Chapter 1

42.5K 421 18
                                    


ACCIDENT

Ahli's POV

MARIKINA National Highschool St. Montris Campus. Public na paraan kung saan kahit hindi studyante dito eh nakakapasok. Mga mahihirap lang na tao ang nakakapag-aral dito. At nagagawa mo lahat nang gusto mo sa paarala'ng ito, tulad na lang ngayon.

"Kala niyo kung sino kayo magyabang! Panigurado namang lampa kayo!"-dinuro kami nung lalakeng halos magkasing edad kami. May hikaw sa kanan at may tattoo pa siya sa kanyang leeg.

"Lampa? Hoy gago wala sa bokabularyo namin yan!"-maangas na depensa ni gelo na nasa tabi ko. Kasalukuyan kaming nakatayo sa quadrangle nang campus. Walang nagkalat na mga studyante dahil kasalukuyang may klase.

"Aba at umangas pa! Ha! Kung ako sa inyo, tumakbo na kayo. Anong laban niyo sa amin? Eh tatatlo lang kayo tapos babae pa yang isa!"-natatawang tinuro pa niya ako at pinasadahan pa nang tingin mula ulo hanggang paa. Walangya ang ugok na to! Minamaliit ba ako nang hinayupak na ito?!

"Mukhang naligaw ka ata miss."-asar sa akin nung isang kasama niya at nagtawanan na naman silang anim. Walangya! Sarap palamunin nang tae! Leche!

"Mukha nga eh. Gelo nasa manila zoo ba tayo? Bakit may mga unggoy sa harapan ko?"-biro ko din at bahagya pang tinuro ang mga hinayupak na ngayon ay umuusok na ang ilong at tenga nila sa galit.

"Hahahaha!"-hagalpak na tawa ni gelo habang nakapoker lang si lester sa kanan ko na walang pake lang. Hindi yan mabiro. Ni tumawa nga eh hindi pa magawa. Buti na nga lang at sanay ako sa ugali nito. Tsk.

"Put@ng*n@ kang babae ka! Anong sabi mo?!"-galit na lumapit sa akin yung may hikaw. Halos mamula na nga mukha eh pati yung mata niya ay nanlilisik na. Hahaha! Ang bilis namang mapikon ang hinayupak na to noh!

Bago pa ako mahawakan nang hinayupak eh humarang na si lester sa gitna namin. Nanatiling nakapoker face.

"Oh ano? Ipagtatanggol mo yang gagong babaeng yan? Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong madungisan yang mukha mo!"

"Ayoko sa maangas."-tipid at napapagod na tinig ni lester sa kaniya.

Mukhang mag uumpisa na ang away. Kailangan ko nang maghanda dahil paniguradong wala sa oras eh susuntok na yang si lester. Maliit pasensya eh. Napaka kj. Gusto ko pang mang asar eh. Tsk.

"T@r@nt@do! Kayo ang---"

*boogsh!*

Naputol na ang sasabihin nang ugok nang hindi na nag alinlangang sinuntok ni lester ang matigas niyang mukha kaya ayun napaupo sa lakas nang suntok.

"Aba at! Mga gago kayo!"-sigaw sa amin nung kasama niya at isa-isa nang nagsilapitan na sa amin.

Mabilis akong pumosisyon at hinintay ang paglapit sa akin nung isa na mukhang mas masahol pa sa unggoy ang itsura. Mabilis niya akong inambahan nang suntok sa mukha pero agad akong yumuko at sinikmuraan siya.

Akala ko lalayo siya pero matigas ang leche! Hindi nagpatinag! Aambahan ko na sana siya nang unang suntok sa mukha nang naunahan niya ako kaya nasuntok ang mukha ko. Letseng unggoy na to!

"Sh*t!"-mura ko at napahawak sa pisngi kong natamaan. Mumurahin ko pa sana siya nang sumugod siya agad sa akin. Di makapaghintay?

Sisikmuraan niya sana ako pero umiwas ako pakanan at siniko at pisngi niya. Hindi na ako nag aksaya nang oras dahil mabilis ko na siyang sinipa sa sikmura nang sobrang lakas.

Buti naka jogging pants ako baka masilip pa ako kapag nagkataon na nakapalda ako. Leche!

"Ahli!"-narinig kong tawag sa akin ni gelo kaya mabilis kong binalingan ang gawi niya pero laking gulat ko nang kamao ang sumalubong sa mukha ko. Tuluyan na akong napa upo sa lupa.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now