ka ba?” aniya

“Oo nga sige na!” sabi ko

“Sige bye art!” sabi niya at pumasok na siya sa loob ng kotse niya at pinaandar ito.

Umalis na ako sa parking lot ng school at lumabas tinahak ko muna ang madilim na lugar papunta sa sakayan ng jeep.walang masiyadong tao sa lugar na ito at madilim na dito kasi gabi na.

Habang naglalakad ako sa madilim na lugar na ito ay parang may naramdaman akong sumusunod sa akin. Tiningnan ko ang paligid pero wala naman akong nakitang tao baka guni guni ko lang iyon kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Nang nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ko ay nagulat ako ng biglang may lumitaw na dalawang lalaki sa harapan ko mga mukhang adik! Kinabahan ako kaya hindi ko tinuloy ang paglalakad ko, ang ginawa ko ay naglakad ako pabalik papuntang school.

Nang maglakad ako pabalik ay napansin kong tumakbo sila papunta sa akin kaya nagsisigaw na ako!

“tulooong! Tuloong! Sa pagsigaw kong yun ay di ko namalayan na may bato pala kaya ako ay natisod at napaupo

“a-aray!”daing ko

“Pinagod mo pa kaming bakla ka!” sabi ng isang mukhang adik na lubog ang panga

“Hold-up to bakla kaya kung ako sayo ibigay mo na sa amin ang pera at cellphone mo” sabi naman ng kasama niya na mataba pero namumula ang mata

“wa-wala po akong pe-pera padaanin niyo na po a-ko” natatakot kong sagot sa dalawang to

“Kung wala kaming makukuha sayo paligayahin mo na lang kami” sabi nung mataba

“Oo nga pre magandang bakla din to oh pwede na yan” sabi naman nung payat

“Wa-waag poo!” sigaw ko, unti unti silang lumapit sa akin pero nung malapit na sila sa akin ay may dumating na lalaki

“Hoy tigilan niyo siya!” sigaw nang isang matangkad na lalaki

“tri-tristan!?” gulang kong sabi

“Pwede ba wag kang maki-alam dito” sabi nung payat at inambahan siya ng suntok mabuti na lang at naiwasan niya ito at saka niya sinapak yung lalaki.

Nagsuntukan sila nung payat at sa bawat suntok na binibigay ni tristan doon sa lalaki ay para bang slow mo sa aking paningin, hindi ko maiwasang mamangha sa angkin niyang kagwapuhan na lumilitaw sa bawat pagsuntok niya!

“Ano kaya mo pa?” maangas na tanong ni tristan doon sa lalaki na ngayon ay nakahandusay na sa sahig.

“Ikaw? Gusto mo ring makatikim ng sapak??” sigang tanong ni tristan sa lalaking mataba. Agad na tumakbo ang matabang lalaki at iniwan ang kasama niya

“Ayos ka lang ba?” tanong ni tristan sa akin

“Oo salamat! Salamat talaga!” naluluhang sabi ko sa kaniya at di ko napigilang yakapin siya.

“Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag wala ka!” wika ko

“Shh! Sige tara na hahatid na kita pauwi” sabi nito

“Sige tara” sabi ko at sumakay kami sa kotse niya at umalis na.

Tristan's Pov

Andito kami ni art sa loob ng sasakyan ko dahil niligtas ko siya sa mula sa mga lalaking muntik na siyang gahasain. Mabuti na lamang ay narinig ko ang sigaw niya kanina kaya natulungan ko agad siya.

Kumirot ang puso ko ng makita ki ang kalagayan niya kanina, hindi ko kaya na makita siyang umiiyak ang sakit sa puso. Hindi ko alam siguro nga gusto ko siya? Pero hindi ko muna sasabihin sa kaniya dahil gusto ko pang linawin ang nararamdaman ko para sa kaniya.

“Asan na kasi yung boyfriend mo at hindi mo kasama?” tanong ko bigla habang kami ay nasa biyahe

“Huh? Sinong boyfriend?” takang tanong niya

“Yung kanina sa 4th floor? Yung niyakap moo?” iritang sabi ko

“Ah si luke, di ko yun boyfriend magkaibigan lang kami!” di ko alam pero nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya

“Ah, buti naman may pag-asa pa ako” sabi ko pero mahina lang yung bandang huli

“Ano? Di ko narinig yung huli mong sinabi” wika ni art

“ah wala sabi ko andito na tayo” sabi ko sabay park sa harap ng bahay nila

“Salamat ulit ha! Utang na loob ko sayo to” sinscere na sabi niya

“Sige na baba na!” walang paki ko namang sabi

“Kahit kailan talaga ang sungit mo!” sabi nito sabay baba sa kotse ko. Naiwan naman ako sa loob na nakangiti.

Haays di ko malaman tong nararamdaman ko!!

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

MAGANDA BA MGA SIS?

PLEASE VOTE AND COMMENT!

SALAMAT ULIT SA MGA NAGBABASA

~ALWIINAA





THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now