Chapter 16

9.8K 165 4
                                    

Chapter 16

'The cause for loving'

Ahli's POV

"Naks! Excited na excited teh? Sa pagkaka alam ko hindi date to eh."-pang aasar ni ayna habang nasa loob kami ng cr. Nagsusuklay lang ako pero ang dami nang sinabi ng loka loka.

Hindi naman ako nagpapaganda dahil hindi ko naman alam yun at saka okay na ako sa itsura ko. Tsk.

"Kahit na hindi to date atleast makakasama ko siya."-sumbat ko at inirapan siya sa salamin.

Nakasandal naman siya sa pinto ng isang cubucle habang may nang aasar na ngiti.

"Okay. Bakit hindi ka mag lipstick para naman magustuhan ka ni zadkiel?"-tatawa pa niyang suhestiyon na ikina simangot ko.

"Ayoko. At saka isa pa, hindi ako mahilig sa mga ganun."

"Alam mo ahli, maganda ka naman eh. Kaso nga lang hindi ka marunong mag ayos. Tomboy ka ba ha?"

"Gago! Magkakagusto ba ako kay zad kung tomboy ako? Nasan utak mo?"-singhal ko sa kanya at saka aambahan ng hampas gamit ang suklay niya pero umiwas siya.

"Di ka na mabiro. Tsk. Tsk. Basta tandaan mo kapag kasama mo siya, huwag kang umasal na para bang mas lalake ka pa sa kanya."palala niya na ikina kunot ng aking noo.

Hinarap ko siya at humalukipkip.

"Ganun ba ako? Sinong mas lalake kung umasta ha? Ako ba?!"

"Oo, huwag ka ng magtaka. Kaya hindi siya nagkaka gusto sayo eh! Ang hilig mong mag mura! Kung maglakad ka daig mo pa ang tomboy na buntis!"-natawa siya sa huling sinabi niya.

"Eh anong gagawin ko aber?"

"Ganito."-umalis siya sa pagkakasandal sa pintuan ng cubicle. Gayahin mo ako okay?"-naglakad siya na animo'y nasa beauty pageant. Taas noo siyang naglakad habang kumembot-kembot pa. "Ganun! Kapag kasama mo siya dapat ganun ka maglakad! Tapos kung mag usap kayo, dapat mahinhin."-dagdag pa niya at lumapit sa akin.

"Kapag tumawa ka, hindi yung parang nauulul. Dapat ganito..."-tumikhim siya. "Ha! Ha! Ha! Nakakatawa..."-saka mahina niya akong hinampas.

Napakamot ako sa ulo at napabuntong hininga. "Para namang si kris aquino na ako nun, gago ka!"-mura ko pero tumawa lang siya.

"Hehehe. Pwede naman eh. Kaysa naman tumawa ka na parang si boy abunda diba?"

Inirapan ko siya at saka hinampas gamit ang suklay niya. "Huwag ka ng magsalita dahil pinagmumukha mo akong tanga sa mga sinasabi mo."

"May tao ba diyan? Naiihi na ako."-pakinig naming sigaw sa labas ng banyo.

"Teka! May tumatae!"-sigaw na sagot ni ayna at saka humarap ulit sa akin. Hindi pinapansin ang babaeng naghihintay sa labas.

"Alam mo, magpakatotoo ka kay zadkiel. Huwag kang magpanggap kung hindi naman yun ang totoo mong ugali. Just be yourself.  Oh, english yun."-pumalakpak pa siya na para bang yun na ang pinakamasayang bagay na nagawa niya.

May saltik na naman sa ulo neto.

Umiling na lang ako sa asta niya at saka humarap ulit sa salamin. Nakapantalon ako ngayon at saka simpleng blouse na bigay ni ayna. Naka rubber shoes lang ako at maayos naman ang maliit kong buhok na may highlight pang ash gray. Hindi ko na kailangang magpaganda dahil mas gugustuhin kong maging simple sa harapan niya.

"Oh, nagtext na sa akin si zadkiel. Nasa labas na siya ng school, hinihintay ka niya sa parking lot."-saad niya pagkatapos basahin ang text ni zad.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin