KABANATA 28 ☆

4.3K 199 3
                                    

Art's Pov

Hinanap ko agad sina steph at luke sa school at di naman ako nabigo at nahanap ko agad sila.

“Sis ang ganda natin ngayon ha! Babaeng babae!” bati ni steph sa akin

“Siyempre naman kailangan paghandaan ang ganitong mga event” sagot ko

“Hahahaha saan na tayo ngayon?” tanong ni luke sa amin

“Alas dos na eh puntahan na natin si tristan para icheck kung ready na siya” sabi ko sa kanila

“Weh? Icheck o gusto mo talaga makita?” tanong ni steph

“Both HAHAHAHA” sagot ko na ikinatawa naming lahat.

Pumunta kami sa backstage kung saan nagpe-prepare lahat ng kandidata at kandidato ng Mr. And Ms. Star 2020.

“Hi luv! Ready ka na ba?” bati ko kay tristan na naka casual wear na dahil ito ang una nilang ipapakita sa mga tao.

“Hi luv! Siyempre naman lalo na at nandito ka sa tabi ko” sabi niya. Nakaramdam naman ako ng pamumula ng pisngi ko dahil doon

“Ay sis kinikilig ka ah” asar sa akin ni steph

“Sira Hahahaha” sagot ko sabay tawa

“Luv galingan mo ha andito lang ako para sayo kaya mo yan!” seryosong sabi ko

“Oo luv gagalingan ko para sayo” sabi niya at bigla niya akong hinalikan sa labi

“wow masyadong PDA huh!” sabat ni marco

“Humanap ka na rin kasi ng pwede mong halikan” sabi ni tristan kay marco. Bigla naman si marco tumingin ng nakangisi kay luke at si luke naman ay umiwas ng tingin. Anong nangyayari sa dalawa?

“Ok guys Magsisimula na tayo after 10 minutes mag-ready na kayo” sabi bigla ng organizer

“Oh luv labas na ako at maghahanap na kami ng upuan, kapag kinabahan ka tumingin ka lang sa akin susuportahan kita” seryosong sabi ko

“Ang swerte ko talaga sayo” sabi niya sa akin at akmang ikikiss ulit ako sa labi.

“ooopss mamaya na, kapag nanalo ka dito may premyo ka sa akin” nang aakit na bulong ko kay tristan

“Gusto ko yan luv, marunong ka ng mang-akit ha!” sabi niya na ikinatawa naming dalawa.

“Sis tama na yan tara na maubusan pa tayo ng upuan!” wika ni steph

“Sige luv bye na!” paalam ko at lumabas na kaming tatlo habang si ethan at marco ay naiwan dito sa loob para mag-asikaso kay tristan.

---------

Maya maya pa ay nag start na ang pageant at lumabas na ang dalawang emcee.

“GOOD AFTERNOON STARIANS!” Bati nung isa sa amin

“HANDA NA BA KAYO PARA SA ATING MR. AND MS. STAR 2020 CANDIDATES?” Tanong nung isa at lahat naman ng estudyante ay nag sigawan dahil doon

“OKAY LET'S START! PLEASE WELCOME OUR MR. AND MS. 2020 CANDIDATES!” sabi nung emcee at isa isa namang nagsilabasan ang mga kandidato at kandidata.

Parang magigiba naman itong auditorium namin sa sobrang lakas ng hiyawan ng mga estudyante. Pati kami nila steph at luke ay todo tili ng lumabas na si tristan.

“Gooo Luuuv! Kaya mo yan!!” malakas na sigaw ko at tumingin siya sa akin tsaka ngumiti. Ang gwapo niya talaga tingnan kapag ngumingiti.

Isa isang nagpakilala ang mga kandidata at kandidato hanggang si Tristan na ang magsasalita.

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now