KABANATA 38 ☆

4.4K 202 0
                                    

Art's Pov

Isang umaga na naman ang dumating at ngayon ay nakaayos at nakakain na rin ako kaya handa na akong pumasok.

“Anak ano pang hinihintay mo sige na pumasok ka na at baka mahuli ka pa sa klase” sita sa akin ni nanay, lumapit ako dito at niyakap siya ng mahigpit.

“Nay ang swerte ko at nagkaroon aki ng isang nanay na katulad mo” seryoso kong sabi habang nakayakap pa rin sa kaniya

“Maswerte rin naman ako sayo anak dahil napakabait mong bata” sagot nito sa akin

“Basta nay lagi mong tandaan na mahal na mahal kita ha” sabi ko kay nanay na ikinataka niya

“Ano ba yang sinasabi mo anak para kang nagpapaalam siyempre alam ko naman na mahal na mahal mo ako no” sabi nito sa akin

“Sige po nay alis na ako” sabi ko at humalik muna sa pisngi niya bago lumabas ng bahay.

“Mag-ingat ka anak!” sabi nito sa akin at tinanguan ko lang ito.

Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa sarili ko basta ang alam ko mahal na mahal ko lang ang nanay ko.

Sumakay agad ako ng jeep papunta sa school namin, alam niyo bang sa araw araw na nagco-commute ako ay naaalala ko si tristan dahil dati noong kami pa ay lagi niya akong hinahatid at sinusundo sa school pero ngayon hindi na.

Hays mabuti pang di ko na siya isipin dahil mas lalo lang akong mahihirapan, ayoko siyang kalimutan dahil siya lang yung nagbibigay ng saya sa akin na ngayon at wala na.

Nang makarating ako sa school ay naglakad agad ako diretso sa classroom namin kung dmsaan sinalubong naman ako ni steph at luke.

“Art sama ka sa amin ni steph mamaya!” bungad ni luke sa akin

“ha? Saan naman yan?” tanong ko sa kanila

“Sa Mall sis napag-isipan kasi namin ni luke na kailangan mo ding sumaya no hindi yung araw-araw ka na lang sad” seryosong sabi ni steph sa akin

“naku di na kailangan masaya naman ako ha tingnan niyo” sabi ko sabay bigat ng pilit na ngiti

“Sis wag mo ng itago alam kong nalulungkot ka pa kaibigan mo kaya kami kaya alam namin yan” sabi ni steph na ikinalungkot lo ulit.

“Wag kang mag-alala art treat naman namin” masayang sabi ni luke

“Ok sige tama kayo kailangan ko ng sumaya ulit” positibong wika ko sa kanila

“Yan ganiyan nga sis bongga yan!” sabi ni steph.

Tama silang dalawa kailangan kong sumaya na ulit dahil ayokong pati sila ay namomroblema sa akin.

--------------

Lumipas ang ilang oras at ngayon nga ay uwian na namin at ang swerte ko ngayon dahil hindi pumasok si tristan sa P.E class namin kaya di ko siya nakita, siguro ay kasama niya si Amber at naglalandian silang dalawa ay putek erase erase! Dapat masaya lang tayo!

“Ano sis tara na?” tanong ni steph sa akin kasama niya si luke

“Sige tara na!” sabi ko at dumiretso na kami sa parking lot dahil kotse nila steph ang gagamitin namin papunta sa mall.

Ilang saglit pa ay nakarating na agad kami sa mall at ang una naming gagawin ay manood ng sine!!

“Sis ako na magbabayad ng akin mat ipon pa akong pera dito” sabi ko kina steph at luke habang bumibili sila ng ticket.

“Para kang tanga sis hindi mo ba alam yung salitang libre? Kami ng bahala sayo ngayong araw!” sagot ni steph sa akin na ikinatawa ko

“Hahaha oo nga art kami ng bahala kaya mag-enjoy ka na lang kasi minsan lang to!” sabi ni luke na ikinatawa naming tatlo.

THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED)Where stories live. Discover now