KABANATA 24 ☆

4.6K 211 0
                                    

Art's Pov

Uwian na namin at magkasama kami ni tristan na tinatahak ang daan papuntang parking lot ng school.

“Luv wait naiihi ako cr muna ako saglit” sabi ko sa kaniya

“Samahan na kita luv” wika nito sa akin

“wag na luv kaya ko na to ihanda mo na lang yung sasakyan para mamaya aalis na lang tayo” sabi ko

“Sige luv ingat ka ha” sabi nito at tinanguan ko lang siya. Napaka sweet talaga sa akin ni tristan kaya mahal na mahal ko yan eh.

Nang makapasok ako sa banyo ay agad akong pumunta sa isang cubicle at umihi. Nang matapos ako ay lumabas na ako at naghugas ng kamay. Habang ako ay naghuhugas ng kamay ay may pumasok na isang lalaki na ikinagulat ko.

“Lu-luke?” banggit ko sa pangalan nito

“Oy art anjan ka pala” nakangiting sabi nito. Nagagawa niya nang ngumiti sa akin huh?

Nang matapos ako maghugas ng kamay ay lalabas na sana ako ng pigilan niya ako.

“Ah art!” sabi niya sabay abot sa kamay ko

“Ba-kit luke?” Utal na tanong ko

“Pwede ba tayong mag-usap?” seryosong tanong nito sa akin

“Oo naman, ano ba yun?” wika ko

“Art patawarin mo sana ako kung nagalit ako sayo dahil sa hindi mo pagkagusto sa akin pero ngayon tanggap ko na, narealized ko lang na hindi mo pwedeng pilitin ang tao na magustuhan ka” malungkot na sabi nito sa akin

“Luke so-sorry” pagpapaumanhin ko

“No art! Hindi mo kailangang mag sorry ako dapat ang mag sorry kaya sana patawarin mo ako at pwede ba kitang maging kaibigan....ulit?” tanong nito sa akin

“Siyempre naman luke di naman kita inalis sa mga kaibigan ko” sagot ko rito

“Talaga? Salamat art!” sabi niya sabay yakap sa akin

“Walang hiya ka!!” rinig kong sigaw ng nasa likod at laking gulat ko ng makitang si tristan ito na nag aapoy sa galit ang itsura.

Kinalas niya kami sa yakap at nagulat ako ng sapakin niya bigla si luke na nagpatumba rito.

“Tristan tama na!!” sigaw ko pero patuloy niya pa ring pinagsusuntok si luke

“Ano ba tristan! Tama na yan! Mali ka ng iniisip!” malakas na sigaw ko dito na ikinatigil naman niya. Tumayo siya tiningnan ako ng masama, nakakatakot siya.

“Ako pa ang mali? Eh kitang kita naman na nakikipaglandian ka sa lalaking yan!” parang nadurog ang puso ko sa mga binitawang salita ni tristan sa akin, di ko na napigilan at tumulo na ang luha ko

“tri-tristan hayaan mo akong magpaliwanag” sabi ko pero diretso siyang lumabas ng cr. Tinulungan ko muna si luke dahil nasuntok siya ni tristan

“Luke o-kay ka lang ba?” lumuluha kong tanong dito

“O-O okay lang ako sige na puntahan mo siya” hirap na sabi ni luke sa akin habang dinadaing ang mga sakit ng katawan niya

“Sigurado ka ba luke?” patuloy pa rin ako sa pag iyak

“Oo sige na baka di mo na siya maabutan” sabi nito sa akin

“Salamat luke” sabi ko rito at agad na tumakbo papuntang parking lot.

Habang tumatakbo ako ay patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha, hindi ko akalain na pagsasalitan ako ni tristan ng mga ganun.

Mali siya ng inaakala dapat akong magpaliwanag sa kaniya mahal na mahal ko siya ayaw kong mawala siya sa akin.

Nang makarating ako ay nakita kong kakaalis lang ng kotse niya kaya wala akong nagawa kundi ang umiyak.

“Tristaaaan!” sigaw ko habang umiiyak.

Tristan's Pov

“Luv wait naiihi ako cr muna ako saglit” sabi bigla ni art sa akin

“Samahan na kita luv” wika ko sa kaniya

“wag na luv kaya ko na to ihanda mo na lang yung sasakyan para mamaya aalis na lang tayo” sabi nito sa akin

“Sige luv ingat ka ha” sabi ko at tinanguan niya lang ako. Pumunta na ako sa sasakyan ko at hinanda ito.

Makalipas ang ilang saglit ay wala pa rin si art at nababagot na ako dito kaya nagpasiya na akong puntahan siya.

Habang papalapit na ako nang papalapit sa banyo ay bumibigat ang pakiramdam ko pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito at tinuloy ang pagpasok sa banyo.

Nang makapasok ako sa banyo ay parang tinutusok ang puso ko sa nakikita ng aking mata bigla akong nag-init at nagalit!

“Walang hiya ka!!”  sigaw ko sa kanilang dalawa at nakita ko naman na nagulat si art ng makita niya ako

Kinalas kosila sa yakap at sinapak ko si luke na ikinatumba niya.

“Tristan tama na!!” rinig kong sigaw ni art pero patuloy ko pa rin pinagsasapak si luke dahil sa galit ko

“Ano ba tristan! Tama na yan! Mali ka ng iniisip!” malakas na sigaw sa akin ni art  na ikinatigil ko. Tumayo ako at tiningnan siya ng masama

“Ako pa ang mali? Eh kitang kita naman na nakikipaglandian ka sa lalaking yan!” Galit kong sigaw jay art at umalis

“tri-tristan hayaan mo akong magpaliwanag” sigaw niya pa pero diretso lang ako lumabas ng cr.

Dumiretso ako sa kotse ko at sumakay dito. Pinaandar ko agad ito at di na hinantay pa si art dahul sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko inaasahan na kayang gawin sa akin ni art ang lahat ng iyon. Inamin sa akin ni art na may gusto sa kaniya si luke at dahil doon pinagsabihan ko siya na wag na siyang lalapit doon dahil natatakot ako na mawala siya sa akin.

Dumiretso ako isang bar dahil gusto ko maglasing, gusto ko mawala yung sakit na nararamdaman ko. Pinatay ko ang cellphone ko dahil alam kong tatawagan ako ni art gusto ko muna mapag-isa ngayon.

Mahal na mahal ko si art kaya ang sakit para sa akin na makita ko siyang may kayakap na iba. Sabihin niyo ng possessive ako pero ganun talaga ako mag mahal gusto ko sa akin lang siya, gusto ko sa akin lang ang atensyon niya.

Naglasing ako ngayong gabi at di ko tiningnan ang cellphone ko dahil ayoko makita ang mga text sa akin ni art.

Mahal na mahal kita art, bakit mo ginawa sa akin to?

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

MAGKAKABATI KAYA AGAD SILA?

ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA!

~ALWIINAA

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now